GTOL 62: Heartbeat

310 5 4
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

Lunch break!

*Knock* *Knock* *Knock*

Naglakad loob akong kumatok sa office ni Dad sa may company para kausapin siya. Oo! Alam ko na galit siya sa akin. Sabi ni Mom sa akin bigyan ko daw siya ng time para lumamig ang ulo pero hindi ko matiis si Dad e. Gusto kong mag-explain sa kanya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bumukas ito bigla at iniluwal ang mukha ni Kuya Mix.

"Maggie, ikaw pala." Sambit niya ng makalabas.

"Yes po. Si Mr. Madrigal po?" Tanong ko.

"Ang Dad mo? Nasa loob." Sagot niya.

"Hindi po ba siya busy?" Tanong ko muli sa kanya.

"Hindi naman siya busy, mukhang may iniisip lang." Sagot niya na ikinabuntong hininga ko na lang.

Paano ba 'to? Kami ba ni Miko ang iniisip niya? Ang pagdadalang tao ko ba ang nagiging dahilan nito? Hays!

"Pero sabi ng Dad mo na you're pregnant," Saad niya na ikinalaki ng mata ko. "Congrats Mags! Congratulations sa inyo ni Miko. Naunahan niyo pa ako ha." Natatawang sambit niya.

"Ahmm... Sinabi po ni Dad sayo?" Tanong ko.

"Yes! Kaya iyon ang iniisip niya ngayon. Bakit ka daw ginalaw ni Miko na hindi pa kayo kasal. Pero anyways, happy naman daw siya both of you." Sambit niya.

"Ahmm... Sige po, kakausapin ko lang si Dad." Sabi ko.

"Sige! Congrats again sa inyo ni Miko ha. Grabe kayo, inunahan niyo pa ako magkaanak." Sabi pan niya.

"E, magjowa ka na kasi para makagawa ka rin ng baby. Paano ka magkakaanak kung wala kang jowa." Sambit ko.

"Ay! Tinuturuan ako ni Maggie Madrigal na soon to be Mommy. Pero next na siguro ako sa ganyan! Focus muna ako sa work ko for promotion." Sabi niya at ngumiti.

"Okay sige! Pasok na ako sa loob." Sambit ko na ikinatango niya.

Agad ko naman binuksan ang pinto at pumasok sa office ni Dad. Nakita ko naman si Dad na napahilot pa siya sa may sintido niya habang nakaupo sa may table niya.

Napabuntong na lang ko habang rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang lakas ng heartbeat ko! Rinig na rinig ko ang bilis ng heartbeat ko.

"Ahmm... Dad."

Tiningnan niya ako ng diretso na ikinabuntong hininga na lang niya. Napalapit naman ako kay Dad at napayuko na lang ito ng makarating ako sa tapat niya.

"Dad, sorry po." Sambit ko.

Narinig ko naman ang buntong hininga niya na ikinatingin ko sa kanya ng diretso.

"Bakit niyo ginawa 'yon?" Tanong niya na ikinalunok na lang ng laway ko. "Alam mo naman na hindi pa kayo kasal diba?"

"Ahmm... Sorry po, Dad. Hindi ko lang kasi matiis si Miko e. Syaka mahal naman namin ang isa't-isa. Sorry po, Dad."

"Ano pa ba ang magagawa ko? Nandiyan na 'yan e! Wala na akong magawa kundi tanggapin ka at ang magiging apo ko soon." Sabi niya na ikinangiti ko na lang sa sinabi niya.

"Thank you po."

"Basta sabihin mo sa fiance mo na pakasalan ka niya kung ayaw niyang bugbog ang aabotin niya sa akin." Sabi ni Dad.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon