GTOL 79: Masunurin

210 3 5
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

"Nam... nam... nam... nam..." Nguya ko sa kinain kung maasim na mangga.

Ang sarap kaya! Sobrang nasasarapan ako sa mangga na ito. Sobrang malinamnam siya e. Napatingin naman ako sa tapat ko na si Steve na ngayon ay napaasim pa ang mukha nito habang nakatuon ang mukha sa binabasa niyang libro.

"Mahal," Tawag ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

"Bakit?" Tanong pa niya na naaasiman pa rin ang mukha niya.

"Gusto mo?" Alok niya sa akin. "Luh! Asa ka!" Irap ko sa kanya.

"Hindi naman ako, hihingi e." Sabi niya at tinuon ang tingin sa libro muli.

"Nam... nam... nam... nam..." Nguya ko nito muli. "Mahal!" Tawag ko muli na ikinatingin niya sa akin.

"Ano na naman?"

"Kuha mo nga ako ng bagoong! Isasawsaw ko lang ang mangga ko." Utos ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya nito bago tumayo at walang sabing nagtungo sa kitchen. Ang sarap kasi isawsaw ang mangga na ito sa bagoong e.

×××

Maya-maya pa bumalik na rin si Steven na dala ang bagoong nito.

"Ito na po." Ani niya at inabot sa akin ang bagoong.

"Salamat!" Ngiti ko bago ko binuksan ang lalagyan ng bagoong para isawsaw ang mangga ko.

Nakita ko naman si Steve na bumalik ito sa ginagawa niyang pagbabasa ng book niya.

"Ano ba binabasa mo?"

"About medicine, Mahal." Sabi ko sa kanya.

"Mag-aaral ka ulit?" Tanong ko.

"Hindi naman! Binabasa ko lang ulit para mas fresh pa ang mga words of thought ng books na ito sa akin. Syaka it will helps naman sa work ko." Sagot niya na nasa libro ang tingin.

"Hays!" Buntong hininga ko na lang. "Baka gusto mo kumain ng bagoong, Mahal?"

"Ayaw ko."

"Tinatanggihan mo kami ng kambal na nasa tummy ko?" Taas kilay na tanong ko.

Tiningnan niya ako at napabuntong hininga na naman ulit. "Kain ka lang diyan! Focus ka sa pagkain diyan."

"Sabayan mo nga ako sa pagkain!" Singhal ko.

"Mahal naman may---"

"Sasabayan mo ako o lalayasan ka namin?!"

Napabuntong hininga na lang siya nito bago tumayo sa harapan ko at nagtungo sa tabi ko umupo.

"Mahal."

"Kain ka! Sarap kaya ang mangga. Sabayan mo kaming kumain." Ani ko sabay alok sa kanya ang mangga.

"Ang asim naman."

"Hindi ka pa nga kumakain... naaasiman ka na!" Ani ko. "Kuha ka na!"

Napabuntong hininga na lang siya bago kumuha ng mangga at sabay nitong kinain. Napangiwi pa siya sa asim nito na ikinangiti ko na lang.

"Kuha ka pa, Mahal!" Sabi ko sa kanya.

Kumuha naman ito sabay kain nito na ikinangiwi na naman niya sa sobrang asim.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon