"Tabi!" sigaw ko sa mga estudyanteng humaharang sa daan habang tumatakbo patungong gate.
Shit, late na ako.
Kahit mamamatay na ako sa pagod, pinipilit ko pa rin na tumakbo. Hindi ako pwedeng male-late! Ang sabi kasi ng Prof namin na kapag perfect attendance at walang late, perfect na agad sa final exam. Of course, I shouldn't let that opportunity go to waste!
Nang makapasok na sa gate ng uni, agad kong binuksan ang bag para sa inspection. Medyo nahirapan ako kasi ang bigat ng bag ko. Madami kasing libro na kailangan kong dalhin para sa buong afternoon class ko. Kahit nahihirapan, pilit ko pa ring nagmamadali.
I looked at my wrist watch and I saw that I got three minutes left before the class starts.
Shit.
Pagkatapos ng bag inspection, agad akong nagmamadali sa pag scan ng ID at nagpatuloy sa pagtatakbo. I cursed at how big this university is. Ang laki kasi ng eskwelahan kaya parang imposibleng makaabot ako sa klase on time. Mas imposible pa kasi ang bigat ng bag ko kaya nahirapan akong makatakbo.
Takbo ako ng takbo sa covered walk. Nahihirapan talaga ako dahil sa bag ko.
Nagulat ako nang mararamdaman ko na biglang gumaan ang bag ko. Hala, baka may butas na yung bag ko!
Lumingon ako sa likod at nagulat ako na may humawak sa bag ko at inangat pala ito pataas.
"We should hurry up, Ree-Ree!" a low voice spoke up beside me and noticed that it was Luke, running with me. We have the same class and I guess he's also late.
I don't how he keeps up or maybe I'm just slow? But it doesn't matter, I have to be in class on time!
"Excuse me, lovebirds na mga shungit!" I heard another voice closer to us.
Halos malapit kami masubsob dahil tinulak kami ng bakla kong kaibigan. I saw how he's frantically running. Parehas din kami ng klase kaya tumatakbo na parang hinahabol ng serial killer.
Aba, aba. Nagtulak pa talaga. Bwisit.
"You okay?" halos tumawa na si Luke. He caught me before we can even fall to the groud. Buti naman may poste kaya hindi kami natuluyang nahulog.
"Humanda talaga sa akin ang baklang 'yan!" galit kong sabi and I pulled Luke with me to continue running.
Luke ran ahead of me. Malapit na kami sa BSA building. Nakita ko kung paano niya nahabol ang bakla at not to my surprise, he pushed my poor gay friend, making him stumble on a small staircase sa entrance ng building.
Hindi ko mapigilang tumawa sa ginawa ni Luke. He ran back towards me and grabbed my hand while he's also laughing, "Come on, we gotta go! A gay dragon's going to kill us!"
"Mga bwisit kayo!" rinig kong sigaw ni bakla.
Kahit humihingal, tawa pa rin kami nang tawa. Para kaming baliw na tumatawa habang tumatakbo. Hand in hand, dumiretso kami ni Luke sa elevator ng building. Buti nalang walang nakalinyang mga estudyante kaya agad kaming nakapasok. Rinig ko ang sigaw ng kawawa kong kaibigan. Malas ata siya ngayon kasi saktong sumarado yung pinto ng elevator nang makalapit na siya. Ayun, tumawa na naman kami ni Luke.
Seconds after, the elevator opened on the third floor. We ran again at nakarating na kami sa classroom. Pumasok kami at laking pasalamat kasi wala pa ang Prof.
We slammed ourselves to our assigned chairs, panting. Hindi na ako makahinga sa sobrang pagod.
"Buti nalang late si Prof, kung hindi, late talaga kayo," sermon agad ng kaibigan kong si Dianne na nakaupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...