Mira's POV♡♡♡
*KRINGGGGGGGG*
"Class Dismissed!" Saad ko.
Agad naman nagsitayuan ang mga students ko lumabas na ang mga ito. Ako naman inayos ko na rin ang gamit ko para makaalis na dito. Lunch break na kasi e! Ito ang lahat class ko sa morning.
Agad akong lumabas ng classroom at napalaki na lang ang mata ko ng makita ang napagawapong lalaki na nandito sa labas.
"Ahmm... Hi." Saad niya sa akin.
"Hello," Wave ko naman. "Anong ginagawa mo dito? Mr. Dhustine Javier?" Tanong ko.
"Dhustine na lang, sobrang formal mo naman masyado." Saad niya.
"E, nasa school kasi tayo e. Dapat maging formal tayo."
"Pwede naman sigurong maging casual like treating as a friends. Ganon!" Ngiti nito.
"Ahmm, okay sige."
"Pero, gusto ko lang sanang matanong kung---"
"May boyfriend ako? Meron akong boyfriend, I mean fiance na pala." Pagputol ko.
"Hindi naman 'yan ang tanong ko." Nakangiting saad niya.
"Ha? E, ano bang tanong mo?"
"Ahmm... Iba ang tanong ko. Pero kung 'yon naman ang itatanong ko sayo. Alam ko naman ang sagot mo na may fiance ka na nga, sobrang tagal niyo na nga e. Syaka alam ko pangalan ng fiance mo, Drake Santos the architect." Sambit niya.
"Ha? Paano mo nalaman?" Takang tanong ko.
"Paano ko hindi malalaman? E, sa mga post pa lang ni Steven nandon kayo." Saad nito.
"Kilala mo si Steven?" Tanong ko.
"Oo naman! Pinsan ko siya, hindi ba halata? Magkaapelyido nga kami niya e. Steven Javier tapos ako Dhustine Javier. Syaka pasok agad ako sa banga kay Mr. Principal Kim Javier." Sambit niya at ngumiti.
"Hired ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Yes! Actually, bukas magsisimula na ako for work." Sagot niya.
"Iba talaga kapag related noh? Walang kahirap hirap na makapasok!" Sambit ko.
"Hindi naman... E, pinahiram nga ako ni Tito e." Sambit nito.
"Ewan ko!" Irap ko.
"Pero, Hali ka na nga. Gutom na ako, punta tayo sa canteen. Wala kasi akong kasabay kumain e." Saad niya at hinawakan pa ako sa wrist hand ko at hinila.
Wait nga lang! Close ba kami ng lalaking ito? E, makahila kasi siya sa akin parang close lang kami ha. Parang dating magkakilala lang kami. Hindi ko nga alam kung kailan ko siya nakilala e kung close o magkakaibigan kaming dalawa.
"Babyloves!"
Napahinto na lang kami ng makita ko si Babyloves nito na kunot pa ang noo nito na nilapitan ako. Napabitaw naman si Dhustine sa kamay niya na nakahawak sa akin at napalunok na lang ito ng laway.
"Babyloves." Saad ko sa kanya.
Napabalik-balik ang tingin ni Drake sa aming dalawa ni Dhusitine na Kunot pa rin ang noo nito.
"Sino siya?" Tanong nito sabay turo kay Dhustine.
"Hello po, Drake Santos." Pagbati ni Dhustine kay Babyloves. "Ako pala si Dhustine Javier, newly hired SHS teacher sa University na ito." Pakilala pa nito sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...