(Arjay's POV)
Ang daming magandang nangyari kahapon. Pero ang makilala si Chinchin ang pinaka-magandang pangyayari sa buhay ko.
Nak ka ng!!! Haha :D Pero di sa biro, I think I should confess to her. Baka maunahan pa ako. Mahirap na! Tsk.
"Baby, kain na tayo! Bumangon ka na jan!" Sigaw ni Mama.
Di muna ako bumangon kasi kakatamad pa.
Instead, umupo na lamang ako sa kama at kinuha ko na lang ang cellphone ko and when I unlocked it, I received 4 messages from unregistered number. I opened the message and confirmed na tama nga ang hinala ko. Yung babaeng masyadong papansin at trying hard para mapansin ko. Puro lang naman "Good Morning,Crush!" ang laman. Pero dun sa last, may nakalagay na "Anonymouslover_12" . Teka...
Kinuha ko yung letter na nakuha ko kahapon sa seat ko.
Sabi na nga ba! Iisa lang yung nagtetext sakin saka yung sender ng sulat eh. Pero sino nga ba talaga 'to?
At dahil dun, may isa pa akong naalala... si
Chinchin.
Siya kaya si Anonymouslover? Di ko lang kasi maintindihan kung bakit ganun ang reaksyon nya kahapon when she saw that damn letter.
Kung sya si Anonymouslover, eh bakit natulala sya kahapon na parang may iniisip? Saka kung sya man yun, eh di sana nagkunwari sya na hindi nya yun nakita kasi mahihiya naman sya syempre.
Ang engot ko talaga. Bat ngayon ko lang naisip? Napasipa ako sa table na malapit sa bed ko.
"Hala! Ser Arji! Wag mu po yang debdeben! Andetu lang kame ni Mam sa tabe mu. Pag-osapan naten problima mu!" My maid shouted. Naka-lock kasi pinto ng room ko para di sya makapasok. Ano kaya kung gayahin ko yung Cookie Monster ng Diary ng Panget?
Gawin ko na kaya lahat ng masama para kusang mag-resign itong katulong na'to??
Ay ewan. Wag na lang, baka magka-record pa ko ng masama kay chinchin. Ayaw ko nun!
I put my cellphone and the letter on my drawer then opened the door.
*Beep Beep*
May nagtext sa cellphone ko so, imbes na lumabas ng kwarto, kinuha ko muna yung cp ko sa drawer.
"Ay! Jusku pu!" Sigaw ni Ate Lydia kasi napadapa sya pagbukas ko ng pinto. Naka-sandal pala sya kanina. Napa-ngiti na lang ako sa nangyari. Di ako ganun kababaw para tumawa ng napaka-lakas. Mabuti na lang pala at kinuha ko cp ko dahil kung hindi, baka nasalo ko pa sya. Nakakadiri yun dre!
Tumayo na si Ate Lydia at umalis sa kwarto ko habang ako naman, eh nakatingin sa cp ko.
Akala ko pa naman kung sinong nagtext. Si Bryan lang pala, yung kapit-bahay namin. Nangangakit mag-basketball.
Nireplyan ko na muna sya bago ako lumabas ng kwarto. Total wala kaming projects or assignment, lulubusin ko na ang paglalaro.
Pumunta na ako sa Dining Area para kumain.
Nakita ko naman si Mama na naghuhugas ng kamay.
"Morning, ma!" Bati ko sa kanya.
"Morning din, baby! Kain ka na lang jan. " She said.
Kumain na nga ako katulad ng sabi ni Mama.
"Oh, baby! Sya nga pala, gusto mo bang sumama sakin mag-shop jan sa bagong Mall?" Tanong nya.
"No, Ma. Bryan and I will play basketball. I will also invite him to go with me this afternoon to Mall. We'll play Arcade," Sabi ko.
"Oh sige,Baby. Kain ka lang jan ah! Itext mo na lang ako mamaya if you want something na bibilhin ko sa Mall." sabi nya.
I nodded. Ang bait talaga ni Mama kahit ayaw ko ng tawag nya sakin. >_< Para naman akong batang maliit nun eh!
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, nagbihis na'ko ng basketball uniform ko. Alam nyo nakalagay sa likod ng Shirt ko?
