Chapter 31

1.6K 26 3
                                    

Song: Make it With You by Ben&Ben

--

If only life would give me a chance to stop time, I would gladly take it. Time is, indeed, unstoppable. You can't turn back. Or so I thought. You can retrace and create memories again. Life gave you a choice that you should not waste it. And now, for once, I wish time would just stop and let me cherish this moment.

"So, how was the milktea?" Blake asked beside me and looked straight into my eyes. "I'm sorry, I don't know what flavour you're into."

I laughed, "No, it's fine. I like it. Wintermelon." I smiled, shaking the drink using my right hand.

"That's good to know." he smiled and then faced at the scenery infront of us.

Blake took me at an uphill that shows the whole portion of the city. A city where I grew up. Hindi ko inasahang sa pagkakataon na makikita ang ganitong tanawin. Gabi na pero ang ilaw na kumikinang na parang bituin sa mga gusali ay nagbibigay liwanag at buhay sa syudad. Kahit hatinggabi, gising pa rin ang ibang tao. Mararamdaman mo parin ang buhay at sigla ng syudad na ito.

Naisipan ni Blake na pumunta dito kasi nasestress daw siya sa mga gawain. Masyado kaming busy sa school at hindi ako makapagdalo masyado sa kanilang bahay para makapagtrabaho. Naiintindihan naman niya yun.

"May alam ka ba kung sino ang gumawa nun sa akin?" tanong ko sa kanya at nakita ko siyang huminto sa pag inom ng milktea at sabay nagdilim ang kanyang mukha.

"Unfortunately, no." he bit his lip, "But, I'm trying every way I can to find who's behind this. I don't want you to go through that shit again. I just don't know why of all people, ikaw ang tinitirada." sabi niya sabay uminom pero alam kong ang lalim ng isip niya ngayon.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Oo nga, bakit nga ako? Ang daming tao sa party ni Cristina, pero bakit ako ang muntik nakidnap? Sino naman ang may laking galit sa akin, kung meron ba talagang koneksyon doon sa akin? Sino bang may galit sa akin?

Huminto ako sa pag inom ng milktea. Sa pagkakaalam ko, may isang tao na may galit sa akin. Could it be... Emily?

"Deseree," tawag bigla ni Blake sa akin at tumingin ako sa kanya. "Meron ka bang kilala na may galit sayo or ano? Yung kilala mo na parang weird ang turing sayo?" tanong niya at kinabahan ako bigla.

Sasabihin ko ba sa kanya? Na posibleng si Emily yun? Parang konektado din eh. Simula nung nag threat siya sa akin, bigla siyang nawala at hindi nagparamdam. It's been months already but I haven't heard or see her anymore. Ang sabi-sabi naman palagi sa mama ni Blake, bumalik na daw sa New York si Emily. Pero ayokong maniwala. Grabe naman talaga ang galit niya sa akin at napaisipang kumidnap sa akin.

Emily would've just talk to me, right? But why the dangerous act?

Umiling nalang ako, "W-wala naman, Blake. Masyado naman akong occupied sa school. O di kaya, hindi ko lang napansin." pagsisinungaling ko sa kanya.

Ayoko munang mag-conclude agad kung si Emily yun. For sure magagalit yan si Blake at agad-agad yun puntahan at hanapin si Emily nang walang pagdadalawang-isip.

"Are you sure?" paninigurado niyang tanong.

Hindi ko siya nasagot agad at iniwasan ko ang malalim na tingin niya sa akin. Kinakabahan talaga ako. Ayokong sabihin na posibleng si Emily yun. Wala naman akong ebidensya na siya nga ang may gawa nito.

"Deseree, look at me." utos ni Blake at hindi ako kumibo. Natatakot ako.

"Baby, please. Look at me."

Ay pucha. Potangina.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtawag niya sa akin. Di ko maiwasang magmura sa isipan ko dahil hindi ko inexpect na sabihin niya iyon sa akin.

Her Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon