hello, billionaires!
was supposed to update last night butttt i have no more data. pero nakapaload naman ngayon so here's the update!
enjoy reading! mag eenjoy ba talaga? lol hahahaha
*********
It's been two weeks since we left Manila.
During those two weeks, it was a kinda hard to adjust. My mom was born and raised on Davao so we decided to pack up and move there. Nagkakilala sila ni Papa dahil kailangan itong magtrabaho sa Manila.
Pagkatapos akong iuwi ni Blake, I waited my parents. I gathered all the courage to say the truth. May karapatan ang mga magulang ko na malaman ang nangyayari. Wala akong palusot na maisip para makaalis kami dito. Nagulat ang mga magulang ko nang malaman nila pero naiintindihan nila at hindi nagdadalawang-isip na mag empake at umalis.
Medyo mahirap umalis nang patago. Buti nalang naging close ko yung bodyguards kaya alam ko kung anong oras sila nagpapahinga. Naubos ang napag-iipunan na pera ni papa sa last minute booking para makaalis sa Manila. Umalis kami sa pagsapit ng alas dose ng madaling araw. The bodyguards would rest for thirty minutes and we took that chance to run away. Mga one-thirty ng madaling araw aalis ang eroplano kaya nagmamadali kaming makatakas. I have to leave my phone because Blake put a GPS tracking there and I don't want him to know where we'd move.
Nang makarating sa Davao, agad kaming dumiretso kung saan nakatira si Lola. Mama siya ng mama ko at mabuti nalang pinayagan kaming makitira doon. As for my father's work, mabuti nalang din na hindi siya natanggal sa trabaho. Nung tumawag si Papa para sana mag resign sa trabaho, hindi ito pinayagan ng boss niya. Nang natanong kung saan kami lilipat, doon nalang pinatrabaho si Papa kasi may branch sa Davao ang kompanyang tinatrabahuan niya. May iko-construct kasi na bagong building kaya pinalipat nalang si Papa doon.
"Ako nalang diyan, Ma." unang bungad ko kay Mama na pumapaypay sa uling para maluto ang barbeque. Pinamana ni Lola ang barbequehan niya dito sa Roxas kasi may sakit pala ito kaya si Mama nalang ang nagpatuloy sa negosyo.
"Tapos ka na ba sa online exams mo?" tanong ni Mama at agad akong tumango. Buti nalang pinayagan ako sa school na i-take yung final exams sa pamamagitang online exams. Kung hindi, I'll repeat another year.
"Oh sige, ikaw nalang muna magluluto sa barbeque. May bago na naman kasing mamimili, kunin ko muna yung order nila ha?" sabi ni Mama.
"Opo," I gave her a smile at agad namang umalis si Mama para kunin yung order ng bagong dating na customer.
While I was fanning the grill to keep the heat going, nakita kong umilaw ang cellphone ni Mama. Agad kong nakita ang number na palagi kong iniiwasan. It's Blake's.
My heart thumped wildly. I've been avoiding his calls. I don't have a phone since I left it back in Manila kaya tumatawag nalang si Blake sa phone ni Mama. I don't know how he got her number, but whenever mom would answer the call, ang unang bungad ay ang tanong kung nasaan ako. I always told my mom na ayoko muna siyang kausapin. Hayaan nalang siyang tumatawag. Hindi ko pa kasi kayang kausapin siya at naaawa ako sa kanya dahil iniwan ko siya nang walang paalam.
Narinig kong bumalik si Mama para sabihin ang order pero naabutan niya akong nakatitig sa cellphone niya.
"Deseree," my mom smiled sadly, "Ayaw mo talaga siyang kausapin, anak? Kahit paalam lang? Alam ko naman kung bakit mo siya iniiwasan pero alam kong mahal ka ng binatang iyan, anak."
I bit my lip, "Ayoko, Ma. Baka galit na siya sa akin. Hindi ko kaya."
"Pero anak, may karapatan siyang makatanggap kahit salita mo lang. Kahit magsinungaling ka nalang, anak. Basta magpaalam ka nalang sa kanya, ha?" pinulot ni Mama ang cellphone niya nang may miss call na naman galing kay Blake.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...