'ChinArj' lang naman. Bakit? Wala lang. Yun ang gusto ko eh. Papalag ka?
*Beep Beep*
One message received.
"Arjay pare, teka lang muna ha. Ayaw pa akong palabasin ni Mommy kasi may darating daw kaming bisita. Text mo na din sila Andrew na sumama satin" Bryan sent.
Oh ! Di nyo pala kilala mga katropa ko.. Di ba sabi ko si Chinchin lang kaibigan ko? Sa section lang namin yun! Saka nakaka-close ko na rin si Clyde pero malabo si Eunice.
Dito naman sa Street namin, si Bryan (Kapit-bahay ko) , si Randel, 3 houses away from mine, at si Andrew na tapat-bahay ni Randel ang mga Tropa Ko. Sa South Carolina Academy rin sila nag-aaral pero hindi ko kaklase. Nanggaling sila sa iba't ibang curriculum.
Sila ang mga ka-bonding ko sa tuwing walang pasok.
As what Bryan said, I text-ed Andrew and Randel. Di naman sila nagreply. Wala sigurong load >_<
Nagbihis na muna ako ng pang-basketball attire para naman makalaro na agad kami pag punta nila dito.
After 25 minutes, wala pa ring dumadating na 3 ugok. So, lumabas na ako ng bahay at umupo sa terrace.
I plugged in my headset to my cellphone at nakinig ng music.
Marami nang dumaan na sasakyan. Kung wala lang sana akong pinag-lilibangan eh di sana binibilang ko na yung mga kotse.
May mga dumaang mustang, mercedes benz, hyundai, chevrolet at kung ano-ano pa. Pero nang may makita akong porsche car, bigla itong huminto sa bahay na katabi ng sa amin.
Kaninong kotse kaya ito? Nang bubukas na ang pinto nung kotse, sakto namang nagtext siAndrew. Di na raw sya makakapunta at may project silang gagawin ni Randel para sa project nila. Taena. Tinext ko na si Bryan na di makakapunta ang 2 ugok.
Agad-agad rin nman syang nagreply saying "Baka mamayang hapon na ko makalabas ng bahay, tol. Arcade na lang tayo mamaya. Sagot ko".
Syete. Nagbihis pa ako! Sana pala natulog na lang ako. Di ko na sya nireply-an at nilagay ko na ang cp ko sa aking bulsa. Muli kong tiningnan ang kotse. Mukhang nakapasok na yung mga kasamahan nung driver sa loob ng bahay. Sya na lang ang nkikita ko dahil pabalik-balik sya at may dalang mga bag.
Nang binuksan nya ang pinto ng kotse, may magandang babaeng lumabas na may bitbit na malaking stuff toy. Sayang T_T . Di ko makita yung mukha nya,
"Sh*t!" bulong ko sa sarili ko ng kagatin ang paa ko ng langgam. Kinamot ko muna ang paa ko at muling tumingin sa babaeng tinitingan ko kanina.
Wala na ~! Taken na ata. Holding Hands while Walking na sila nung lalaking matangkad eh.
"Yan ang sh*t!" Naisabi ko ng mahina.
Sayang talaga. Gandang babae eh. Pero ok lang yan, loyal pa rin naman ako sa girl-friend ko na si Chinchin.
Sa di inaasahang pagkakataon, sumulyap yung magandang babae at tumingin sa akin.
And I was like 0_______0
Si Chinchin???
At sino yung lalaking kasama nya?
•••••••••••••••••••
3:30 P.M.
*Mall*
Katulad ng sabi ni Bryan, pumunta kami sa mall at nag-arcade. Nilibre nya rin ako sa lahat. Haha :D Takot yan sakin eh kaya tumutupad yan ng pangako.
Marami kaming nilaro pero kahit isang beses ay di man lang sya naka-panalo laban sakin.
And since we're both exhausted, we decided to go home and rest.
Pero nung palabas na kami ng Mall, nakita ko na naman si Chinchin habang naka-akbay sa kanya yung lalaki pababa ng escalator.
Di nya siguro ako nakita dahil sobra ang saya nya. Ang ganda ng ngiti nya eh.
And then, I hurriedly went out of that mall with Bryan after me.
There's only one thing I felt during that time...
I'm Damn Jealous!
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...