GTOL 28: Tampo

347 10 8
                                    


Maggie's POV

♡♡♡

"Mags, ano na? Sure ka ba talaga na doon ka sa bahay niyo na mga Madrigal matutulog?" Tanong ni Daddy sa akin.

"Oo Dad. Doon muna ako matutulog. Miss ko na kasi ang mga Sissy ko e." Sambit ko nito.

"Miss mo sila? Edi, hindi naman siguro kayo makukumpleto don dahil si Eunice nasa mister niya tapos si Chesca naman nasa bahay nila ni Kyler. Edi kayo lang don nina Nicole at Mira." Sambit nito.

"Okay lang naman, Dad e. Atleast may nakasama ako diba?" Sambit ko nito.

"Okay sige. Ihahatid ba kita or what?" Tanong nito.

"Wag na lang po Dad! Susunduin kasi ako ni Miko dito e." Sambit ko.

"Ahh okay. Mag-ingat na lang kayo sa pag-uwi. Syaka 'yong usapan natin, kasal muna bago mo ibigay kay Miko ang buong pagkatao mo." Sambit ko ni Dad na ikinairap ko na lang nito.

"Dad! Alam ko na 'yon. Wag kang mag-alala, safe ako." Sambit ko.

Palagi na lang kasi pinaalala ni Dad sa akin about nito e. Kapag pupunta si Miko sa bahay palagi niya akong pinaalalahanan at binabantaan si Miko.

"Okay sige. Alis na ako, paniguradong hinihintay na ako ng Mommy mo sa bahay e." Saad nito.

"Okay po Dad, ingat ka po sa pag-uwi." Sambit ko.

"Ikaw rin." Sambit nito bago siya pumasok sa may kotse niya dito sa may garahe.

Oo! Nandito na ako sa labas e. Naghihintay ako kay Miko dahil Sabi niya susunduin niya ako dito at paparating na naman daw siya dito ngayon.

Tiningnan ko na lang ang kotse ni Dad na paalis na ito st nagsisimula na itong umandar.

"Ahermmm..."

Napalingon ako sa pag-igham na 'yon at laking gulat ko na lang na nandito na sa tabi ko si Kuya Mix na sobrang laki ng ngiti pa.

"Kuya Mix, ikaw pala." Sambit ko.

"Oo nga e! Mix Alcantara ang pinakagwapong Manager mo." Nakangiting sambit nito.

Ang cute niyang ngumiti. Sobrang nakakainlove ang ngiti ng isang Mix Alcantara e. Sobrang gwapo niyang ng lalaking ito e. Kung wala akong boyfriend ngayon baka jinowa ko na ang lalaking gwapo na single na 'to.

"Titig na titig ha? Pinagnanasaan mo ba ako?"

Napalaki na lang ang mata ko sabay iwas ng tingin sa sinabi niya.

"Assuming ka." Sambit ko na ilang na hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Hehehe..." Tawa ng mahina nito na ikinairap ko na lang nito. "Pero sino ba hinintay mo dito? Susunduin ka ba ni Miko?" Biglang seryoso nito.

"Ahmm... Oo." Sagot ko.

"Sana all, susunduin no?" Sambit nito na ikinatingin ko muli sa kanya at inirapan siya.

"Wala ka kasing jowa!" Sambit ko.

"Gusto mo jowain kita para may jowa ako?"

Napalaki na lang ang mata ko sa sinabi niya na iknakabog mg dibdib ko.

"Hoy! Loyal ako sa baby ko." Sambit ko nito at umiwas ng tingin muli dahil nakakaakit din kasi ang ngiti niya.

"Sana all may baby." Sambit na naman nito.

Game, Truth of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon