Chapter 22. "Misinterpret"

121 6 0
                                    


(Chinchin's POV)

"Huwag kang mag-alala Chinchin, hindi naman ako susuko at patuloy kitang aalagaan. Basta tandaan mo lamang na palagi akong nasa likod mo, handang tumulong sa'yo," sabi nya sabay halik sa pisngi ko. Hinawakan nya rin ang kamay ko.

"Salamat, Calvin. Mas mabuti talaga kung ganito ang samahan natin, walang iniisip na iba kundi ang kapakanan ng bawat isa."

"At saka hindi na rin kita kukulitin, Chinchin. Handa akong mag-hintay kahit pa matagal, basta sigurado at final na ang isasagot mo sa matagal ko ng tanong."

Napangiti ako.
Kung hindi lang sana sya nahuli at mas una ko pa siyang nakilala kay Arjay, siguro posibleng magka-gusto ako sa kanya. Pero iba eh, kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

Hawak pa rin nya ang kamay ko nang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito ngunit nahulog naman ang panyo ko.

Pinulot ni Calvin ang panyo ko at iniabot sa akin.

"Bii, alam mo na ba? Tinatanong ko kasi si Bry kung nasan sya, ang reply nya nasa may first gate daw, kasama si Arjay. Bii!!! Anjan na ang mahal mahal mong si Fafa Arjay! Haha. XD" text message ni Eunice.

"Oh ano'ng nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? May masama ba'ng nangyari?" tanong ni Calvin.

"Hindi... Nandito na sya. Nandito na si Arjay."

Napatingin sya sa paligid ng Cafeteria.

Bigla syang natulala.

Napatingin tuloy ako sa direksyon na kanyang tinitingnan.

Nakita ko na. Nakita ko si Arjay, mukhang galit.
Medyo tumikas lalo ang kanyang katawan at may kakapalan na ang buhok.

Nakatikom ang kanyang bibig at nakabilog ang kamao.

"Mahal kita Chinchin! Mahal Kita! Wag mo naman akong gaguhin!"

Natulala muna ako bago tuluyang mag-sink in sa isipan ko ang lahat ng kanyang sinabi.

Bakit? Anong ibig nyang sabihin?

Ginago ko ba sya?

Niloko ko ba sya?

Mahal kita Arjay.

Mahal kita at kailanma'y hindi kita gagaguhin.

May tumulong luha sa mula sa aking mga mata.

Tuluyan na syang umalis sa Cafeteria...
Tumakbo sya na umiiyak.

Lumapit sakin si Calvin at pinunasan ang aking luha.
Hinagkan nya ako.

"Masama ba akong tao, Calvin? Bakit ganun? Bakit nya nasabi yun?"

Maraming nakatingin samin.
Binalewala ko na lamang iyon dahil wala naman silang mabuting maidudulot sa problema ko.

"Sshh, tahan na. Siguro'y inakala nya na pinagpalit mo na sya sa akin. Kanina'y nakita nya siguro na hinalikan kita sa pisngi hanggang sa iniabot ko sa'yo ang panyo mo."

Patuloy lamang ako sa pag-iyak.

Hindi ko kaya.

Bakit ganun sya? Bakit bigla na lamang syang nanghuhusga?

Bakit nag-conclude agad sya nang hindi man lamang inaalam ang tunay na nangyari?

Bakit?

Naramdaman ko na may humaplos sa likod ko upang patahanin ako.

Si Eunice.

"Bii, tama na. Hayaan mo na. Kilala ko si Arjay. Kilala natin sya. Maayos rin ang lahat ng ito."

Ngayon, sila ng dalawa ang nakayakap sa akin.

"Hoy! Mga Tsismoso at Tsismosa! Lumayas kayo dito! Alam naming mga mukhang artista kami pero ayaw namin ng pinagkakaguluhan ng mga katulad nyo! Tsupi! Wala kayong magandang naidudulot!"

Mga nagbulungan muna ang mga customers at tuluyang umalis.

Habang ako, inalalayan nila palabas ng School Campus upang magpahinga.

"Salamat. Maraming Salamat talaga," sambit ko pagkasakay namin sa Van na service ko.

---

Nang nasa bahay na kami, kinausap ako ni Mama.

"Anak, maaaring magkamali ang isang tao ngunit sa tuwing siya'y magkamali, palagi yang may matututunan. Kapag nalaman na nya ang katotohanan at mapatunayang mali ang kanyang hinala, magsisisi yan sa ginawa nya."

Lalo kong hinigpitan ang yakap kay Mama.

"Tahan na, Anak. Para ka naman nyang bata. Aba ga-graduate ka na! Hindi ka na elementary na binibili pa ng Lollipop para tumigil sa pag iyak," sabi nya sabay tawa. "At isa pa, kumain na kayo nila Calvin at Eunice. Pumasok kayo mamayang hapon at gumawa kayo ng paraan upang makausap mo si Arjay at maipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari."

Pagkatapos nun, kumain agad kami upang makapasok na sa school.

Samantalang ako, naguguluhan pa rin.

Kaya ko ba syang kausapin?

Kaya ko bang ipaliwanag sa kanya ang lahat? Na nililigawan ako ni Calvin at unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya?

---
(@ School )

"Bii, intayin na lang natin sya. Total, wala naman tayong first and second subject this afternoon, marami tayong oras, I mean madami kang oras para makausap siya."

"Salamat."

Nandito kami ngayon sa Plaza. Kapag wala sa Canteen o kaya sa Cafeteria, dito kami matatagpuan.

Napatingin ako kay Calvin habang hinahawakan nya ang aking kanang kamay.

"Huwag ngayon Calvin," pinigilan ko sya.

At napa-sabi naman sya ng 'sorry' sa mahinang paraan.

"Bii, tinext ko si Bryan. Tinanong ko kung nasan na si Arjay, kaso hindi nya daw alam kung nasaan," sabi ni Eunice.

Tumango na lamang ako.

Ewan ko ba kung bakit ganito ako ngayon.
Ewan ko ba kung bakit tila ayaw kong gumalaw at magpara-salita.
Mas gusto ko ngayon ang magpahinga at matulog buong araw.

Habang nagmumuni-muni ako at nakatulala sa Plaza, nasulyapan ko si Arjay.

Nakaramdam ako ng pagka-kaba ngunit nang makita ko ang babeng kasunod nya at nang hinawakan nito ang kamay ni Arjay, nagalit ako.

No. Mali ang term. Medyo nagselos ako.

Okay. Walang 'medyo'. Nagselos talaga ako.

Napansin siguro nila Eunice at Calvin na nakatingin ako kina Arjay dahil hinawakan nila ang magkabila kong balikat.

"Bii, huwag kang gumaya sa kaniya. Huwag ka kaagad mag-conclude."

Napabuntong hininga ako at ngumiti.

Tama sya. Tama si Eunice, imposibleng may babae sya at mas imposible kong Girlfriend nya iyon.

"Tara na. Pupuntahan ko na sya, ako na mismo ang lalapit sa kanya," inakit ko ang dalawa kong kasama.

"Sigurado ka na ba jan, Chinchin?" tanong ni Eunice.

"Huwag padaloy-daloy ang pagdesisyon, Chinchin. Baka pagsisihan mo yan sa huli," paalala ni Calvin.

I sighed. "No. I'm ready. I'm ready to face him."

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon