Chapter 44

781 21 0
                                    

Narinig ko ang parang mabigat na bumagsak sa lamesa ko. Napaangat ang tingin ko at nakita kong si Miss Hanabi na nakatingin lang sa akin. I saw a tall pile of papers infront of me. My forehead creased. Ano 'to?

"Ms. Dela Cruz, please re-check all of these transcribed meetings and encode it to a soft copy. Mr. Henry wants these to be finished within this day. Send it to my e-mail after."

Napakurap ako, "This day? You want me to finish all of these, in one day?"

Miss Hanabi only nodded and left me dumbfounded.

Ano ba 'tong trip ni Blake?

"Woah, girl. Ginalit mo ba si ex?" tumawa si Dianne sa tabi ko.

Mapait akong ngumiti sa kanya, "Gusto mo ng suntok?"

Tinikom niya ang bibig niya pero nakangiti pa rin ang gaga. Halatang pinipigilan ang tawa niya. Buyset na babaeng to. Bakit ko pala siya kaibigan?

Pinipigilan kong magwala dito sa opisina. Pota, intern lang ako dito pero para na akong naka-full time employee sa dami nang pinapagawa sa akin. I'm here to learn, not to be labor abused.

"Tulungan nalang kita. Kawawa ka naman eh." rinig kong bulong ni Dianne sa akin.

"Huwag na. Baka madamay ka pa."

Dianne shrugged and continued what she was doing. Ako naman, tulala. Napabuntong hininga nalang ako sa nakita kong tambak-tambak na mga papel sa harapan ko. Buyset. Nakakasakit ng ulo.

Wala akong magawa kundi gawin iyon. Naturuan naman kami paano mag check ng mga transcribed meetings tapos ilagay lang sa Microsoft Word ang natapos na. Buong umaga, naka-focus lang ako na tapusin iyon. Wala pang kalahati, lunch time na. Imposible talaga matapos ngayong araw. Binilisan ko na nga eh, wala pa ako sa kalahati ng mga papel.

I decided to send the finished documents before having lunch. Malas, hindi ko pala natanong ang e-mail ni Ma'am Hanabi.

Going to the secretary's desk is a great chance of meeting Blake. Baka nag-lunch na iyon? Sana nga. Ayokong makita ang pagmumukha niya baka ibato ko sa kanya ang mga papel.

Sumakay ako sa elevator at pinindot yung 53rd floor. Yung buong floor na office. Who knew na sa kanya pala iyon? Fate sure is such a pain in the ass.

"Good noon, Ma'am." bati ko sa sekretarya nang makarating doon.

"Likewise, Ms. Dela Cruz. What do you need?" tanong ni niya sa akin habang nagtitipa sa computer tapos hindi umaalis ang tingin niya doon.

I need you to burn your boss, alive.

Joke.

"Ma'am, gusto ko pong malaman ang e-mail niyo po."

Miss Hanabi stopped typing and turned her attention to me. She looked at me for a few seconds. Naiilang akong ngumiti. It's like she's judging me.

"I'm sorry, I don't have the e-mail. You can go and ask Mr. Henry. He's at his office."

Pinagtitripan ba nila ako?

"Um, can you just call him and ask? I'm in a hurry."

Miss Hanabi just looked away and continued typing. Parang ang sarap itapon ang computer niya.

Wala na akong choice. Parang expected na nilang mangyayari ito eh. They're obviously messing with me. May topak ata ang boss dito.

Kumatok muna ako sa pinto ng opisina niya. Ang laki ng pinto. Parang gate sa laki. Bakit pa ba kailangan buong floor ang office? I don't think he needs all that space just for his own office.

Her Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon