Chapter 25

3.6K 72 8
                                    

EYOOOOO!

So this chapter, I am going to introduce her parents. I know it's a little bit too late for that. Pero napansin ko kasi na walang masyadong PARENTS-DAUGHTER dito eh. Family is important.

UNEDITED. AS ALWAYS.

Enjoy, billionaires~ Mwah!

***

"Anak, gumising ka na. Male-late ka na,"

I groaned, "Five minutes, ma. Please,"

"Hay naku, anak. Okay sana sa akin yan eh dahil napuyat ka sa gala niyo kahapon. Pero anak, kailangan mo talagang gumising. May sampung minuto na lakad ka pa bago ka dadating sa school anak. Kaya gising na," niyugyog ako ni mama.

I love you, bed. Pero kailangan muna kitang paghiwalayan. I'll be back.

"Gising na ho," sabi ko at hinarap agad si mama.

Tumayo ako para maligo, pero napansin ko ang suot ni mama. She's wearing a dress at alam kong pangmura na damit. Simple lang siya. Red dress at merong lace sa ibaba. It's a knee-length dress. Kahit may edad na si mama, ang ganda talaga niya. Sa'n kaya nagmana tong kapangitan ko? Kay papa?

Bigla akong tumawa.

"Anak, sabihin mo nga sa'kin." Sabi ni mama at pinigilan ko ang tawa ko.

"Po?"

"Baliw ka na ba, anak? Anak sabihin mo na, kung meron man akong pagkukulang sayo na iyon ang bunga ng kabaliwan mo, sabihin mo. Kahit mahirap tayo, gagawin ko ang lahat para--"

"Ano bang pinagsasabi mo, ma?" Tumawa na naman ako, "Okay lang ako, ma. May naisip lang ako, kaya ako tumawa,"

"Eh ano naman yun?" She placed noth of her hands on her hips, racing her eyebrows.

"Wala yun," sabi ko, "What's with the attire? Sa'n po ba kayo pupunta?"

"Ay eto?" Sabay turo sa kanyang damit, "May interview ako sa napasukan kong trabaho."

"Ma, huwag na po. May trabaho na po ako at si papa. Kaya, i-cancel niyo nalang,"

"Anak," bumuntong hininga siya, "Alam ko yun. Ang sa akin lang, hindi ko gusto na wala akong magawa. Puro lang ako nandito sa bahay. Linis at luto. Para akong walang kwenta,"

Ayan na naman si mama.

Ito kasi siya. She doesn't like feeling useless.

"Ma, kung magtrabaho na ho kayo, sino ang babantay sa bahay natin? Huwag kayong mag-aalala. May sapat na pera na tayo," I hugged her.

"Oh siya," kumawala siya sa yakap ko, "Maligo ka na. Kakain ka pa,"

Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Habang nagliligo, may naisip na naman ako. Bukas na pala yung second quarter exam. Hay.

Pagkatapos, lumabas ako sa banyo at nagbihis ng uniform ko. Inayos ko yung buhok ko at sinuklyan. Humarap ako sa salamin. When I feel contented at my look, bumaba kaagad ako sa kusina kung nasaan andun din yung dining room.

Pagpasok ko, naamoy ko na ang niluto ni mama. Fried rice at itlog.

"Oh anak? Kumain ka na," sabi ni papa habang kumakain. Nagmamadali siguro dahil ang bilis niyang nilanok ang isang basong tubig.

Wow. That's the first time I saw my father drinks that fast. I mean, really fast.

"What's the rush?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

Her Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon