Chapter 37

692 14 0
                                    

I found myself standing beside a road. A road that I can't recognize. The road is just infront of me, with no signs of vehicles. It was quiet, too quiet.

Hindi ako makagalaw. Tinititigan ko lang ang kalsada. Nakatayo ako sa ilalim ng lamp post na nagbibigay ng liwanag sa madilim na kalsada. For some reason, I felt my heart beating so fast. I feel like I'm suffocating but I can't do anything about it.

May narinig akong bumubusina. Parang may sarili ang katawan ko at binalingan kung nasaan ang ingay. May paparating na jeep. Sumilaw sa mukha ko ang liwanag ng headlights. May narinig akong ingay sa kabila, doon na naman ako tumingin. There, I saw a black car. Suddenly, the road changed into one lane. It's like it shrunked.

I closed my eyes, not wanting to see what's going to happen. Then, I heard a loud crash. I opened my eyes and in horror, I gasped at what I see.

Sirang-sira ang dalawang sasakyan sa harapan ko. Tumingin ako sa jeep na wasak na wasak sa harapan. Doon ko nakita ang dalawang lalake sa harapan, duguan silang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot dahil kahit duguan, two sets of eyes looked at me. As if they're staring right into my soul, their eyes were speaking at me. It's like they're blaming me for what just happened. Chills ran down my spine as their lifeless eyes stared. I cried, I did nothing but cry.

"I'm sorry," I whispered as I covered my face, natatakot sa mga matang nakatingin sa akin, "I'm so sorry."

I apologized and apologized. Iyak lang ako nang iyak habang humingi ng tawad. Napatigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng boses sa likod ko.

"If only you followed, nothing like this would've happened. It is all your fault."

Narinig ko ang boses ni Emily. Bigla ako nakaramdam ng mga kamay na gumagapang sa leeg ko. Slowly, the grip on my neck tightened. Hindi na ako makahinga. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa labi ko.

Suddenly, I saw Blake standing right across me. He's blankly staring at me.

"Help," I cried out to him but he just stared.

Bigla siyang ngumisi at iniwan ako. Lumalakad siya palayo, palayo sa akin.

I gasped as I opened my eyes, realizing it was just a dream.

No, it wasn't a dream.

More like a nightmare.

Napansin kong nanginginig ang mga kamay ko. Ramdam ko pa rin ang higpit na nararamdaman sa leeg ko. Ang lakas pa rin ang tibok ng puso ko. I took deep breaths just to calm my body.

Nang medyo kumalma, tinignan ko yung orasan. Alas sais na ng umaga. Lumabas ako sa kwarto para manghilamos. Hindi pa rin kasi kumalma ang buong sistema ko. Pagkatapos, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Rinig ko ang ingay doon. I guess gising na yata si mama because I can smell the aroma of the food being cooked. My system slowly calmed.

Pumasok ako sa kusina and I guessed right, nakita ko si Mama na nagluluto.

"Good morning, Ma." bati ko kay mama at agad naman siyang lumingon sa akin at binati ako ng ngiti.

"Good morning din, anak."

"Si Lola?" I asked habang nagsalin ng tubig sa baso at uminom.

"Baka gising na yung Lola mo sa kwarto. Tulungan mo muna siyang bumaba sa hagdan," utos ni mama at agad naman akong sumang-ayon.

I climbed upstairs and walked straight to Lola's room. I knocked on the door, "Lola? Gising ka na po ba?"

Narinig kong sumagot si Lola, "Oo, apo. Pasok ka."

Her Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon