GTOL 71: Tears of Joy

226 5 14
                                    


Ethan's POV

♡♡♡

After 4 months!

Kabuwanan na ni Eunice ngayon. At ito nga ako, medyo busy ako sa pag-alaga sa kanya dahil sobrang laki na talaga ng tiyan ng misis ko e. Naeexcite na nga ako na lalabas ang mga baby namin e. Kaya lang! From the latest months medyo badmood si misis ko e, palagi na lang mainit ulo niya sa akin.

"Ethannnn!"

"Misis ko!" Sambit ko at dali-daling bumaba ng living room kung saan si misis ko nanonood ng movie.

Napatakbo pa nga ako! Nakakatakot kasi siya kapag sumisigaw at nagagalit sa akin dahil umiiyak pa ito.

"Misis ko bakit?" Ani ko ng bumaba ako sa may hagdan namin.

"Dito ka nga lang kasi!" Ani nito.

"E, magliligpit lang muna ako sa sa higaan natin sa kwarto." Sagot ko.

"Mamaya na nga yon! Dito ka muna kasi! Kainis ka!" Singhal niya.

"Okay, sige!" Sambit ko at umupo sa tabi niya.

"Mister ko, dito ka lang sa tabi ko ha. Wag mo kaming iiwan ni baby." Pagpout niya sa akin.

"Okay, sige! Dito lang ako, misis ko para hindi mo ako mamiss." Pagyakap ko sa kanya.

"Aray ko!"

"Bakit?" Pagkalas ko sa yakap niya ng bigla siyang napahawak sa may tiyan niya.

"Mister ko! Aray ko! Si baby sumisipa ang sakit, mister ko." Mangiyak-ngiyak na saad niya.

"Ha?"

"Sumisipa siya, mister ko! Ang sakit!" Ani niya.

"Wait lang! Wait lang! Kausapin ko si baby." Ani ko nito at napaluhod na lang at dinikit ang tenga ko.

"Aray ko! Aray ko! Sumisipa pa rin siya, mister ko."

"Ahmm... baby Fighter! Si Dada mo pala ito. Wag ka naman ganon kay Mama mo oh. Wag mo sipain si Mama mo, kawawa kasi si Mama mo e." Kausap niya nito. "Baby Fighter, wag masyadong makulit sa tiyan ni Mama. Umiiyak si Mama mo e. Alam mo bang love na love ka namin ng Mama mo? Wag mo naman sipain si Mama." Dugtong ko.

"Mister ko, hindi na sumisipa si baby." Ani ni misis ko.

"I love you, baby Fighter! Masunurin ka talaga kay Dada. Kapit ka lang ha. Excited na kaming masilayan ang kagwapohan mo dito. Excited na kami ni Mama mo na lalabas ka. Mahal ka namin ni Mama mo." Sambit ko sabay kong hinalikan ang tummy ni misis ko.

"Mahal ka rin ni baby Fighter, mister ko." Ani ni misis ko.

Napangiti ako bago ako tumabi sa kanya sa kakaupo. "Mahal tayo ng baby Fighter natin!" Ani ko.

"Syaka mahal na mahal ko rin kayo."

"Mas mahal na mahal ko kayo." Tugon ko kay Eunice. "Pero grabe ba sumisipa si baby Fighter, misis ko?" Nakangiting Tanong ko.

"Sobrang fighter! Kaya siguro ganito na lang kasakit ang sipa niya dahil pangalan pa lang niya fighter na." Ani niya.

"Hehehe!" Nakangiting tawa ko.

"Tumatawa ka pa diyan! Kainis ka! Last muna ito ha." Ani niya.

"Ha? Anong last, misis ko?" Tanong ko.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon