Chapter 29. Hindi Inaasahan

100 6 0
                                    


(Chinchin's POV)

Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon, kasama ang pinakamamahal kong si Arjay.

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Kahit sa'n, basta sasaya ka."

"Kelangan pa ba 'yon? Eh masaya naman na ako kahit katabi mo lang ako eh."

Napangiti s'ya at hinalikan na naman ako. Pang ilang beses na nga ba?

"Naku, ikaw Chinchin, gumaganyan ka na ha. 'Pag ako 'di nakapagpigil, baka kung ano'ng magawa ko sa'yo."

"Leche. Baka kung sa'n mapunta ang usapang ito. Sine na nga lang tayo."

Napatawa s'ya saglit at sinabi,

"Sige na nga. Showing na pati ngayon 'yong gusto mong movie."

Pumunta na kami sa cinema na isa sa mga pinakamalaking sinehan dito sa Japan.

Mabuti na lang at may English Subtitle ang Movie na showing ngayon, dahil kung hindi wala lang akong maiintindihan.

Bumili na s'ya ng ticket at pagkain.

Habang nakapila kami at naghihintay sa ticket, napansin kong marami-rami rin pala ang mga Pinoy na nandito sa Japan.

"Doon tayo umupo," sabi ni Arjay sabay turo sa bakanteng upuan nang makapasok na kami sa loob.

"Sige."

Inabot ko sa kanya ang aking kanang kamay. Napangiti ako nang hinawakan n'ya iyon.

Ang galing nga naman ng tadhana. Tila ba para sa kanya talaga ang kamay ko dahil saktong sakto ang lapat ng pareho naming kamay.

"I Love You," sabi n'ya at hinalikan ako sa pisngi nang maka-upo na kami.

"I Love You, Too."

Nagsimula na ang movie.

Tungkol ito sa buhay ng mistress na ginanapan ng isang napakagaling na Actress sa Japan.
Ang kwento'y umiikot sa mga sakripisyo ng isang kabit dahil nalaman n'yang niloko lamang pala s'ya at inanakan ng isang mayamang negosyante. Bagama't isa s'yang kabit, alam n'ya ang kanyang limitasyon at tanggap n'ya ang lahat ng pangyayari.
Ipinaubaya n'ya sa Diyos ang lahat at pinabayaan n'ya na lang ang lalaking minahal n'ya ng tapat dahil sa tingin niya'y ikasasaya 'yon ng tunay n'yang pamilya, pati na rin s'ya.

Dumating ang araw na nalaman ang tunay na asawa ng lalaking nakabuntis sa kanya na may kabit pala ang lalaki at naanakan s'ya.

Pumunta ang mag-asawa sa bahay n'ya at pinapili ang lalaki dahil sa tingin ng tunay na asawa'y mas masaya ang kanyang mister kung may anak ito.

May problema sa pagdadalang tao ang tunay na asawa kaya't hindi n'ya mabigyan ng anak ang mister at handa s'yang isakripisyo ang asawa sa kabit nito.

Ngunit sa kabilang dako, ayaw ng kabit ng lalaki na magkahiwalay ang mag-asawa kaya't tumanggi s'yang tanggapin ang lalaki.

Sinabi n'ya na handa s'yang ipa-ampon ang naging bunga ng pagsasama nila ng lalaki.

In short, nagpaubaya ang kabit at ipina-ampon sa mag-asawa ang kanyang anak dahil hindi n'ya iyon kayang buhayin dahil wala s'yang maayos na trabaho.

Napa-isip ako bigla...

Pa'no kung ako 'yong nasa gano'ng sitwasyon?
Pa'no kung ako yung humahadlang sa relasyon ni Arjay at ni Dianne?

Pagkatapos ng movie, ihinatid na ako ni Arjay sa terminal ng sasakyan papunta sa'min.

"Salamat," sabi ko nang makasakay na ako.

Kinindatan n'ya lang ako at umalis na rin.

Nang makarating na ako sa bahay,

"Ma, nandito na po ako," sabi ko nang makapasok na ako sa loob.

"Ma, nandito na po ako. May maganda po akong balita sa inyo."

Walang sumagot.

Nilibot ko ang buong bahay ngunit hindi ko natagpuan si Mama.

Isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan, ang kwarto ko.

Dali-dali kong binuksan ang kwarto ko ngunit nabigla sa nakita ko.

May nagsulat sa wall ng kwarto ko gamit ang lipstick at nagsasaad ng,

"Matuto kang tumanggap ng katotohanan. Akin lang si Arjay. Akin lang s'ya. Hinding-hindi mo s'ya sakin makukuha. Kung gusto mo pang makita ang Mama mo, pumunta ka ngayon rin dito sa Hokkaidō, sa may bakanteng bahay katabi ng tinutuluyan ko, #168. Siguraduhin mong wala kang kasamang iba. At kung mahal mo talaga si Arjay, kailangan mong pumili.
Mamamatay ang mama mo at mapupunta sa'yo si Arjay? O makakasama mong muli ang Mama mo at sa akin na habangbuhay si Arjay?"

Si Dianne lang ang gagawa nito sa'kin.
S'ya lang ang tanging demonyong may galit at inggit sa'kin.

Kaagad akong lumabas ng bahay at sumakay sa Taxi pabalik ng Hokkaidō.

#168.

Nagsimula akong maghanap at magtanong-tanong sa mga taong aking nakakasalubong kung saang street matatagpuan ang House #168.

Nang mahanap ko na ito, labis akong kinabahan...

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon