BABALA: Bad words Alert! Wag niyong gagayahin ha? Promise? HahahaChesca's POV
♡♡♡
After a week...
"Hubby, ang lapit-lapit lang natin kina Mira at Drey ha tapos hindi man lang natin mapuntahan ang dawala para makita sila at si baby Drex nila." Sambit ko kay Kyler na ngayon ay katabi ko na nakaupo sa may sofa ng living room namin.
"Ang lapit na nga pero---"
"Puntahan na kaya natin sila. Gusto ko makita si Drex e." Pagputol ko sa sinabi niya.
"Wifey! Sina Drey at Mira na lang ang papuntahin natin dito. Wag na tayong pumunta sa kanila. Ayaw kong mapagod ka e, ayaw ko napapagod kayo ni Khalex na nasa tummy mo." Saad nito.
"E, ang lapit nga lang ng bahay nila e. Paano ako mapapagod? Syaka exercise kaya yong maglakad-lakad tayo papunta sa kanila." Ani ko.
"Wifey, wag na makulit! Tatawagan ko si Drey na papuntahin sila dito sa bahay ha. Wait lang!" Ani niya sa akin at tumayo ito bago tinawagan si Drey sa phone niya.
Kakainis din talaga si Kyler e! Gusto niya lang talaga akong ikulong dito sa bahay namin. Ayaw niya pa akong lumabas sa bahay nakakainis! Halos lahat na nga ng sulok ng bahay namin ay napuntahan ko na e. Bwisit talaga e!
"Hello Drey," Napatingin ako kay Kyler nito. "Ay! Iyan sana ang gusto kong sabihin sa inyo e... Okay sige! Punta kayo dito ha? Dalhin niyo si Drex gustong makita ni Wifey ang baby niyo e... Okay, sige Drey!... Papunta na kayo?... Okay sige! Bye!" Sabi nito.
"Papunta na sila dito?" Nakangiting tanong ko kay Kyler.
"Yes, Wifey! Pupunta daw sila dito. Ipapasyal daw nila si Drex e." Sagot nito na ikinangiti ko na lang lalo.
Maya-maya pa lumuhod si Kyler sa harapan ko habang hinawakan ang tummy ko nito.
"Ang laki na ng tiyan mo, Wifey!" Ani nito. "Malapit na talaga natin masilayan si Khalex. Excited na akong nakita si Khalex dito sa labas." Dugtong niya.
"Aray!" Sambit ko na lang ng maramdaman ko ang pagsipa mg baby sa tummy ko.
"Bakit?"
"Aray ko!" Saad ko muli. "Hubby... si Khalex sumisipa siya. Aray!" Mangiyak-ngiyak kong saad nito dahil sobrang sakit talaga e.
"Ahmm... Wait lang! Kakausapin ko si Khalex, Wifey!" Ani niya na agad naman niyang dinikit ang tenga niya sa may tiyan ko.
Napapikit na lang ako nito sa sakit ng wunod-sunod ang sipa ni Khalex sa tiyan ko. Nakakainis talaga e! Sobrang sakit na talaga e.
"Baby Khalex, si Papi mo pala ito. Wag ka naman ganyan oh! Wag mo saktan si Mami mo. Nakakaawa kasi Mami mo e. Umiiyak na Mami mo oh!"
"Hubby! Ang sakit..." Ani ko na ikinabagsak ko na talaga ng luha ko.
"Stop na baby Khalex, please! Wag mo sipain tummy ni Mami. Please... Makining ka sa akin baby, si Papi mo ito oh! Mahal na mahal ka namin ni Mami mo e." Kausap nito. "Alam naman namin na gusto mo nang lumabas, kaya naman kapit ka lang ha! Kapit ka lang baby. Love ka namin ni Mami mo." Dugtong nito.
"Wala na, Hubby." Ani mo ng wala na akong maramdaman sa sakit ng tiyan ko.
"Wala na? Hindi na sumisipa si baby natin?" Tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...