"Psst!"
Urgh! Sino ba yun? Nakitang nakikinig ang tao sa teacher eh! I just clicked my tongue and ignored the whisper.
"Psst! Hoy!"
Isa nalang. Kung may maririnig akong 'psst', ipapatapon ko na to sa pluto.
"Bingi ka ba? Sabi ko hoy!" That husky voice whispered again.
Okay, that's it!
Lilingon sana ako but wrong move...
May nagtapon ng papel sa akin at tumama sa mukha ko. Ampupu!
Nakita ko si Blake, smiling innocently while waving.
Pasalamat ka, mahal kita. Kung hindi, sigurado akong ipapakita ko sayo ang langit.
I raised my right eyebrow to him.
Ngumuso siya agad sa papel na tinapon niya sa akin.
I rolled my eyes at kinuha yung papel. Binuklat ko at binasa:
I need to tell you something. Meet me after class. School Garden.
Parang tumigil ang tibok ng puso ko sandali. Ano kayang sasabihin niya? Kinakabahan ako bigla.
Tungkol ba yun sa confession ko sa kanya? Naku. Huwag sana, kung oo, paktay ako.
Kinuha ko yung ballpen at sinulat ang papel:
Alright.
I-add ko ba to ng smiley? Ay naku! Huwag nalang. Oo? O Hindi? Deal or no deal? Psh!
Nagtapon na naman si Blake ng papel sa ulo ko.
Hindi ba yun nakita ni Ma'am?
"Mr. Henry!"
Ha! Right on time.
"Yes, ma'am?" Sagot ni Blake.
"Why are you throwing papers at Ms. Dela Cruz?" Tanong ni Ma'am.
"I was sending love letters to her." Ngumisi siya.
Love letters? Love letters?!
Ampupu!
Tumingin si Ma'am sa'kin, "Oh really? Well, I guess you two will start a love story after class. Detention for the both of you!"
Tumawa ang buong class.
Pigilan niyo ako! Ipapakain ko na sa kanya ang iron fist ko!
"Get out of my room!" Sigaw ni Ma'am.
Nakakainis!
So ayun, lumabas kami sa room. Habang naglalakad kami, ang awkward ng atmosphere namin. Parang gusto ko tuloy magsalita.
"If you're going to say something about that love letter, ignore it."
Ay. Biglang nag-cold. May PMS ba to o di kaya bipolar lang to.
"Eh, bakit dinamay mo pa ako?" Tanong ko sa kanya.
Hindi siya tumingin sa akin. Naglalakad lang.
"Hoy," sabi ko sa kanya habang lumapit and tugging his shirt.
But that was another wrong move.
Lumingon siya bigla sa akin, at ang lapit talaga ng mukha namin.
May heater ba dito sa school? Ang init!
Papalapit siya sa'kin at ako naman, papalayo. Hanggang sa nabangga ko ang dingding and right on cue, Blake cornered me by placing both of his hands on each side of my head.
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...