GTOL 31: Game of Love

377 13 18
                                    


Read at your own risk...

Kyler's POV

♡♡♡

Pauwi ako ng bahay ngayon na pinaharurot ang kotse ko para sundan si Wifey. Ang bilis niyang nawala kanina e. Alam ko na nasasaktan siya sa nalaman nila kanina.

Naset-up kami bigla e! Potek talaga e. Nakita ko na naman umiiyak si Chesca sa harapan ko nito. Sobrang nasasaktan ako ngayon dahil panigurado akong sinusuklaman niya ako ngayon.

Hoooh! Bakit pa ba kasi pumayag sa game na 'yon? Hindi naman ako nakaisip non e! Si Dylan ang nakaisip at go with the flow lang kami sa barkada namin.

*Flashback*

@ASK Resort
(4th G Squad Barkada Day)

Bago pa man kami nagcelebrate sa gabing 'yon. Kinakausap na kami ni Dylan na may naisip daw siyang game na 'no girls allowed' sa ibang salita hindi kasama ang mga girlfriend/fiance namin.

Nang magrestroom ang mga girls. Doon na namin pinagpapatuloy ang nasabing laro na gagawin namin.

In that time... Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ba namin ang larong 'yon? Kasi alam ko na ang patutungohan non e. Kapag malaman ng girls ang mechanics at kung anong larong 'yon, aabot talaga ito sa hindi magandang patutungohan.

"Sure ka ba, Dee na itutuloy natin ang Game of Love na naiisip mo?" Tanong ko kay Dylan.

"Bakit Ky, naduduwag ka ba?" Tanong nito.

"Hindi naman sa ganon. Nagdadalawang isip lang ako baka magalit si Chesca at baka hindi pa ako papakasalan non." Sagot ko.

"Asus! Ayaw mo bang makuha ang pagiging dilag ni Chesca?" Tanong na naman nito.

"Syempre gusto! Noon ko pa nga gustong kunin 'yon e." Nakangiting sambit ko sabay inom sa beer ko.

"Ano na ba?! Sige na magsimula na tayo baka bumalik na yon ang mga girls e." Sambit ni Miko.

"Pero wait nga lang! Wala ba itong due date ang larong ito?" Tanong naman ni Ethan.

"Gusto niyo bang may due?" Tanong ni Dylan.

"Oo naman, para challenging ang larong ito. Kung pwede nga pustahan pa tayo." Sambit ni Drake.

"Pustahan talaga?" Tanong ni Ken.

"Oo para masaya." Nakangiting sagot ni Drake.

"Tama si Drey para challenging ang laro. Kung sino 'yong hindi makascore sa mga girlfriend nila sila ay magbabayad ng 100 thousand." Sambit ni Dylan.

"100 thousand talaga?"Tanong ko.

"Bakit Ky, wala ka bang pambayad ng 100 thousand kapag hindi ka makascore kay Chesca?" Sambit ni Steven.

"Hindi naman sa ganon. Alam mo naman diba na nag-iipon ako para sa kasal namin ni Chesca." Sambit nito.

"E, pareho lang naman tayong lahat e. Nag-iipon tayo para sa future at sa kasal. Swertehan na lang kung sino ang makascore at sila ang magwawagi talaga." Saad ni Ethan.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon