"Kanina pa kita tinatawag diyan eh. Ba't palagi mo akong iniiwasan ha?" Sabi niya, habang pino-poke ang side ko.
Sya nga pala, andito ako sa room. Detention eh, diba? Pagkatapos nung sinabi ni Emily yung warning niya sa'kin, umalis kaagad ako sa room. Habang nasa labas pa ang teacher, papalapit siya ng upuan at lumapit sa akin. Ayun nga, palaging tinutusok ang side ko para pansinin niya ako.
Pero, imposible eh. Ang kulit. Parang hindi ko kaya.
"Psst! Hoy! Boss mo ako, at dapat sundin mo ang sinasabi ko! Pansinin mo ako!" I can feel him pouting.
Ngumiti ako ng palihim. Na-miss ko yung pag-uutos niya sa akin. Dahil siya ang boss.
"Oy... sige na. Pansinin mo ako. Ano bang nakain mo at ganyan ka? Na-trauma ka ba sa sinabi kong magpapakita sayo ang Daddy ko? Hoy. Tumingin ka naman oh. Na-miss ko ang singkit mong mata eh,"
Dun ako lumingon ng walang oras sa sinabi niya.
Singkit kong mata? Na-miss niya? Yun lang?
"Oh hayan. Now, tell me, ano bang nanyari sayo ha? Bakit ang snob mo na ha?" Ngumuso siya.
Hindi ako sumagot at binalik ang atensyon sa libro ko.
"Hoy! Sige, kung hindi ka haharap, hahalikan kita. Sige," he warned.
Napalunok ako.
Hindi. No! Hindi niya gagawin yun! He won't do it. I can feel it through my gut and my hair. De joke lang.
"Ayaw mong maniwala? Bibilang ako ng tatlo,"
Mommy! Eomma! Mama! Mamang! Tulungan niyo po ako! Bibilang na siya! Hahalikan niya raw ako! Okay, OA na siguro ako.
"Isa,"
Naku!
Hindi. Hindi niya totohanin. Alam ko.
"Dalawa,"
Lord, sana walang tatlo sa number. Please lang? Pumikit nalang ako.
"Tatlo,"
Ayun, hindi ko pa rin siya pinansin. Hinintay ko yung halik, pero wala akong nararamdam na kung ano sa mukha ko.
Minulat ko ang mga mata ko at ang lapit ng mukha namin.
Gulp. Blink. Gulp. Blink.
"Finally," ngumisi siya.
"Umalis ka nga sa harapan ko," inis na sabi ko at pinilit ko siyang ilayo sa'kin. Pero, no use.
"What? I kind of like this position though. Don't spoil the fun,"
Lupa! Handa na ako! Please?
"This is a classroom, not a make-out room,"
Blushing, tinulak ko kaagad siya at nahulog siya sa upuan, "Aray!"
I opened my mouth to say sorry pero biglang naalala ko ang sinabi ni Emily.
"Grabe naman oh," narinig kong reklamo niya at bumalik siya sa upuan.
Sorry Blake. Kailangan ko tong gawin para sa pamilya ko.
***
"Ang bagal mo naman mag-picture!"
"Aish! Pang-ilan na to ah! Ikaw ang nag-utos sa'kin na magpi-picture sayo, ikaw rin ang nagrereklamo?"
"May PMS ka ba, girl? Every moment is a selfie moment sabi ni Sarah. Diba?"
"Kahit na! Sobra na to!"
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...