Chesca's POV♡♡♡
Okay naman ang buong araw namin ngayon, masaya naman kahit may kunting hindi pagkakaintindihan. Kami ni Kyler, dito na nga lang kami tumambay sa bahay nina Eunice e dahil natatakot daw siya kay Dad.
Ewan ko sa boyfriend ko, biglang naging duwag na siya ngayon. Noon lang kaya niyang harapin ang mga challenge na binigay ni Dad pero ngayon sobrang duwag na niya.
"Chesca! Mira!" Napalaki na lang ang mga mata namin sa mga boses na 'yon.
Napahawak na lang si Kyler sa kamay ko nito dahil alam ko na natatakot siya sa boses na 'yon. Nandito kasi kami sa sala nina Eunice ngayon e, nag-uusap lang dito.
Bumukas ang pinto sa bahay nina Eunice at iniluwal ang mukha ni Dad.
"Dad!" Sambit naming dalawa ni Sissy Mira.
"Uwi na kayo, medyo late na e. Magquarter to 10 na." Sambit ni Dad nito.
Sinundo pa talaga kaming dalawa dito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mira kahit ang mga kaibigan namin na napakunot ng noo na lang.
"Umuwi na kayong dalawa, matulog na." Sambit nito ulit.
Para kaming bata na sinundo pa talaga ni Dad dito. Nakakaloka si Dad, graduate na nga kami ng College e parang binababy niya pa kaming dalawa ni Sissy Mira.
"Ahmm... Tito, doon na lang si Babyloves matu---"
"Hindi pwede!" Pagputol ni Dad sa sinabi ni Drake.
Napalaki na lang ang mga mata namin, mas lalo na si Drake na hindi makapaniwala na sinigawan siya ni Dad.
"Hindi pwedeng matutulog si Mira sa bahay niyo, baka ano pa ang gawin mo." Sambit ni Dad na kumalma pa ang boses nito.
"Wala naman po akong gagawin kay Mira Tito e." Sambit ni Drake nito.
"Hindi nga pwede..." Sambit ni Dad nito. "Kung gusto mo, si Kyler na lang ang patulogin mo sa bahay niyo."
"Po?" Gulat na sambit ni Kyler nito.
"Anong po? Dapat sige po ang sagot mo."
"E, kasi doon ako matutulog sa kwarto ni Chesca e." Sambit ni Kyler nito.
"Hindi pwede!" Sambit ni Dad nito.
"Dad na---"
"Wag mo nga akong tawaging Dad!" Pagputol ni Dad sa sinabi ni Kyler.
"Ahmm... Ahmm..." Sambit na lang ni Kyler nito bago siya tumingin sa akin. "Babe, gusto ko matulog sa inyo. Gusto ko kung tabi tayo sa pagtulog." Sambit ni Kyler sa akin.
"Hindi nga pwede!" Sambit na naman ni Dad nito.
"Dad naman... Nakakaawa si Kyler e." Sambit ko kay Dad habang mahigpit pa rin ang pagkahawak ni Kyler sa kamay ko.
"Nag-iinarte lang ang boyfriend mo Chez, kaya naman tumayo na kayong dalawa ni Mira diyan." Sambit ni Dad sa akin.
"E, saan matutulog si Kyler Dad?" Tanong ko nito.
"Sa bahay nina Drake." Sagot nito.
"Ayaw ko don, gusto ko nga katabi matulog ang anak mo." Sambit ni Kyler nito.
"Ikaw Kyler ha, nangigigil na talaga ako sa kaartihan mo! Kung may itak pa akong dala ngayon baka kanina pa kita tinadtad." Sambit ni Dad na ikinayuko na lang ni Kyler nito.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...