Chapter 19. "Nagkakamabutihan"

152 7 2
                                    


(Chinchin's POV)

Sa September 27 na sila darating... 2 weeks from now. Makikita ko nang muli ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Excited man, di ko pa rin maiwasang kabahan.

"Pasukan na pala ulit bukas, Chin. Dadaanan kita jan sa bahay nyo bukas para sabay tayong pumasok ah."- text ni Calvin.

"Sige ba. Salamat! :)"-reply ko.

Teka. Anong oras na ba? Napatingin ako sa wrist watch ko.

10:30 pm.

God!!! May Long Quiz kami bukas tapos wala man lang akong nagawa kundi ang makipag-text??? Crap. Kelangan ko munang magreview.

Binuklat ko na ang notebook ko sa Mathematics.
Hayy. Trigonometry na nga pla pinag-aaralan namin. Tsk. Ito pa naman ang ayaw ko. Kelangan ko ang tulong ni Arjay. Sa kanya ako dati nagpapaturo tuwing may assignments at kami ang magkasabay na nareview.

Binubuklat ko ang notebook ko at tinitingnan kung saan ang sakop ng quiz nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Nag-review ka na?" - text ni Calvin.

"Di pa eh. Pakopya na lang ako bukas! ;)" Reply ko.

"Di pwede. Kelangan magreview ka dahil kahit pakopyahin kita, wala kang matututunan."

"Ang daya mo naman. Minsan lang sayo maka-kopya eh."

"Chinchin, sa buhay natin, Hindi dapat tayo palaging naka-depende sa isang tao o sa isang bagay. Kelangan nating matutong magsarili at magsikap nang hindi humihingi ng tulong sa iba upang pagdating ng panahon, makakaya nating bumangon sa sariling mga paa."

"Wow. Words of Wisdom from Kuya mo Calvin. XD"

"Tsk. Loko ka talaga. Matulog ka na. Agapan na lang natin ng pasok para sabay tayong magreview. Siguraduhin mong kumain ka na bago ka matulog ha? Good Night! :*"

"Sige po, Boss. Good Night din! :*"

Pagkatapos nun, tumawag naman si Eunice.

"Bii!!! Kumusta na? Nagreview ka na ba? Sinong kasama mo sa bahay nyo? Pwede bang makitulog? Hahaha." sabi nya nang sunod-sunod sa tawag.

"Ok lang ako. Di pa ako nareview. Si Mama lang kasama ko saka bawal makitulog. Nasagot ko ba lahat ng tanong mo?" sabi ko na medyo may halong sarcasm.

"Well, nasagot mo naman lahat. Haha. Matulog ka na ba lokaret?"

"Oo. Nagreview ka na?"

"Di pa din. Ganito na lang gawin natin, ilagay natin yung notebook natin sa ilalim ng unan natin. Sabi kasi ng pinsan kong taga-bundok na graduated na sa college, ganun daw ginagawa nya kapag may test kinabukasan. Try na lang natin! Malay mo, may maisagot tayo bukas sa quiz! Hahah."

"Haha. Sige. Eunice parang may bago sayo. Bakit ang saya-saya mo? May di ka sakin kinekwento ah. Usap tayo bukas."

"Haha. Sige, Good Night Bii!"

"Sige. Good Night!"

Pagka-end ko ng call, sakto namang nalowbat ang cellphone ko.

Oh God. Battery Drained na.

Hayy. Sinaksak ko na ang cellphone ko. Patay bga sya. XD Joke lang. Chinarge ko na ang cellphone ko para kinaumagahan eh di na ako maabala.

*****

7:30 am

Pagkagising ko, puro kulay sky blue ang nakikita ko.
Kinurot ko muna ang pisngi ko para makasiguradong gising na nga talaga ako at hindi nananaginip.

Aray.

Masakit. Gising na nga talaga ako. Tumagilid ako at nakita ko na ang TV ko sa kwarto.

TANGA! NALULULAM NA NAMAN AKO. :3
Sky Blue nga pla ang kulay ng ceiling ng room ko kaya malamang pagka-mulat ko ng mata, yun agad ang nakita ko. Ang Bobo ko naman. -_-#

Habang nakatulala ako sa TV, biglang bumukas ang pinto.

"Kanina pa ako nag-iintay sa sala. Hindi ka naman lumalabas. Tapos madadatnan kita dito, nagigising ka pa lang. Magbihis ka na."

"Sorry naman ha. Teka, sinong nagsabing pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?"

"Si Mama."

"Wow. Teka lang. Sa pagkakaalam ko, Mama ko sya. Di mo sya 'Mama'."

"Haha. Baliw ka talaga. Bumangon ka na nga jan."

"Ayaw ko."

"Anong gusto mo? Babangon ka na o tatabihan kita jan buong maghapon?"

"Hala. Babangon na nga ako," Sabi ko sabay bangon agad sa kama, "Baka kung ano pang gawin mo sakin, Calvin."

"Haha. Ikaw pa talaga nagsabi nyan ha. Baka nga ikaw pa ang may pagnanasa sakin eh."

"In Your Dreams. Che! Maligo na nga ako."

"Haha. Sige na, maligo ka na. Ang baho baho mo."

Belat ang nakuha nya sakin.
Mabuti na lang at may isa pang pinto bago mag-pinto ng C.R. sa kwarto ko. XD

Haha. Para naman ligtas ako noh?!

Bago ko tuluyang isara ang pinto, sumulyap muna ako sa kanya.

May hawak syang cellphone na nagcha-charge.

Dahil wala naman syang ginagawang masama, sinara ko na ang pinto at nagsimulang maligo.

"We keep this Love in a Photograph
We made these memories for ourselves
Where our eyes are never closing,
Hearts are never broken
And time's forever frozen still...

So you can keep me
inside the pocket
of your ripped jeans,
Holdin' me closer til our eyes meet
You won't ever be alone
Wait for me to come home"

Kumakanta ako habang naliligo.
Teka. Yung cellphone ko nga pala!!! Di ko na-unplug yung charger nun simula pa kagabi! Waaah!!!

***

8:15 am

Nang matapos akong maligo, nakahiga na si Calvin sa kama ko habang hawak pa rin ang Cellphone.

Teka?! Cellphone ko pla hawak nya!

Dahil nakabihis naman na ako, dali-dali akong pumunta sa kanya at hinablot ang cellphone ko na hawak nya.

Nakuha ko na sana pero hinila nya naman ulit iyon sa akin na naging dahilan ng pagbagsak ko rin sa kama...

Mali.

Sa ibabaw nya.

"YUUUUUCCCCKKKK!!!" napasigaw ako nang marealize ko yung position namin.

Eeww.

Tumakbo ako papunta sa may isang sulok malapit sa drawer ko at kinuha ang walis tambo.

"Wag kang Lalapit." sabi ko habang nakataas ang tambo.

"Oh Oh. Teka lang. Wala naman akong binabalak na masama ah. Ikaw nga tong umibabaw sakin. Haha" sabi nya sabay tawa.

"Nye nye mo. Lumabas ka na nga at nang makagayak na ako. Ma-9 am na din oh. Late na tayo."

"Wag kang mag-alala. Wala naman tayong first subject dahil nag-leave si Ma'am."

"Eh basta lumabas ka na."

Kinindatan nya ako bago sya lumabas ng kwarto.

Nagdali-dali ako paggayak ng gamit sa school dahil late na nga.

Paglabas ko ng kwarto, nakatayo si Calvin. Nakaharap sa akin.

"Maaari ko na bang malaman ang iyong sagot? Mahal mo na ba ako nang higit kaysa kay Arjay?"

...


The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon