Ethan's POV2 days after...
2 days na rin akong walang balita sa misis ko. Nawindang nga kami ng malaman namin na wala ng tao sa bahay nila. Pati mga damit wala na rin ito. Tinotoo talaga nila na umalis sa Maynila e.
Walang kagana-gana ang buhay ko. Walang kulay ang mga buhay namin. Nakakaiyak na nakakapanlumo dahil sa ginawa namin ang mga fiance at asawa namin mismo ang lumayo dahil sa ginawa namang game.
Nakakaiyak nga e! Nakakadurog ng puso dahil nga sa nagawa namin pati parents namin nagalit pa sa amin. Yong pamilya ko from the recent days sobrang cold nila sa akin. Very limited lang sila magsalita.
Hoooh! Nakakabwisit talaga e. Hindi ko lang nasaktan ang misis ko pati pa ang mga taong nagmamahal sa kanya at sa akin.
Bumaba ako ng kwarto ko na bihis na bihis ito. Oo! Papasok ako ng work ngayon dahil kailangan lang talaga. Gusto ko nga na magpahinga at magkukulong sa kwarto pero hindi talaga pwede.
"Ahm... Dad, Mom. Alis na po ako. Pasok na po ako sa work." Sambit ko ng makita ko si Dad at Mom na nakaupo sa sofa ngayon na parehong nagbabasa ng dyaryo.
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Okay." Sagot nilang pareho bago binalik ang tingin sa dyaryo.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sobrang cold pa rin ni Mom at Dad sa akin. Galit pa rin sila sa ginawa ko kay Eunice e, kaya gusto kong hanapin sila ngayon.
"Tita! Tito! Alis na po ako." Biglang sulpot ni Munchy sa harapan.
"Okay Munchy. Mag-ingat ka ha." Response ni Dad.
"Syaka wag kang magpapagabi Munchy. Kung saan ka man pupunta." Sambit ni Mom nito sa kanya.
"At syempre, iwasan mo ang mga taong sasaktan ka lang." Dugtong ni Dad.
"Oo na po. Sige, alis na ako. Bye!" Sambit ni Munchy at tiningnan pa ako bago tumalikod ito.
Tuluyan na siyang lumabas ng bahay namin e. Galit rin kasi siya sa akin. Simula ng nalaman nila ang game namin hindi niya ako kinakausap ng diretso. Kapag magtatanong naman ako about kay Eunice kung tumawag ba sa kanya hindi man lang ito sumasagot.
"Ikaw hindi ka pa ba aalis?" Biglang tanong ni Dad sa akin.
"Ahmm... Aalis na po."
"Umalis ka na baka malate ka pa. Syaka umalis na rin ang pinsan mo. Ano pa ang ginagawa mo!" Sambit ni Mom sa akin.
"Okay sige po." Sambit ko na lang bago tumalikod dahil wala na kasi silang response e.
Kung ganito pala maapektuhan ang lahat sana hindi na lang ako sumali e. Sana walang ganitong eksina na pareho kaming lahat na sasaktan. Sana okay ang lahat ngayon.
Miss ko na si misis ko! Hindi ko man lang matawagan ang number niya dahil mukhang nagbago ng number e o kaya nakaoff ito. Tot-tot lang kasi naririnig ko e, kapag tinatawagan ko ito.
Nagtungo na ako sa garahe at pumasok sa kotse ko para makarating na ako sa company na pinagtratrabahuan ko.
Napabuntong hininga pa ako nito bago pinaharurot ang kotse ko paalis ng bahay papunta sa trabaho ko.
☆☆☆
After 30 minutes...
Agad kong pinarada ang kotse ko sa may garahe sa may parking lot sa may company na pinagtratrabahuan ko. Lumabas agad ako sabay buntong hininga habang naglalakad papasok sa Phil Brodcasting Network.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...