GTOL 15: Hang Over

403 15 1
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Napamulat na lang ako sa mga mata ko na sobrang sakit ng ulo ko nito. Shyteee! Sobrang sakit talaga! Agad naman akong umupo nito sa may kama ko at hinawakan ang ulo ko na sobrang sakit talaga nito.

Ano bang nangyari kahapon? Ano bang ginawa ko kagabi? Sobrang sakit niya talaga! Napalingon pa ako sa paligid ko nito na wala si Kyler dito. Nasaan ba si Hubby? Bakit wala siya sa kwarto namin? Hindi ba siya dito natutulog?

Napabangon na lang ako nito at tumayo para lumabas ng kwarto namin. Shyteee! Nakalock ang pinto ng kwarto namin, ibig sabihin hindi siya dito natutulog kagabi.

"Wifey!"

Napalingon ako sa boses na 'yon na kakaakyat lang nito sa may hagdan.

"Hubby." Sambit ko nito at niyakap ko siya nito.

"Good morning Wifey..." Sambit nito sa akin habang niyayakap rin niya ako nito ng mahigpit nito.

"Good morning Hubby." Sagot ko.

"Oo nga pala, okay ka na ba?" Tanong nito sa akin na ikinabitaw ko sa kanya sa pagkayakap.

"Ang sakit nga ng ulo ko e, may hang over yata." Sambit ko nito.

"Yan kasi inom pa more." Sambit nito na ikinabusangot ko na lang nito. "Hali ka nga dito Wifey, punta tayo sa terrace may hinanda ako sayo." Dugtong nito at hinila ako nito papunta sa terrace ng bahay namin.

Oo na! Masakit talaga ang ulo ko e, hang-over siguro ito sa ginawang inuman namin sa mga Sissy ko kahapon. Diba naalala ko na? Kanina hindi kasi nagsink-in sa akin e.

Agad naman akong umupo sa may upuan dito at kaharap ang mini table na may nakatimpla pa itong kape.

"Inumin mo muna ang kape mo Wifey para mawala na 'yang hang over mo." Sambit nito sa akin bago siya umupo sa may tapat ko nito.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti na lang Ito bago kinuha ang tasa at ininom ang laman ng kape nito.

"Last muna 'yon ha." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ha?"

"Hindi na kita papayagan pa na uminom ng marami." Sambit nito sa akin.

"Hubby..." Sambit ko na lang nito at nag-pout sa kanya.

"Wag kang makulit Wifey, ayaw ko na umiinom ka e dahil dami mong drama." Sambit nito sa akin na ikinakunot ng noo ko ulit.

"Anong drama?"

Napabuntong hininga siya bago nagsalita ulit. "Hali ka nga dito, Wifey."

Napatayo naman agad ako at nagtungo sa kanya nito. Agad naman niya akong hinila nito na ikinakandong ko sa mga binti niya.

"Gusto mo bang malaman anong anong pinaggagawa mong kadramahan kagabi?" Tanong nito sa akin habang pinulupot ang mga kamay niya sa mga bewang ko.

"Hubby, wala akong alam sa pinagsasabi mo. Baka nga ikaw ang nagdradrama e dahil hindi mo ako tinabihan sa pagtulog." Sambit ko nito.

"Ikaw nga 'tong galit e..."

"Ha?"

"Galit ka sa akin kagabi, tapos pinalabas at pinalayas mo pa ako. Tapos ayon lumabas na lang ako kaysa naman ikaw ang aalis." Sambit nito na nag-pout pa sa akin.

"Anong pinagsasabi mo Hubby?"

"Totoo nga Wifey, pinaalis mo ako ayaw mo akong makatabi kaya sa kabilang kwarto na lang ako natulog." Sambit nito ulit.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon