(Chinchin's POV)"Tapos? Ano'ng sabi mo?"
"Di na lang ako sumagot. Hinila ko na sya palabas ng bahay saka pumasok na kami sa school."
"Bakit mo ginawa yun?"
"Hindi ko rin alam kung bakit ko nagawa yun, Eunice. Basta ayaw ko pa. Di ko alam kung anong isasagot ko."
"Bii, ikaw nga magsabi ka ng totoo," sabi nya sabay hinawakan ang kamay ko. "Di mo alam ang isasagot sa kanya dahil nalilito ka o Di mo masagot ang tanong nya dahil mahal mo na talaga si Arjay at ayaw mo siyang masaktan?"
"Mahal ko naman talaga si Arjay eh. Pero unti-unti ko nang nakikilala si Calvin kaya napapalapit na ang loob ko sa kanya."
"So, it's more like nagugustuhan mo na sya. Pero Bii, mahirap ang maipit sa ganyang sitwasyon. Mahirap ang pumili sa dalawang taong mahalaga sa buhay mo."
"Bakit pa ba kailangang pumili?"
"Aba'y natural na kailangan mong pumili. Anong gusto mo? Pareho mo silang mahal at dalawa sila sa puso mo?"
I sighed.
Nandito kami ngayon sa school, I mean sa School Canteen.
"Ay sya nga pla Bii, alam mo ba kung saan pumunta si Calvin pagkahatid nya sakin dito? Hindi sya pumasok sa 2nd subject hanggang 3rd subject eh."
"Hindi din eh. Ayaw mo na ba nyang Baked Mac na inorder mo?"
"Che! Kakainin ko yan, teka lang."
"Tama na yan Bii. Tataba ka na masyado."
"Nahiya naman daw ako sa katakawan mo."
Dahil wala kami ngayong 4th Subject, dito kami ngayon tumatambay.
Nasan na kaya yung kapre na yun?
Maitext nga."Kapre nasan ka? Bat di ka pumasok?"
Naghintay ako ng around 15 minutes pero di sya nagreply.
"Huy Kapre! Wala tayong pasok ng 4th sub. Mapasok ka mamayang hapon? Mapasok ako. Magpasok ka din ha?" Tinext ko ulit sya pero wala talaga akong reply na natanggap.
"So ano na Bii? Di pa rin ba nareply?"
"Hindi pa rin eh. Hayaan na. Mapasok na lang yun kung gusto nya."
Pagkatapos nun, naglakad lakad muna kami ni Eunice sa School Campus.
10:30 pa lang naman, maagap pa para mag-Lunch.
"Bii, kumusta na daw pla si Arjay sa Canada? Di ba malapit na syang umuwi?"
"Ewan ko ba dun. Hindi nya naman ako tinetext or even message me on facebook eh."
"Ganun ba?" tanong nya at saka biglang ngumiti nang makita nya si Bryan na naglalaro ng Basketball.
*Eheem* *Eheem*
"Ah, Eunice. Wag masyadong katitig sa naka-topless na nilalang. Baka matunaw, pag may masama kang iniisip o binabalak, kasalanan pa rin yan."
"Ssh. Ano ka ba? Minsan lang 'to noh?!"
"Minsan ka jan. Sya nga pla, ang daya mo! Ano'ng namamagitan sa inyo ni Bryan?"
"Ha? Namamagitan kanino?"
"Sa inyo, Eunice at Bryan."
"Tsk. Ano ba yan Chinchin, di mo ba alam? Eh di 'at'!"
"Ha? Di ko gets."
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...