yooo! sorry for the late update. was staying at a hospital for a few days and walang wifi and all. BUT, im already six chapters ahead of the updates. so expect a daily update for a week. pambawi lang sa inyo hehehehe
thank u for being patient. enjoy!
*****
"Thank you talaga, Ian!" pagpapasalamat ko kay Ian nang makapasok siya sa shop.
Si Ian ang isa sa mga nagtatrabaho dito sa shop. While I take the morning shift, si Ian naman ang sa afternoon shift. Tinawagan ko si Ian na early akong mag-out kasi kailangan ko pang ihatid ang lunch ni Papa. Mabuti naman pumayag si Ian at nandito siya.
Ian rolled his eyes as he walked his way to the staff room, where we change our clothes and keep our stuffs. Sumunod ako at pumasok sa room at ayun, nilagay na ang mga gamit niya sa locker.
Ang gwapo ni Ian pero ang sungit. Palaging nakasimangot na akala mo, ang laki-laki ng problema niya sa mundo.
Lumapit ako sa gilid niya at ngumisi, "Thank you."
Ian closed the locker and frowned, "Paulit-ulit. Oo na. Swerte mo, hindi ako masyadong busy."
Sungit pero mabait.
"Promise, ililibre kita."
Ian didn't answer. He just looked away and grabbed his uniform and made his way to change his clothes. Baka isipin niyang ang bastos ko kaya agad naman akong lumabas at nag-antay hanggang sa matapos siyang magbihis. Nang matapos, lumabas siya sa room at humarap ako sa kanya. Napahinto siya. I was about to say something but then he cut me out.
"Just shut up and change."
Ngumisi ako sa kanya, "Libre kita ha? Remind mo lang sa akin para hindi ko malilimutan."
Ian sighed and pushed me inside the staff room. Napatawa ako. Alam kong naiinip na siya sa akin pero ang sarap biruin siya. Kahit isang salita, galit agad. Nakakatawa kasi minsan ang reaction niya para na siyang sasabog sa inis.
Pagkatapos magbihis, nagpalaam na ako kay Tita. Syempre, nagpaalam rin ako kay Ian at simangot lang ang nakuha ko mula sa kanya.
Paglabas sa shop, naghintay ako sa paparating na jeep. Few minutes later, wala pa rin. Mabuti nalang maaga akong nag-out, baka matagalan ako. Habang naghihintay, biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
"Hey, Ree-Ree. Need a ride?" agad na bungad ni Luke sa akin.
Napakunot ang noo ko dahil nalilito ako sa sinasabi niya, "Ha?"
"Look to your left."
Sinunod ko ang sinabi niya at nagulat ako nang makita ang nakaparadang sasakyan ni Luke. Luke got outside the car and waved at me, his phone still on his ear.
Napangiti ako sa kanya. I can feel my heart raising as I saw his smile. Ang gwapo talaga ni Luke. Mapapaisip tuloy ako kung bakit ito nagkagusto sa akin.
I waved back and walked my way to his car, "Hi."
He dropped the call and opened the car door for me, "Tara."
Pumasok na ako at nag-drive na si Luke.
"Papunta sana ako sa Jollibee para mag-lunch. While I was on my way, I saw you outside the shop. Why are you out early, Ree-Ree?" tanong ni Luke.
I faced him, "Nakalimutan ni Papa yung lunch niya kaya pinapauwi ako para ihatid sa kanya."
He chuckled, "Matanda na ata ang Papa mo."
BINABASA MO ANG
Her Billionaire Boss
Teen Fiction*A QUICK WARNING! I WROTE THIS STORY 6 YEARS AGO AND PLEASE BEAR WITH ALL OF MY JEJEs THROUGHOUT THE 1ST HALF. BUT AS YOU GO ON, YOU CAN SEE HOW MUCH I IMPROVED! ENJOY!* Meet Deseree. A girl who studies at Nanimaku University. She thinks that this s...