(Chinchin's POV)
"Bakit ganun, Eunice? Bakit hindi nya man lang ako kinausap o pinansin?" tanong ko sa kanya habang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Nakayakap ako sa kanya habang umiiyak.
Labis akong nasaktan sa ginawa ni Arjay kahapon. Hindi ako sanay na hindi nya ako kinakausap tulad ng dati. Iba na talaga sya. Sobra na ang pinagbago nya.
"Bii, yun lang ang ginawa nya , hindi ka naman namatayan kaya itigil mo na yang pag-iyak mo. Tandaan mo- wag mong dibdibin, may likod ka pa!" sagot nya.
"Nakakainis ka naman. Sayo ko nga namana ang pagiging O.A eh," sabi ko. "At saka bakit sya pa ang galit sakin? eh samantalang sya naman ang may kasalanan ng lahat."
"Ano bang gusto mong iparating, Bii? Hindi ka ba mabubuhay kung hindi ka nya ita-trato tulad ng dati?"
"I can. But, it's hard to move on."
"Wow, Bii. Pang-teleserye lang? Wait ha? Bakit ka naman magmo-move on? Naging KAYO ba?"
"Yun na nga eh, kahit magkaibigan lang kami, grabe na agad ang epekto nya sakin."
"Oh my. Don't tell me may gusto ka sa kanya?"
"I don't know, Bii. I totally don't know."
Tinanggal ko na ang aking kamay sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan ko na rin ang mukha ko para di mahalata na umiyak ako.
"Basta nandito lang ako sa oras na kailanganin mo, Bii. Umayos ka na at pupunta na tayo sa school."
Nag-gagayak sya ng gamit nya habang ako nama'y nakatingin lang sa salamin. Kanina pa dapat ako nasa school para magpractice, kaso lang hindi ko kinaya ang nadarama ko at pumunta ako dto sa bahay ni Eunice para may mapag-sabihan ako ng problema. Kakainis. Mabuti na lang at wala si Mama sa bahay dahil kung nandun sya, malamang sobra na yung nag-aalala kung bakit ako umiiyak.
[@ Conference Hall]
Pagdating namin, lahat na sila'y nandun at nagsisimula ng mag-practice. And when they saw us, Arjay said,
"Guys, intindihin nyo ang pina-practice natin. Wag ninyong sayangin ang oras nyo sa mga bagay o taong hindi naman importante."
Nagkatinginan kami ni Eunice. ABA'T SUMOSOBRA KA NG LALAKI KA! Susugurin ko na sana sya para sampalin kahit nakatalikod sya sakin ngunit agad na hinawakan ni Eunice ang aking braso at sinabi,
"Pagpasensyahan na muna natin ang gag*ng may PMS. Hayaan mo't pag inulit pa nya yun, ako na ang reresbak sa kanya."
At pagkatapos nun, nilagay na namin ang gamit namin sa upuan at lumapit sa mga kagrupo namin para magpractice na rin.
Pagkalapit na pagkalapit namin sa mga kaklase namin, may binubulong sila na hindi namin maintindihan.
Nang mapansin naman kami ni Arjay, inayos na nya ang formation ng lahat para makapagsimula ulit ng practice.
Eunice smiled at me. Di ko alam kung bakit but I smiled back.
Tumabi na sakin si Arjay dahil kami ang nasa unahan bilang kami ang pangunahing tauhan ng play.
Ngunit nagulat ako ng hinawakan nya ako sa braso at pina-pwesto sa pinaka-hulihan at nilapitan nya si Coren na katabi ni Eunice saying,
"Coren, ikaw na ang gaganap bilang Ana dahil napansin kong may potential ka bilang main character. Sabi rin pati nila, ikaw ang palaging inaabangan ng Board of Judges tuwing ma-perform ang Theater's Club."
"WTF, ARJAY?! HOW DARE YOU DO THIS TO CHRISTINE!" sigaw ni Eunice.
"Then who are you to shout at me? Kung gusto mo, pwede kitang hanapan ng kapalit sa role mo."
Napatikom na lang ang aking labi samantalang nakita kong naka-bilog ang kamay ni Eunice na tila ba handa na para manuntok.
Nilagay ni Sophia ang headset sa tenga ni Eunice.
Wala akong magagawa. Si Arjay ang Leader, Director, at Scriptwriter. Eh ako? Magiging Narrator na lang.
Kung hindi sana ito project, hindi na lang ako sasali.
Di na nakayanan ng mata ko at tuluyang tumulo ang aking luha. Sana nandito si Kuya para protektahan ako at patahanin kahit Crybaby pa tawag nya sakin.
Lahat sila tumingin sakin at parang naaawa. Ayaw ko ng may naaawa sakin.
Tumakbo ako palabas ng Conference Hall habang naririnig ko ang mga hakbang ng sumusunod sakin...
Huminto ako sa may bench at dun umupo habang nakatalikod sa taong sumunod sakin.
"Bakit ganun, Eunice? Na-late lang naman tayo ngayon ah. Wala naman tayong ginawang masama, pero tinanggal nya agad ako sa main cast," sabi ko habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.
Hindi sya umimik. Kailangan ko ngayon ng kaibigan pero mukhang wala sila. Hindi ko na kaibigan si Arjay. At si Eunice naman, hindi ako sinasagot ngayon.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak nang may mabigat na kamay ang humawak sa aking balikat.
"Christine, hindi ako si Eunice," sabi ng boses lalaki.
Humarap ako sa kanya.
Si CALVIN. Ang matagal ko ng crush.
"Bakit ka nandito? Bakit ka sumunod sakin? Sana nagpractice ka na lang din dun!"
"Hindi ko kaya, Christine. Ayaw kong makita kang umiiyak. Bahala na ang role play na yun, tanggalin nya na ako sa cast. Hindi naman na ikaw ang aagawin ko sa play kundi si Coren. Mas gugustuhin kong matanggal sa cast kesa makita kang nasasaktan."
Lalo akong napa-iyak sa sinabi nya.
Hindi ko lubos akalain na ico-comfort ako ng crush ko.
He kind of turned me on. Pero hindi ito ang panahon para kiligin ako.
Kailangan ko lang ng taong sasamahan ako sa oras na kailangan ko....
At si CALVIN yun!
------------------------------------------------
(Arjay's POV)
Na-late sila. At yun ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang pinag-iintay ako ng matagal.
Totoo ang sinabi ko. Mas may potential sa pag-act si Coren kesa sa kanya.
Pero hindi ko akalaing ganun sya kaiyakin. Hindi ko akalaing yun ang magdudulot ng kanyang kalungkutan..
------------------------------------------------
(Eunice's POV)
Naiinis ako kay Arjay. Ilang beses nya ng sinaktan si Chin.
Gusto ko na syang komprontahin ng biglang pinigilan ako ni Sophia.
"Relax, Eunice." at nilagay nya sa tenga ko ang isang bahagi nung headset.
Mejo nawala ang pagka-inis ko kay Arjay dahil sa music pero na maalala ko si Chin,
tumingin ako sa may likod ko ngunit wala na sya.
San sya pumunta?
----------------------------------------------
Kung nagustuhan nyo ang kwentong/kabanata na ito, pindutin nyo ang star (vote) , mag-comment at i-share.
Maraming Salamat!
-billyrafer (otor)
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...