Prolouge

23.1K 393 11
                                    

Hay naku, first day of school na naman. Tapos next year, ga-graduate na ako. Hay... -.-

But, before muna ako mag continue, ako pala si Deseree De la Cruz. Age 16 at magiging 17 na ako next month. Nag-aaral ako sa Nanimaku University. Since Freshman Year pa ako dito eh. Mahirap ako, pangit, at nerd raw ako. Maraming tao ang nagbu-bully sa akin dahil ang pangit ko daw. Eh, lahat naman ng tao dito sa Nanimaku University, sa mukha lang sila nag judge eh. Hindi yung attitude nila. Kasi, maraming mga maganda at gwapong mga estudyante dito sa Nanimaku University. Well, except lang sa akin. Pfft. And lastly, hindi ako loner no. May limang mga makulit at matalik na kaibigan ako.

Syanga pala, nandito na ako sa 'Universtiy Hell' o sa school gate. Minsan tinatawag ko din sya ng High School of the Dead dahil sa gate palang ako, parang mga patay na ang nag-aaral dito. Joke lang! Pero totoo yung sinasabi na minsan sinasabi ko tong school na to na The High School of the dead ^.^v

Kailangan ko muna maghanap ng trabaho pagkatapos ng last bell. Eh, wala na kaming pera at pangbayad ng tuition ko para next month. Buhay...

Nakapasok na ako sa loob. At sa oras ako nakapasok sa school gate, ayun! almost lahat ng mga babae hinihintay nila ang super rich bad boy ng school namin.

Si Blake Monster. I mean, si Blake Henry. Sya ang playboy at super bad boy ng school. At ang quite nya para sya yung lalake sa Deathnote. Kung pakialamin mo sya, patay ka na.

Hahaha alam ko anime yun. Mahilig talaga ako ng mga anime. So, I'm proudly Otaku.

Iniiwas ko ang mga bumabahang mga babae sa field. Halos mamatay na ako sa siksik doon eh. Parang ako nasa loob ng isang Mega Sardines na can doon eh. Sobrang siksik.

Hanggang sa nakalabas na ako, bumugtong hininga ako. Sanay na talaga ako nito. Halos, araw-araw nangyari to eh.

Inaayos ko muna ang aking damit at tumuloy sa paglalakad patungo sa school building. Pumasok ako sa loob at pumunta sa homeroom. Tatakbo na ako sana na may bumangga-purposely-sa akin. Nahulog ako at sa puwet ko pa ang nauna nabagsak sa sahig.

"Aray naman!" sigaw ko. Habang kumakati ng puwet ko.

Habang ginawa ko pa yun, inaangat ko ang ulo ko at nakita ko si Blake, ngumingisi na walang pakialam.

"Hoy halimaw! Tumingin ka nga sa dindaanan mo!" sigaw ko.

"Pake ko ba?" sabi niya habang nag smirk at pinasok niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.

Sa sobrang init ng ulo ko, inangat ko ang aking paa at nag-karate kick ako sa friend nya.

Wala akong pakialam sa kanya kahit sya pa ang huling tao sa mundong to! Mas pinili ko pa na mag-isa! Grrr! ><

Biglang nanlaki ang mata ko sa ginawa kong pagkakamali nung huminga na nang maluwag ang ulo ko.

NAKU! SINIPA KO SI BLAKE HENRY! PATAY AKO!

Dear Mama,

Ma, mahal ko po kayo. Sana huwag nyo akong kalimutan. At sana patawarin nyo po ako sa mga kasalanan na ginawa ko po sa inyo.

Naalala niyo pa ba na nabigla kayo dahil nagiging color pink yung white dress niyo para sa anniversary party nina Tita Nene at Tito Ben? Eh kasi, ako po yun eh. Patawarin niyo po ako! Huhuhuhu T^T

Nagmamahal,

Deseree

Dear Kamatayan,

Oh, sya! Kunin nyo na ako! Iyon naman yung hinihintay nyo eh! Handa na ak--

Hindi natapos yung sinabi ko nung nakaramdam ako na inangat ako.

"Aaaah! Ibaba mo ako monster!" sabi ko having sinusuntok ko yung likod niya.

"Hindi." sabi nya.

Sasabi na sana ako, nung narinig ko ang first bell. Patay.

"Ibaba mo nga ako! Mala-late na ako!" sigaw ko.

"Shut up!"

Wow! english-english ka pa ha? Wew, nosebleed ako dyan kuya -.-

May narating na ding sa aking utak at ngumiti ako. Devilish.

Inangat ko ang ulo ko at sinuntok ko ang ulo niya. Binitawan niya ako at nahulog ako sa sahig. At ang sakit nun ha.

Tumayo ako at tumakbo ako nang narinig ko syang sumigaw. Wala akong pakialam basta makatakas ako sa pagmumukha ng lalakeng nun.

****************************

"Huh?! Sinuntok mo pa si Blake?!" sigaw ng mga limang matalik kong kaibigan nang sabay.

Tumango ako.

Sya nga pala, lunch time na. Pagkatapos nung insidente kanina, dumiretso ako kaagad sa homeroom namin. Pagkatapos ng last morning period bell, sinundo ko yung mga limang kaibigan ko at sinabi ko ang lahat. At ta-da! ayun! nganga parin sa narinig nila.

"Teka nga," simula ni Cherry, "Eh, bakit nagsalita sayo si Blake? Diba, nung freshman ka pa, hindi ka niya pinansin parang multo ka lang," sabi niya.

"Hindi ko alam, eh," sabi ko.

Pause muna, please. Let me introduce my five bestfriends muna.

One, Si Cherry Grace Courtney. Sya ang unang kaibigan ko since grade five. Mahaba ang buhok niya, maganda at isa sya sa kilalang babae sa Nanimaku University.

Two, Si Bridget Cameron. Pareha din ko sya kilala since grade five. Maganda, mid-chest length hair niya, mayaman, makulit at also kilala sa school namin.

Three, si Gayle Rendon. Pixie styled ang buhok niya, mahinhin at matalino. May glasses pa din sya suot sa mukha niya. Eh, pinilit namin sya mag contact lense, pero tigas parin ang ulo eh.

Four, si Janica Maricel (Nicx). Maganda, matalino, quiet at mahilig sa music kagaya ko. Eh, mahilig din sya sa Exo. K-pop ang hilig niya eh. Halos hindi na yan nakikinig sa aking sinasabi ko dahil palagi syang may headset sa tenga nya.

At fifth but not the least, si Cristina Emerald Therese. Maganda, mayaman, matalino at isang cheer leader sa school namin. Pero hindi sya kagaya nung mga cheer leader na masungit no. Iba sya. So don't judge.

Hit play na!

"Interesting," sabi ni Gayle habang inaayos na naman yung glasses niya.

"Oo nga. Parang misteryoso ang nangyari kanina," sabi ni Bridget habang tinaas niya yung dalawang kamay niya at sumigaw "May himala!"

Pinitik ni Janica bigla si Bridget sa ulo niya. Malakas.

"Aray naman! Para saan ba yun ha?" sabi ni Bridget habang kinakati ang kanyang ulo.

"Baliw," sabi ni Janica at binalik niya ang kanyang headset sa kanyang tenga.

Tama si Cherry. Bakit kaya pinansin ako ni Blake? Eh, since first year pa ako, dinadaan niya lang ako parang wala lang. Pfft! Buhay naman oh! Huwag muna ngayon!

"Deseree, alam mo bang may bagong estudyante dito?" tanong ni Cristina.

"Wala," sabi ko nalilito.

"Oo, nga may bagong transferee dito. Ang gwapo daw," sabi ni Bridget habang kinakati parin ang kanyang ulo.

Sino kaya yun? Gwapo ba talaga sya? W--

Teka lang, bakit curious ako?

I shook my head. Hay naku. Anong nangyari sa akin?

Habang nag-iisip ako, may naramdam ako na merong mga mata na tumititig sa akin. Hindi ko alam kung sino yun dahil wala naman akong nakitang mga mata sa akin. Nag-shrug nalang ako at tumuloy sa aking pagkain.

What could go wrong?

*****************

yoh!

Sana nabasa niyo po tong istoryang to at please hit vote kung gusto nyo ang prologue.

Thank u!

-Rhea <3


Her Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon