"Saan ka pupwesto?"
I glanced at Dianne, "Kahit saan sa van."
"Tara na, baka wala nang upuan doon."
Bitbit ang malaking bag na naglalaman ng mga damit at mga kakailangan, naglakad na kami patungo sa isa sa mga vans na nakaparada sa harap ng kompanya.
It's been a week since my mom's birthday. Blake was so busy with his project. Naging busy din kami kaya hindi kami masyadong nakapag-usap. Ever since that night, we didn't really talk or maybe because he's avoiding me? But anyways, our hard work paid off because his project turned out great. Sabado ngayon at magse-celebrate kami sa success ng project na pinaghirapan ni Blake. Nag-rent sila ng isang beach resort somewhere in Samal tapos mag-stay kami doon ng tatlong araw at dalawang gabi.
Alam kong iniiwasan ako ni Blake. Ni hindi nga tumitingin sa akin even if we stumbled on our way. Medyo na hurt ako pero okay lang, ito naman ang gusto ko diba? Na iniiwasan niya ako? Kasi may Emily siya?
I sighed and lifted my bag. Malaki na bag ang idinala ko kaya medyo mabigat. Susunod sana ako ni Dianne nang may bumuhat sa bag ko. Nagulat ako at tumingin kung sino yun. Ay, Si Peter. Isa siya sa mga nagtatrabaho sa kompanya.
"Ako na dito. Saan ka sasakay?" sabi niya at ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik tapos itinuro ko ang van na itinutungo ni Dianne. Tumango naman siya habang dala niya ang bag.
Pumunta kami sa van. Dianne was scanning her eyes if may vacant ba pero nakasimangot siya.
"Oh, bakit? May vacant ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala eh. Punong-puno na yung van," sabi niya at bumuntong-hininga.
Apat na van ang hahatid sa amin pero parang puno na sa dami ng mga empleyado na nakapwesto na sa loob.
"Maybe I'll just bring my car nalang, no? I checked the other vans pero puno na rin." sabi ni Dianne habang nagtitipa na sa kanyang phone.
Peter spoke beside me, "Wala na talagang pwesto?" tanong niya.
Tumango ako, "Oo, eh. May pwesto ka na roon?"
Peter nodded and told me that he was one of the early birds that got here kaya may pwesto na agad siya. Peter put my bag down as we waited for Dianne to finish talking with her driver. I guess kay Dianne nalang ako sasakay since wala na talagang pwesto sa apat na vans.
"What is this about?"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Miss Hanabi sa aming likod. Nakita ko siyang dala ang iPad niya at nakadamit siya ng jeans at blouse. Ang ganda niya.
"Ah, wala na kasi pong bakanteng upuan sa mga vans," sagot ko kay Miss.
"Really? Doon nalang kayo sasakay," sabi niya at tinuro niya ang isang itim na sasakyan. Medyo malaki ito at parang parehas ito sa mga sasakyan ni Dianne. I believe this is a black SUV.
"Talaga po? Kasi sasabihin ko nalang kay Manong na huwag nalang itutuloy," sabi ni Dianne at tumango si Miss.
"Ako nalang, Peter. Nakakaabala naman sa'yo,"
Peter moved the bag away from me and laughed, "Let me, Miss Dela Cruz. It's no big deal."
Oh, sige. Bahala ka.
I just smiled at him and followed Miss Hanabi. She's busy tapping on her iPad. There's also an earpiece on her right ear and I can hear that she's talking to someone. Narinig kong kinakausap niya yata ang nagmamanage ng resort na ise-stay namin.
Nakarating na kami sa sasakyan. Miss Hanabi instructed us to put our bags sa likod ng sasakyan. Peter put my bag and i thanked him.
"You're welcome. I'll get going. Baka aalis na ang van at maiwan ako," pagpapaalam ni Peter. Tumango ako at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...