Eunice's POV♡♡♡
Ilang araw na ang nakalipas mula nung binisita namin si Daddy at Mommy ni Ethan. Masaya nga e! Dahil nakabonding nila Mommy at Daddy ang apo nila na si Fighter. Oo! Sa ngayon, si Fighter ang paborito nilang anak dahil nga hindi pa umuwi sina ate Jewel at kuya Axel kasama ang anak nila na si Zero. And I'm sure na kapag uuwi na sila kuya Axel, ganon din ang trato ng magulang ni Ethan sa anak nilang si Zero.
Sa totoo lang! Iyong ASK Force mukhang wala silang balak na umuwi e. I mean, gusto mo na nilang mag-stay sa kanya-kanya nilang pinapuntahan. Focus daw kasi muna sila sa baby nila dahil pagbalik nila dito puspusan na naman ang work at stress nila dito. Hehe.
"Eunice?"
Napakunot ang noo ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Napahinto pa ako ng lapitan ako sa mismong tumawag sa akin. Oo! Familiar ang mukha niya. Kilala niya ako mas lalong kilala ko siya.
"Maya? Ikaw na ba 'yan?" Tanong ko.
"Eunice, ikaw nga!" Saad nito at bigla na lang akong niyakap nito.
Napatugon naman ako sa yakap niya. Oo! Si Maya Del Valle ang tinutukoy ko. Ang taong ex ni Ethan pero friend ko na ngayon.
"Kumusta ka na? Di ko aakalain na nakauwi ka na pala dito!" Sambit ko.
Napabitaw siya sa yakapan namin bago nagsalita. "Ngayon lang ako nakauwi sa totoo lang. And yeah, naka tsempo lang ng flight pabalik sa Pilipinas." Ngisi niya. "Anyways, kumusta? Kumusta na kayo ni Ethan? Ang inaanak ko kumusta kayo?" Tanong niya.
"Masaya naman kami. Mahirap siya sometimes dahil nga makulit na rin si F but kinakaya naman." Sagot ko.
"Well, masaya ako to heard that na masaya kayo as a whole family." Ngiti niya. "Pero saan ba si Ethan at inaanak ko? Ikaw lang ba ang nandito sa mall?" Tanong niya.
"Hinanap ko nga e! Kanina lang magkasama kami sa grocery store para bumili ng milk at diaper ni F." Sabi ko na napalingon-lingon pa ako.
"Naku naman! Gusto mo bang hanapin natin?" Tanong niya.
"Okay ba!" Ani bago kami naglakad.
"Sa palagay mo saan pupunta ang mag-ama mo?" Tanong niya.
"Ewan ko lang! Pero baka nasa babies store ngayon. Alam mo naman si Ethan ini-spoiled niya talaga ang anak namin." Sabi ko.
"Ayon sila!" Biglang turo ni Maya sa taong may hawak na baby na at may hawak ding malaking supot kakalabas lang ng babies store.
Agad naman namin binilisan ang paglalakad para mahabol sila. "Mister ko!"
Napahinto pa siya at napalaki ang mata ng makita ang kasama ko ngayon. "Misis ko!" Ani niya.
"Kanina ko pa kayo hinahanap. Kainis ka rin e!" Irap ko.
"Sorry naman... Gusto ko lang naman bilhan si F ng bagong laruan e." Ani niya habang may bitbit pa itong malaking supot.
"By the way, si Maya!" Sabi ko.
"Nagulat nga ako e. Nandito ka na pala ex."
"Tang-ina!" Biglang mura ni Maya sa sinabi ni Ethan. "Wag mo akong inaano Ethan! Nakamove-on na ako sayo ha." Irap niya.
"Joke lang naman." Ngisi ni mister ko.
"Ang cute at pogi naman talaga ng inaanak ko." Puri ni Maya sa anak namin.
BINABASA MO ANG
Game, Truth of Love
RomanceWARNING | R-18 | SPG | Matured-Content | ! Read at your own risk ! Pangatlong librong bubuksan natin para sa mga G Squad Barkada. Saan na nga ba hahantong ang kwento? Road to Forever or Never? Game, Truth of Love #KyChes #EthaNice #NicVen #MiGie #Dr...