Chapter 7. "Rules of Friendship"

185 11 0
                                    

(Chinchin's POV)

Pagkatapos naming bumisita sa bahay nila Ate Rina, dumiretso kami ni Kuya dito sa mall. Kahit ano daw gusto ko eh bibilhin nya. So, yung mga mamahalin ang binili ko. Aba! Sulitin ko na!

"Teka, si Arjay ba yun?" tanong ni Kuya.

Tumingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin. Ah, si Bryan lang pala na kapatid ni Ate Rina saka si Arjay. Siguro'y nang-chicks!? Pero WHUT?!

Bakit mukhang nagmamadali sila? Nakakita ba sila ng multo? Saka bakit parang galit si Arjay? Anyaree?

"Ah, oo. Hayaan mo yun. Si Arjay lang pala."

Pinilit kong sumagot sa tanong nya na tila ba wala akong paki-alam sa aking kaibigan slash crush. Sa higit 1 taon naming pagsasama, pangalawang beses ko pa lang syang nakitang kumilos ng ganyan, yung parang galit. Yung unang beses ay nung sampalin ako ni Eunice sa may campus plaza. That's the 1st time I saw Arjay na magalit. Tinulak nya si Eunice that caused her to suffer back pain.

Alam nyo ba kung bakit ako sinampal ni Eunice nung panahong yun?

Eh kasi nagpra-practice kami para sa role playing namin. Siya yung antagonist at ako yung protagonist, may part talaga na sasampalin nya ko. Pero ang Lolo Arjay nyo, hindi man lang inalam kung bakit ako sinampal ni Eunice. Ni hindi nga sya nag-sorry eh. So, ako na humingi ng depensa para sa kanya.

Tawagin nyo na akong assuming pero, wala eh. Kinilig ako sa ginawa nya. :) Akalain nyo yun? Ayaw nya ng may nananakit sakin?

"Ah, Oo. Nice Talking," sabi ni Kuya.

"Ha?" tanong ko.

"Sabi ko baka may nalimutan ka pang bilhin. Kanina pa kaya kita kinakausap, tulala ka jan."

He answered.

"Ah. Wala na," Sabi ko.

Kumain muna kami sa greenwich bago tuluyang umuwi. Habang nagkakain ako ay iniisip ko ang posibleng dahilan kung bakit mukhang galit si Arjay kanina.

Hindi ko naman sya inaway. Hindi ko rin naman pinagsabi na puro pic ni Nadine Lustre ang laman ng gallery nya at Si Spongebob ang paborito nyang Cartoon Character. At hindi ko rin naman nilabag ang rules of friendship namin.

Teka. Rules?

OMG.

0_____0

(Flashback)

"Kung talagang loyal at true friends ang tingin natin sa isa't isa, can we make some Rules of Friendship?" tanong ni Arjay.

"Okay. Basta ako ang unang mabigay ng rule," saad ko.

"Ano pa bang magagawa ko? Lagi naman eh. T___T ", sabi nya.

"RULE # 1. Bawal umalis o pumunta sa isang lugar without telling each other or without a permission," I stated.

"Okay. I approve your suggestion. RULE # 2. Bawal mag-lakwatsa kasama ang tao na hindi kilala ng isa. Meaning to say, bawal akong gumala kung hindi mo kilala ang makakasama ko." sabi nya.

"Pero, pano kung ayaw nating ipakilala yung tao sa isa't isa?" tanong ko.

"Di yun pwede. Kelangan ipakilala muna." sagot nya.

"Yeah. Geh, ikaw bahala. And RULE #3 . Hindi natin pwedeng iwasan ang isa't-isa kung hindi pa natin alam ang tunay na dahilan kung bakit nangyari ang isang bagay na ating ikinagalit. Meaning to say, kapag may nakita kang mali sa ginagawa ko, kailangan mo muna akong kausapin bago ka mag-isip ng kung ano-ano at iwasan ako. Got it?" I asked.

*Beep Beep*

(Car's Horn)

"Oh sige. Payag. Una na 'ko Chinchin! Umuwi kana rin ha?!" sabi nya.

T_T nakakainis naman. Balak ko pa syang akitin mag-date eh. *Ehem Ehem* Friendly Date I mean.

*End of Flashback*

Oh. So, that's it. I violated Rules #1 and 2. Pero si Kuya lang naman kasama ko ah. May malisya ba yun? Ah. Tae. Hindi pa nga pala kilala ni Arjay si Kuya. Pero si Kuya naman kilala na sya dahil naikwento ko yung mga bagay tungkol sa kanya.

T^T Ang tanga ko nman. Bakit ba nilabag ko ang 2 rules?

Wait.

Teka.

Kung galit si Arjay dahil may nilabag ako sa rules of friendship thingy namin..

AHA!

He also violated a rule. Rule # 3 which says na bawal kaming maging cold sa isa't isa if di pa namin alam ang tunay na dahilan ng aming pagkagalit.

Teka ulit. Wait lang ha? Naguguluhan ako.

Bakit naman sya magagalit sakin? Aside from I violated 2 rules, is it possible that he's jealous seeing me with another guy na hindi nya kilala?

Yiieehh. Oh. That thought makes me crazy.

---

"P*ta! Chinchin!!! Ano na? Baka gusto mo ng umuwi?" Kuya shouted which made my eardrums break.

"Ay palakang tomboy!" Naisigaw ko. Nahulog pa yung pizza sa may tiyan ko. Yuck. Bwisit. Nadumihan na tuloy ang dress ko. Huhu T^T

"Hurry up. Get all your stuffs and we'll go home." Kuya stated.

Kapag ganyan na ang tono ng pananalita ni kuya, natatakot na ako. Grabe kasi yan magalit.

Binilisan ko na ang pagka-kain ng pizza habang si Kuya nma'y nagbabayad.

When I'm done, I got all the shopping bags and went outside.

"Kuya, baka naman gusto mo akong tulungan sa pagbitbit nitong mga gamit?!" I sarcastically said.

"Akin na nga." sabi nya at kinuha lahat ng bitbit ko.

Yehey!

"Oh, may dumi na pla dress mo. Punasan natin," sabi nya.

Kumuha sya ng hanky at pinunasan ang bahagi ng dress ko na may stain ng pizza.

"Para ka pa ring bata. Ang amos mong kumain. Tsk."

"Yeah. Whatever ," sabi ko.

Nang matapos na sya sa pagpunas sa suot ko, nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa area kung saan naka-park ang service namin.

Konting hakbang na lang nang biglang....

*Punch* *Punch*

Sh*t!

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon