Chapter 14. "Sulyap"

172 11 5
                                    


(Chinchin's POV)

Bakit ganun pa rin ang epekto nya sakin? Mahal ko pa ba talaga sya o sadyang ganun lang talaga kapag may nagpapaalam?

Nagkulong ako sa kwarto. Napakaraming tanong ang umiikot sa isip ko. Sa sobrang kaiisip, unti-unti ng tumutulo ang luha sa aking mga mata. Siguro'y nakapuno na ako ng timba kung iyon ay sinahod ko.

"Anak, malaking timba ba ang kailangan mo o maliit lang?" biglang sambit ni Mama.

Mejo natawa ako at pinahid ang aking luha.

Hindi naman siguro mind reader si mama. Sadyang alam nya lang kung kelan ako may pinagdadaanan.

"I don't need 'em, Ma. I just need somebody to comfort me."

"I think I'm that somebody you need, Anak. Buksan mo na ang pinto. Pag-usapan natin yan."

Dahan-dahan akong bumaba sa kama habang hawak-hawak si 'Archi' my bear. Natatandaan nyo pa ba? Si 'Archi' yung stuff toy na binigay sakin ni Kuya.

But, binitiwan ko rin iyon nang maalala ko yung name nya. Archi. Sounds nakakainis, right?

Binuksan ko na ang pinto at niyakap si Mama nang makapasok sya.

"Anong problema, Anak?"

"Ma, aalis na sya. Pupuntang Canada."

"Sino? Si Arjay ba?"

"Opo. Aalis sya nang may galit sakin. Aalis sya nang hindi muna ako tinatanong kung payag ba ako."

"Wait, Anak. You're not on the position to decide for him. Hindi ka nya girlfriend para tanungin muna kung payag ka sa desisyon nya."

Napa-NGANGA na lang ako sa sinabi ni Mama. Oo. Tama nga sya, Sobra. Isa lamang akong hamak na kaibigan, well hindi nya na ata ako kaibigan. Saklap pre.

Dahil dun, napatunayan ko na mali ang desisyon ko dati. Sana'y tinanggap ko ang paliwanag nya at pinatawad sya. Eh di sana masaya ako ngayon. Tsk. Tama nga sila... Nasa huli ang pagsisisi.

"Anak, sa buhay natin, marami ang nagbabago. At sila'y nagbabago para sa mas makabubuti. Kung may masasaktan man ng dahil sa pagbabago, hindi na yun kasalanan ng tao. Kasalanan na 'yon ng damdamin ng tao."

"Di ko gets, Ma."

"Tsk. Ganito anak, alam kong nasasaktan ka sa nangyayari sa inyo ngayon ni Arjay. Alam kong ikaw ang naka-ubos ng stack nating tissue. At alam ko ring nasasaktan ka dahil sa ginawa nyang pagtalikod sayo katulad ng ginawa mo sa kanya. Ang akin lang, nagbago na siguro si Arjay para sa ikabubuti ng kanyang sarili at para sa mga taong naka-paligid sa kanya. At hindi nyo na rin kasalanan kung nasasaktan kayo sa nangyayari dahil ang inyong damdamin at desisyon ang mali. Di dapat agad kayo nagpapadala sa emosyon para agad na mag-desisyon."

Ang daming alam ni Mama. Mukhang sya ang may pinagdadaanan.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Mama. Namumuo na naman ang luha sa aking mga mata.

"Ssshh, tahan na anak. Para lang yang sugat. Syempre sa una, dahil bago... Masakit talaga. Pero di ba't gumagaling rin naman kung may gagamot? At kapag nagamot na, unti-unti ring bumabalik sa dati na parang walang nagbago't nangyari."

Dahil dun, umiyak na talaga ako ng tuluyan. Bumuhos na ang luha ko at mejo nabasa na ang blouse na suot ni Mama.

"Sige na nga. Iiyak mo lang yan. Basta tandaan mo ang lahat ng sinabi ko ha. Kapag may gagamutin, nanjan lang palagi ang gamot. At para sakin, hindi ako at ang mga kaibigan mo ang tinutukoy ko. Si Arjay lang ang gamot sa sugat mo. Tanging sya lamang."

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon