Chapter 23. "Let's Talk"

119 7 0
                                    

(Arjay's POV)

Nang masaksihan ko ang lahat ng pangyayari sa Cafeteria, lumabas ako nang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Nakasalubong ko naman ang aking barkada. Tinanong nila ako kung ano daw ang nangyari sakin ngunit sinabi ko na lang na "Wala." Sinabi rin nila na kung may problema daw ako, huwag daw akong magdalawang-isip na isabi sa kanila para naman matulungan ako.
Salamat talaga at may barkada akong katulad nila.

"Hindi. Okay lang ako. Kailangan ko munang mapag-isa. Uuwi na muna ako, mga bro." tanging naisagot ko na lamang.

Umuwi na ako sa bahay.

Pagdating ko, sinalubong agad ako ni Jenny.

"Oh bat mas pumangit ka na naman? Anong nangyari?" tanong nya.

"Wala ako ngayon sa mood, Jenny. Kailangan kong mapag-isa."

"Okay. Sungit."

Dumiretso na ako sa kwarto ko.
Kumuha ako ng papel at ballpen saka sumulat.

Bakit ganun? Tama naman siguro ako di ba? Tama naman siguro ang sinabi ko na pinagpalit nya ako. Hindi sya marunong maghintay. Mahal ko sya pero mahal nya si Calvin. Nakita ko lahat. Nakita ko lahat ng pangyayari. Hindi ko to kaya. Simula ngayon, kalilimutan ko na talaga sya. Kalilimutan ko na lahat ng pinagsamahan namin. Hindi niya ako mahal. Pinaasa nya lang pala ako... Pinaasa't sinaktan.

Napuno ang papel na aking sinulatan. Kinaras ko ito at saka itinapon.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Mama.

"Anak, ano itong sinasabi ni Jenny na parang meron ka daw ngayon at ang sungit mo? Ano ba'ng nangyari?"

"Wala po, Ma. Nagbibiro lang yan si Jenny. Loko yun eh."

Nakita nya ang tinapon kong papel at binuklat.

"Anak, kung wala kang pinagdadaanan, ano itong kadramahang nakasulat sa papel?"

"Wala yan Ma. Wala lang po akong magawa."

"Anak, kilala kita. Ano'ng nangyari? Sino si Calvin at Ano'ng ginawa ni Chinchin?"

Napa-buntong hininga ako.
Sasabihin ko na nga kay Mama para naman matulungan nya ako.

"Eh kasi po Mama umasa ako na Mahal talaga ako ni Chinchin. Inakala ko na kaya nya akong intayin at totoo rin ang sinabi nya sayo noon bago ako umalis papuntang Canada."

"Tapos anong nangyari?"

"Pagpasok ko po kanina sa School, nagtext po siya na pumunta raw ako sa Cafeteria para makapag-usap kami. Tapos nung pumunta nga po ako, nakita ko po sya kasama si Calvin. Hinalikan po sya nung lalaki sa pisngi saka hinawakan ang kamay. Eh ako naman, nainis at nagselos dahil tinext nya ako na pumunta dun tapos madadatnan ko na magkasama sila, masayang magkasama."

"Sa tingin mo magagawa yun ni Chinchin? Sa tingin mo ba sinadya nya yun, Anak?"

"Ma, siya po mismo ang nagtext sakin na pumunta dun. Siguro planado nya yun para masaksihan ko lahat ng ginagawa nila."

"Anak, mali ka. Wala kang karapatang husgahan ang kahit sino man. Dapat, inalam mo muna ang dahilan kung bakit ni Chinchin hinayaang halikan sya sa pisngi at hawakan ang kamay nya ni Calvin."

"Eh hindi ko naman po sya hinusgahan eh. Sinunod ko lang ang sabi nya."

"Tama nga ang kasabihan, 'Sometimes, people only see what you did. While in fact, they should be looking at WHY you did it.'"

"Ma, mali po ba ang ginawa ko?"

"Oo Anak. Maling mali. Bakit mo ba ginawa yun?"

"Ma, sya po dapat ang tanungin mo kung bakit NYA ginawa sakin yun."

"Eh Anak sigurado mo na bang sya nga ang nagtext sayo na pumunta ka dun para makapag-usap kayo?"

"Hindi po."

"Yun naman pala eh! So, nambintang ka. Binintangan mo sya na sya ang nagtext sayo para makita mo kung anong nangyayari sa pagitan nila."

"Wala naman na pong ibang posibleng magtext sakin eh. Sigurado naman akong hindi yun si Eunice, hindi rin yung Anonymouslover. Teka...," napahinto ako sa pagsasalita.

Anonymouslover?

Kung si Anonymouslover yun, dapat registered sa phone ko ang phone # nya.

Muli kong inalala ang mga nangyari kanina.

-Binasa ang text nya na pumunta sa Cafeteria, may nabanggang magandang babae, pinulot ang nahulog nyang dala, pumasok sa Cafeteria, nakita silang magkasama, hinalikan sya ni Calvin sa pisngi, hinawakan ang kamay, nahulog ang panyo nya na pinulot naman ni Calvin, nakita ako ni Calvin, nagalit ako, sumigaw sa harap ng maraming tao, lumabas ng Cafeteria.-

Wait.

Nakabangga?

Yung magandang babaeng nabanggaan ko kanina na parang nababalisa at nagmamadali saka may tattoo na '12' sa binti?

Bakit sya nagmamadali?

Bakit hindi sya makatingin sakin kanina ng diretso?

Hindi kaya sya ang nagtext sakin?

"Ma, I have to go," I told her then kissed her left cheek.

"Bakit agad agad anak? Sige, Ingat!"

Nagmadali na ako palabas ng bahay upang makapunta agad ng School at mahanap yung babaeng nabanggaan ko.

"Hoy panget. Pasama ako sa School mo," sabi ni Jenny.

"Not now, Jenny."

"Sige na. Ngayon lang naman eh saka para naman makahanap na ako ng gwapong magiging boyfriend ko."

"Tsk. Bahala ka nga. Huwag na huwag mo 'kong tatawagin kapag may nakaaway kang babae, tandaan mo yan ha!"

"Okay."

---
[@ School ]

Pagkababa ko ng service namin, sumunod na rin si Jenny.

Kailangan kong libutin ang buong Campus kasi hindi ko alam kung saan ko makikita yung babaeng nabanggaan ko.

Habang naglalakad ako, nagang salita si Jenny.

"Ang lawak pala ng Campus nyo no? Grabee, samin kasi sa Canada hindi gaanong malawak. Kalahati lang siguro ng buong size nito pero hanggang 7th floor naman."

Nagtitinginan samin ang mga Schoolmates ko.
Siguro dahil bago sa paningin nila si Eunice.

"Wow Pre! May chiks na kasama si Arjay oh!" narinig kong sinabi ng iba.

Napahawak si Jenny sa kamay ko.

"Pinsan, grabe naman ang mga Schoolmates mo dito. Mga maniac. Ganyan ba talaga sila kapag nakakakita sila ng Sexy and Beautiful like me?"

"Oh himala! Ngayon mo lang ako tinawag na Pinsan!"

Dinedma na nya ako at nagpatuloy sa paglilibot ng mata sa buong Campus.

"Anong tinitingnan mo at parang may hinahanap ka?"

"Naghahanap ako ng Gwapo."

"Tsk. Bulag ka ba? Katabi mo na oh."

"Tse! Ang ibig kong sabihin ay yung mas gwapo sayo!"

Napailing na lang ako habang nakangiti ngunit naglaho iyon nang makita kong papalapit sakin si Chinchin.

"Arjay, Can we talk?"

"There's nothing to talk with."

"Meron Arjay. Yung satin... Yung relationship natin, friendship natin."

"Ah, sige Pinsan. Alis muna ako. Pupunta lang ako sa Canteen nyo," sabi ni Jenny. "Wait, san ba yun?"

"Canteen's there oh!" Sabi ni Chinchin na pang friendly ang tono.

"Salamat!" sagot ni Jenny sabay pumunta sa direksyon kung nasaan ang Canteen.

Napangiti ako.

I think maaayos na nga namin ito. Maaayos na namin ang gusot sa pagitan namin.

"Tara Chinchin. Saan tayo mag-uusap?"


The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon