Chapter 3. "Crush"

289 15 1
                                    

                    Dedicated to: Iloveyou__14
***

(Arjay's POV)

Nakarating na 'ko sa bahay around 9:30 pm. 'Di ko makakalimutan ang nangyari ngayong araw na 'to. Habang ninanamnam ko ang memories kanina...

Ate Lydia my bisaya maid opened the door and greeted me.

"God Ibning Ser Arji! Ba't ngayun ka lng domateng?" tanong nya.

"None of your business. Where's Mama?" I asked.

"Wala nga akong bisnis, kaya nga katolong moko de ba? Kong tenatanong mo kong asan se mam, nasa kwarto na sya. Nanonood ata ng TB," she answered.

Kahit kelan talaga epal 'tong katulong na 'to. Ewan ko ba kay mama kung ba't nya ni-hire itong babaeng ito. Pero sabi basta n'ya, mabait daw s'ya at 'di malikot ang kamay. Aanhin ko naman ang katulong lalo na kung bisaya? Hayy.

"Ate Lydia, TV ang pinapanooran hindi TB. sakit yun eh, saka isa pa ARJAY pangalan ko hindi arji. Ok?"

"Ah, suri man Sir Arji! manood ka na nga lang jan ng TB,"

Di ko na yun pinansin at pinuntahan na lang si Mama sa kwarto n'ya.

"Hi Ma! Kumain ka na po?" tanong ko.

"Oh, Baby. Anjan ka na pala. Kumain na 'ko. Sa'n ka galing?" sabi n'ya.

"Sa Yellow Cab po. Nilibre ako ni Chin. Ma, kain po ulit tayo," aya ko sa kanya.

"Busog na ko Baby eh. Samahan na lang kita pag kain mo," she said.

"Sige po. Tara!" Sabi ko. We went to the Dining Room and ate. Mahal na mahal ko si Mama. S'ya na lang kasi natitira sa'kin at mga kaibigan ko. Walang kapatid si Mama. Sa side naman ni Papa, isa lang ang kapatid n'ya at isa lang rin ang pinsan ko, si Brent. Nasa Canada sila kaya hindi kami masyadong nagkikita.

Hayy. Tama na. Kain na muna ako. Nagutom ulit ako eh.

Habang kumakain ako, Nagkwe-kwento si Mama tungkol sa kung ano-ano.

'Di na ko magtataka kung bukas eh madami na naman ditong mga ka-age ni mama. Dito kasi natambay mga kaibigan niya kapag nagkwe-kwentuhan sila.

After eating, I went to Mama's room para ihatid sya. Antok an antok na eh. 'Di kasi ako kanina nagsasalita dahil puro news naman kwento n'ya.

Nang makatulog na s'ya, pumunta na 'ko sa kwarto ko. I dived into my bed and found myself hugging my spongebob pillow. Ito kasi paborito kong character.

*Beep Beep*

Someone texted me.

I got my phone from my wallet and looked at the text message.

It's from unregistered number. It says

"Good Evening Arjay My Crush!"

Who is this? 'Di naman to si Chinchin kasi registered ang phone no. n'ya dito. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Tanggap ko naman kung madaming may crush sa'kin pero kapag hanggang sa text eh 'di ako tinitigilan, world war 3 na to.

I ignored the text msg. and closed my eyes. Inaantok na ko eh.

*Beep Beep*

Syete. Dahil nakukulitan na 'ko dito sa unknown na to, nagreply na 'ko.

ME: "Sino ka ba? Pwede wag maging FC? 'Di kita kilala. Sa dami ba naman ng Arjay sa mundo eh baka na-wrong sent ka lang."

UNKNOWN: "Oh, Sorry! Kilala mo ko at saka di ako nawrong sent. May gusto lang akong sabihin."

ME: "Eh 'di sabihin mo na. Istorbo ka eh."

UNKNOWN: "Crush kita Arjay Flores!"

Parang pamilyar sakin yung phone number n'ya. Kaya lang eh 'di ko ma-figure out kung sino. Basta 'di sya si Chinchin.

ME: "Yun lang naman pala eh. Thanks! Tulog na 'ko. Bye!" I replied.

Matapos nun, 'Di na s'ya nagtext.

Kung pangtu-turn off lang ng babae ang tanging paraan para di maging flirt yung iba, 'yun na lang gagawin ko.

Nilagay ko na ang cp ko sa drawer ko at natulog.

Maybe tomorrow, Chinchin will tell me that she love me. Tiwala lang. Hirap maging torpe eh.

***

Friday.

Kumain na 'ko ng agahan kasabay si mama.

Matapos nun, nagpa-alam na 'ko para pumunta ng school.

*At South Carolina Academy*

S'ya nga pala. 'Di ko pa nababanggit school na pinapasukan ko pati na rin ni Chinchin.

Classmates nga kami 'di ba?

Dito sa South Carolina Academy kami nag-aaral. Mas Maraming babae dito kesa lalaki. Then may 18 sections for each year level, 4 curricula (Science-Oriented, Basic, Sports-Oriented, and Arts-Oriented). May 5 sections for Science-oriented, 14 sections for Basic then tig-isang section sa Sports and A-OC.

Ako, si Chinchin, at 'yung kaibigan nya'ng si Eunice eh kabilang sa SO-1. Unfortunately, 10 lang kaming lalaki, 20 ang babae. Tapos 'di ko pa tropa 'yung 9 na lalaki. Ewan ko kung bakit kaya si Chinchin at Eunice lang kasundo ko dito. Nga pala, transferee kami dito ni Chinchin. Naging classmates lang kami nung 3rd year sa *toot high*, while classmates na sila ni Eunice since 2nd year. Mag-bestfriend din mga parents namin ni chin at pareho kming trinansfer dito. Si Eunice naman ewan ko kung bakit andito yun.

Moving on, Papunta na 'ko sa classroom namin.

Nakita ko si Calvin sa katabi ng room namin, s'ya 'yung kaklase ko'ng Crush ata ni chinchin kasi lagi n'ya itong gustong makasama.

"Oh, Pare. May nakita nga pala akong letter sa may upuan mo kanina," sabi n'ya.

"Ah sige. Salamat pare," sabi ko.

Ayaw kong makipag-usap sa kanya dahil allergic ako sa mga 'crushes' ni chinchin.

Ah, alam ko na! Kaya pala 'di ko ka-close ang mga classmates kong lalaki eh dahil lahat sila may gusto kay Chinchin.

Selos na kung selos, pero ganun talaga kapag magmahal ang tao.

Umalis na s'ya at bumalik sa katabi ng room namin. Nakita ko pang hinalikan n'ya yung babaeng kausap n'ya kanina. Tsk. Sa maling tao nagka-crush ang bestfriend ko.

Bawal ba talagang maging lovers ang bestfriends? Hayy. Saklap naman nun.

Sana na lang biglang magbago ang ihip ng hangin at magka-gusto s'ya sakin.

Gwapo naman ako, Matalino kaya nasa SO-1 ako, katamtaman ang height, macho at heartthrob. Ano pa bang kulang sa'kin na meron sa iba at 'di ako nagugustuhan ni chinchin?

Mabagal ba 'ko? Pasensya na. NGSB ako eh. wala akong alam sa ligaw at pagtatapat.

Pero alam ko ang 'LOVE' simula ng makita ko ang pinaka-magandang nilalang at regalong binigay sakin ng Diyos....

Si CHRISTINE SHOAF :)

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon