Eunice's POV♡♡♡
Kasalukuyan kaming nandito ni Maggie sa kitchen sa bahay namin. Oo! Bahay namin ni Ethan, nandito si Mags na kasalukuyan kaming nagprepare ng food para sa mga asawa namin.
Oo! Kakauwi lang namin galing sa girls out namin. Naenjoy naman namin kanina ang bondings namin halos lahat ngang establishment ay napuntahan na namin.
Pero ngayon, babawi kami sa mga asawa namin. At sinabi ko nga kay Maggie na dito na sila mag dinner ni Miko sa bahay namin para magkasama naman kami. Syaka magkasudivision lang naman kami ni Mags e, kumbaga magkapitbahay lang kami.
"Mags! Tinext muna na ba si Miko na dito na kayo magdinner sa bahay?" Tanong ko kay Maggie na ngayon ay busy sa kaletterring sa dalawang cakes na binili namin kanina lang.
"Ahmm... Oo! Sabi ni baby Miko ko na pauwi na rin naman sila." Sagot niya.
"Ahh, okay!" Sagot ko. "Pero saan ba sila tumambay kanina? Parang wala silang updates sa atin ha." Tanong ko muli.
"Sa restaurant lang daw nina Dee and Munchy! No choice naman daw sila e, hindi nila kayang sundan tayo kanina baka kasi mangyari ang consequences na sinasabi natin." Sabi niya.
Oo nga e! Takot na takot talaga sila sa magiging banta namin. Pero babawi naman kami ngayon sa kanila e. Kung kanina, time to bond with my Sissy. Ngayon naman it's time to bond our husbands.
"Pagkatapos mo sa ginagawa mo diyan, ilagay mo ulit ang cakes sa may fridge." Sambit ko.
"Okay!" Sagot niya. "Tapos na ba ang niluluto mong adobo?" Tanong ni Mags akin.
"Yes! Ihahain ko na 'to." Sambit ko bago ko pinatay ang apoy.
Kumuha naman ako ng lalagyan at inihain ang niluto kong adobo na ulam namin sa dinner. Yes! Adobo lang ang niluto ko. Adobo lang naman kasi ang favorite food ni Ethan e. Syaka kumakain naman sina Miko at Maggie ng adobo.
Agad kong nilagay ang niluto kong adobo sa may dining table at umupo sa may upuan kung saan ako palagi naka pwesto.
"Matagal pa ba sila?" Tanong ko kay Maggie.
*BEEEEEEEEEPPPPPPPP*
"Wait lang! Mukhang sila na ito. Dito ka na lang muna Mags, ako na ang magbubukas." Ani ko at agad-agad akong tumayo at lumabas ng dining area.
Dali-dali akong lumabas ng pinto at napangiti na lang akong makita ang kotse ng mister ko at kotse ni Miko. Binuksan ko ang gate namin na ikinapasok naman ni Ethan sa kotse niya at ginarahe ito sa may garage dito.
"Miko, pumasok ka na! Nandoon na sa dining si Mags." Sabi ko kay Miko ng pumasok sa gate namin.
"Okay!" Sagot niya at tumatakbo pa itong papasok sa bahay namin.
Agad ko naman pinuntahan si Ethan ng lumabas ito ng kotse na ikinangiti ko na lang.
"Mister ko!" Ani ko at niyakap siy nito ng mahigpit.
"Ang higpit naman ng yakap mo, misis ko." Ani niya.
"Miss na miss kasi kita e!" Ani ko sabay kalas sa pagkayakap sa kanya.
"Talaga? Miss na miss mo ako?" Tanong niya na ikinatango ko. "Si baby ba, miss kaya niya ang Dada niya?" Tanong niya sabay himas sa tummy ko.
"Syempre naman! Miss na miss ka ni baby. Miss na miss ni baby ang Dada niya." Tanong ko.
"I love you! Love ko kayo ni baby." Ani niya na nakangiti.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...