GTOL 01: You're Always Welcome

726 19 6
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Kasalukuyan naming binabaktas ang bahay namin sa probinsya dahil gusto lang naming bumisita sa probinsya namin.

Nakakamiss rin pala ang lugar na ito kung saan kami nangagaling na mga Madrigal. Sobrang nakakalula pa rin ang ganda ng probinsya namin, every vacation lang kasi kami pumupunta dito e. Pero ito ang pinakabonggang vacation namin ngayon dahil nga graduates na kami sa mga course.

Nong kailan lang andami pa naming pinagdadaanan pero palalampasan naman namin na magkakasama e. Oo, solid pa rin kaming lahat. Solid ang friendship na binuo namin na GSBarkada ko, solid ang mga lovelife namin na magkakasama.

"Dito na lang Ethan." Sambit ni Nicole nito na ikinahinto ni Ethan sa pagmamaneho ng van.

Oo nga pala! Nasa tapat na pala kami sa malaking bahay nina Nicole ngayon. Kumusta na kaya sina Tita, Tito at si Ate Anggie ngayon?

"Ahmm... Mauna na kayo ha sa bahay nina Eunice, sasamahan ko lang si Nikki sa mga magulang niya." Sambit ni Steven nito.

"Sige, hintayin namin kayo doon marami pa naman akong pinahanda na pagkain kay Manang Marissa." Sambit ni Eunice nito.

"Oo na, pero kapag hindi kami makapunta magtetext na lang kami sa inyo. Panigurado akong naghahanda sina Mom ngayon e." Sambit ni Nicole.

Oo nga naman, excited pa naman si Tita Nels na makauwi ang unica eja niya lalo na't nasurvive niya ang course niyang kinuha na Business Management.

"Okay." Sagot na lang ni Eunice nito.

Lumabas na nga sina Nicole at Steven sa van kaya naman agad na rin pinaharurot ni Ethan ang van na sinasakyan namin.

Alam niyo naman siguro diba, dalawang kanto pa sa bahay namin mula sa bahay nina Nicole. Nakakamiss talaga ang lugar namin, hindi nga ako natutulog sa biyahe namin e dahil gusto ko lang tanawin ang mga nadadaanan namin ngayon.

Maya-maya pa huminto ang van na sinasakyan namin sa tapat mismo ng bahay namin at bahay nina Eunice. Syempre, magkatapat lang kasi ang bahay namin e kaya hihinto talaga ito sa tapat namin.

Bumaba naman kaming agad nito sa van na ikinangiti na lang namin nito.

"Balik na lang kami dito ni Munchy, punta muna kami sa namin." Sambit ni Ken sa amin.

"Ha? Dadalhin mo si Munchy sa bahay niyo?" Tanong ni Maggie nito.

"Bakit naman hindi? Ipapakilala ko lang siya sa parents ko bilang girlfriend." Sambit ni Ken nito at ngumiti pa ito.

Oo! Tama kayo, si Ken at Munchy kasi ay magjowa na sila. Bago lang naging sila, may deal kasi ang dalawang ito na kapag paggraduate daw nila ng college maging official na sila. Iba din kasi ang tiyaga ni Ken e, hindi niya pinabayaan ang bestfriend niya e.

Oo na! Si Munchy na ang bestfriend ni Ken ngayon, medyo nagkakasundo na kasi ang dalawang ito. Alam na alam na nila ang isa't-isa e, 'yong weakness nila, 'yong strength eventhough 'yong purpose nila sa life.

"Paano kayo uuwi?" Tanong ko nito kay Ken.

Medyo malayo-layo pa kasi ang bahay nila dito e, parang Luzon to Mindanao lang ganon. Hihihi, biro lang po. Parang tatlong kanto pa mula dito para makauwi sila sa bahay nina Ken.

"Ahmm... Magtritricycle kami." Sagot ni Ken.

"Wag na lang, gamitin mo ang motor ko sa bahay." Sambit ni Drake nito.

"Okay ba." Sagot ni Ken.

"Ahmm... Babalik na lang din kami dito ha, magpapakita muna kami sa bahay kasama si Babyloves." Sambit ni Drake sa amin.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon