Chapter 17. "What Happened To Chinchin"

134 5 1
                                    

"Okay."

I said.

"Sige. Iintayin na lang kita sa dating place...Sa may Dalampasigan."

I ended the call.

It's cold, saturday afternoon, 5 pm.

I put on my gray sweater and black skinny.

"Best."

Talaga nga naman oh. Yun pang binigay ni Arjay na sweater ang nakuha ko. Pero di bale, "Best." lang naman ang naka-print sa sweater. Saka isa pa, Di ko talaga sya kayang iwasan at di ko sya lilimutan. It's just that, galit pa rin talaga ako sa kanya dahil kung tama man ang sinabi ni Tita Amethyst na mahal nya ako, bakit sya umalis? Bakit sya umalis nang hindi man lang sakin nagsabi? Bakit hinayaan nyang di kami magka-ayos bago sya umalis?

Hayy. Tama na nga. May "Friendly Date" pa kami ni Calvin. DON'T DARE TO CALL ME FLIRT! Gaya nga ng sinabi ko, It's just a friendly date. Nothing more, Nothing less.

Ayaw ko kasing nasasayang ang effort nya sa panliligaw sakin. Ayaw ko rin namang maging kami kasi nga di naman sya ang mahal ko. Pero since napagkasunduan na namin ito, "Friends" lang kami.

Dalawang araw pa lamang syang wala, pero grabe na ang pagka-miss ko sa kanya.

Nagmadali na ako paggagayak dahil baka di na namin maabutan ang paglubog ng araw.

"Mama, may pupuntahan lang po kami ni Calvin." sabi ko habang hinahalikan ko sya.

"Oh sige Anak. Ingat ha? I Love You!"

Alam na ni mama lahat ng nangyari. Sinabi ko lahat ng hinanakit ko kay Arjay at naamin ko ring gusto ko si Arjay.

"Sige po. I Love You, Too Ma!"

Naglabas na ako ng bahay.

"Wait lang Calvin ha. Ang tagal umalis ng bus eh." Tinext ko sya. Nandito ako ngayon sa may bus terminal. Ang tagal-tagal umalis ng bus kahit kalahati na ng lahat ng upuan ang okupado.

After 20 minutes, umalis rin ang bus.

Then pagdating ko sa may dalampasigan, nakita kong naghihintay pa rin si Calvin habang nakaupo at nakaharap sa may dagat.

Nilapitan ko sya.

"Aray ko po!" Napasigaw ako ng matapilok ako gawa ng bwisit na bato.

Napalingon sya at agad akong tinulungan. Nakita ko rin ang hawak nyang sketch pad.

"Ayos ka lang?" tanong nya.

Nagkatinginan kami.

Shems. Ang ganda pala ng mata nya.

"Ah, oo.... Ah ayos lang naman ako." sabi ko na nauutal pa.

"Teka, ikaw ang nag-drawing nyan?" nakita ko kasi ang buhok ng babaeng dino-drawing nya.

"Ah oo." Napakamot sya sa ulo pagkasabi nito.

"Pwedeng patingin?"

"Eh kasi Chinchin, nakakahiya eh." unti-unti na syang namumula.

"Patingin Calvin. Dali na please!" pilit kong kinukuha ang sketch pad nya pero dahil matangkad sya at ako'y dakilang pandak, di ko iyon naabot.

"Bakit ba ayaw mo?" tanong ko.

"Eh basta kasi. Nakakahiya pati eh. Sa susunod ko na lang sayo ipapakita." Unti-unti na nyang binaba ang sketch pad na dati'y nakataas.

Pagkakataon ko na 'to!

Pinilit kong kuhain ang sketch pad ngunit, pag minamalas ka nga naman, natapakan ko ang sintas ng sapatos ko.

Shit.

Muntikan na akong matumba. Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni Calvin na nakahawak sa may waist ko.

Mabuti na lang at nanjan sya palagi sa tabi ko kelan ko man sya kailangan. Sya yung laging handang tumulong sakin sa lahat ng pagkakataon. At ngayon naman, sya yung nagpapasaya at nagligtas sakin.

"Ah, sorry Calvin. Lampayatot na ata ako." sambit ko sabay ayos ng pwesto para naman di na kami ma-awkward-an sa nangyari.

"Hahaha. Lampayatot ka jan! LampaTabachoy dapat!" biro nya sabay takbo sa bench na malapit sa Dalampasigan.

Pero nang nakaupo na sya sa bench, nahulog ang sketch pad na hawak nya na naging dahilan naman para makita ko ang sketch nya.

Pupulutin na sana nya iyon ngunit inunahan ko na sya.

Ang ganda. Ang astig ng pagka-sketch.

Ang ganda ng ginuhit nya.

Syempre ako iyon.

"Ako ba 'to?" tanong ko sa kanya kahit obvious na ako naman talaga iyon.

Napabuntong-hininga muna sya.

"Oo." sagot nya sabay tumungo.

"Bakit naman ganyan ang reaksyon mo?"

"Nakakahiya kasi."

"Eh bakit naman?"

"Ah... Basta."

"Hayyy. Calvin, okay lang naman eh. Basta napag-usapan na natin ito at friends lang tayo."

"Yun na nga eh. Chinchin, di ko pa rin maiwasang umasa na balang araw eh maiisip mo rin na mahal mo rin ako."

"Calvin, mahal naman kita eh. Kaso, bilang kaibigan lang. Mas ok yun kasi ang magkarelasyon, naghihiwalay rin minsan. Pero ang magkaibigan, di mo yan mapaghihiwalay. At saka isa pa, Alam mo namang mahal ko pa rin si Arjay di ba?"

"Oo. Alam ko yun. Hayaan na nga natin, wag na lang nating sayangin ang oras dahil malubog na ang araw."

Pagkasabi nya nito, hinawakan na nya ako sa kamay at umupo kami sa bench malapit sa dalampasigan.

Ang ganda ng view. Ang ganda ng sunset. Tahimik ang lugar. Hindi magulo. Tanging mga magkasintahan lang ang nandoon maliban sa amin.

Ipinatong ko ang ulo ko sa kanang balikat nya. Hinayaan naman nya iyon at hinawakan ang aking kamay.

Ganito ang gusto ko. Tahimik. Mapayapa. At masaya.

Pero mas maganda kung si Arjay ang kasama ko-ang taong nagpatibok ng puso ko.

----------
(Eunice's POV)

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ni Arjay sa isang mall.

Nakilala ko sila nung umalis si Arjay papuntang Canada.

Bale tatlong araw pa lamang kaming nagkakakilala pero, nagugustuhan ko na ang isa sa kanila...

Si BRYAN. Ang "Hopeless Romantic" daw sabi ng mga kaibigan nya.

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon