Ethan's POV♡♡♡
It's more than 3 months na.
Wala pa rin kaming balita sa mga Madrigal Sisters. Hindi pa rin nagpaparamdam ang mga fiance o asawa namin lahat. Nakakamiss na talaga sila. Mukhang ginalingan talaga ang paghide nila para hindi namin makita e.
Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa na makita namin sila ulit. Ngayon palang, itutuloy namin ang laban sa buhay at pangarap na kasama sila.
Oo na! Focus kami sa profession ngayon namin kung saan ginalingan namin ang bawat trabaho para makaearn ng pera sa gastosin at para taposin ang mga plano namin na business at dream house.
Sa ngayon, natapos ko na rin ang pinagawa kong simple dream house na gusto ng asawa ko na maliit na bahay na, walang pool pero may malaking garden. Kaya excited nga ako na bumalik ang misis ko para madala ko siya sa bahay namin.
"Weekend na naman bukas. Saan punta natin?" Tanong ni Drake sa amin.
"Saan ba?" Pag-iisip ni Miko.
"Dating gawi tayo."
"Sa ASK Force Resort ba tayo pupunta o sa PPBar?" Tanong muli ni Drake.
"Libre mo ba Drey dahil panay tanong ka kung saan tayo pupunta bukas?" Tanong ko.
"Ay grabe! Walang ganyanan. Alam mo naman na tinatapos ko pa ang dream house namin ni Mira e." Sagot nito.
"Hindi pa ba tapos 'yon, Architect?" Tanong ko ni Steven kay Drake.
"Huling palapag na lang matatapos ko na rin 'yon, Doc." Nakangiting sagot ni Drake.
"Basta saan kayo pupunta go with the flow na lang ako." Ani ni Kyler.
"Kung pupunta kami sa CR para mag-ipon sasama ka?" Sambit ni Miko.
"Bwisit ka!" Singhal ni Kyler na ikinatawa na lang namim.
"Hahahaha..."
"G*go ka Miko!" Sabay bato ni Kyler sa unan sa may sofa.
"Hahahaha..."
"Grabe si Kyler! Ayaw mo ba sa kaming samahan sa CR? Saan ba gusto mo sa banyo kung saan kayo gumawa ng milagro ni Chesca?" Natatawang sambit ni Miko muli.
"G*go ka talaga!" Singhal ni Kyler nito.
"Hahahaha..." Hagalpak na tawa na lang namin dito.
*Ting*
Napahinto kami sa pagtawa ng bigla na lang tumunog ang phone ni Steven na ngayon ay nasa mini table dito sa sala.
Agad naman kinuha ni Steven ang phone niya at tiningnan ang phone niya na nakakunot pa ang noo nito.
"Sino 'yan?" Tanong ko.
"Hindi sino kundi ano." Sambit nito sabay kaming tiningnan na napakaseryoso.
"Ha? Ano ba 'yan?" Sabay naming tanong sa kanya.
Napabuntong hininga si Steven bago nagsalita. "I received an email. It is an invitation from beauty cosmetics. Opening daw nila bukas."
"Ha? Invited ka?" Tanong ni Kyler.
"Baka invited. Pero hindi ako interisado e." Sambit niya.
"Sabagay hindi naman tayo mahilig na mga lalaki sa cosmetics e." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomansWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...