Epilogue.

165 7 2
                                    


Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay na sinabi ni Dianne,

"Dianne! Nandito na 'ko. Lumabas ka na."

Naka-off ang ilaw at wala akong maaninag kahit anong bagay.

Biglang bumukas ang ilaw kung saan ako nakatayo at sumunod ang ilaw sa harapan ko kasabay ng paglabas ni Mama na walang malay.

Dumudugo ang kanyang bibig at napakarami n'yang pasa sa mukha.

"Ma!"

Nakaramdam ako ng matinding sakit nang paluin ako ng kahoy sa kanang binti ng isang lalaking utusan ni Dianne. Itinulak n'ya ako at isinubsob sa sahig malapit kay Mama.

"Sige. Gawin mo na kung anong gusto mong gawin sa babaeng 'yan," sabi ni Dianne.

Sinimulan na akong halikan ng lalaki. Nagpupumiglas ako at sinipa ko ang pagkalalaki n'ya para naman maipagtanggol ko ang aking sarili. Epektibo ang ginawa ko kung kaya't dali-dali akong bumangon at naghanap ng pwedeng ipanghampas sa kanya.

Nakakuha ako ng lampshade at 'yon ang hinampas ko sa ulo n'ya, dahilan para mabungaw at matumba s'ya.

"Dianne! Tama na please. Maawa ka naman. Kapatid kita, Kami ang pamilya mo. 'Wag mo namang gawin 'to."

Agad nya'ng binuksan ang lahat ng ilaw at nakita ko s'yang pababa ng hagdan, hawak-hawak ang taling nakagapos sa mga kamay ni Arjay. Nagsilabasan rin ang mga tauhang katulong ni Dianne.

"Arjay!"

Napa-iyak ako. Bakit? Bakit 'to sakin nangyayari? Bakit sa tuwing may masayang nangyayari sa'kin, may sumusunod na masama?

"Ngayon Chinchin, nakapag-isip ka na ba kung sino sa dalawa ang pipiliin mo? Ang iniibig mo o ang pamilya mo?" tanong ni Dianne.

Biglang bumagsak si Arjay dahil siguro sa sakit na inabot n'ya sa kamay ni Dianne at ng kanyang mga tauhan.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto kong lapitan si Arjay para tulungan ngunit may mga armadong lalaki ang nasa paligid 'nya.

"Christine Shoaf, mayroon ka na lamang 10 seconds para pumili," sabi ni Dianne.

Agad kong hinalikan si Mama at sinabi,

"Mama, gumising ka po. Kaya natin 'to. Kailangan ko kayo ngayon."

Dahil wala s'yang malay, hindi naman s'ya makakasagot kung kaya't lalo akong nabalisa.

"Ten," nagsimulang magbilang si Dianne.

Niyakap ko si Mama at panandaliang iniwan upang lapitan naman si Arjay at dalhin sa may sala kung saan kami naroroon.

"Hayaan n'yo naman akong yakapin si Arjay," pagmamaka-awa ko kay Dianne at sa mga tauhan n'ya.

Hinalikan pa n'ya si Arjay bago bitiwan.

"Nine."

"Please, Dianne. Alam mo kung gaano ka kamahal ni Mama at tinanggap ka n'ya bilang bahagi ng ating pamilya. Hindi mo 'to kayang gawin. Kilala kita."

"Akala mo lang 'yan. Hindi ba obvious na kaya kitang patayin ngayon pa lang?" sabi nya. "Eight."

Wala akong nagawa.

Kinausap ko ang nanghihinang si Arjay.

"Arjay, kaya natin 'to 'di ba? Malalagpasan natin 'to 'di ba?"

Umabot na sa "Four" ang pagbibilang ni Dianne.

"Dianne! Ako na lang! Ako na lang ang patayin mo! Huwag mo na silang idamay please. Maawa ka naman!" sigaw ko habang umiiyak.

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon