(Chinchin's POV)Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngunit tila ba walang nangyaring gusot sa pagitan naming dalawa. Ang bilis nyang mapagaan ang loob ko na halos hindi ko na maalala kung bakit nga ba ako nagalit sa kanya.
Can anyone tell me what happened before?
Nandito kami ngayon sa may Pool ng Campus.
We decided na dito na lang mag-usap dahil walang masyadong tao at mga freshmen lang halos ang nandito so, walang masyadong nakakakilala samin and walang mga malisyosa't malisyoso.Sa tuwing tumitingin ako sa kanya, nahuhuli nya ako. So, di ba kapag ganun, tinitingnan nya rin ako ng palihim bago ko pa sya tingnan?
Hayy. Napangiti na lamang ako.
"So Chinchin, tell me everything. Tell me what happened when you saw me on the Airport," Arjay said.
"Nung paalis ka na, syempre nalungkot ako. Nalungkot ako dahil paalis ka noon, iiwan mo ko nung mga oras na yun na hindi man lamang tayo nakakapag-usap at nagkaka-ayos."
"At bakit nga ba tayo nagka-away?"
"Ewan ko. Bakit nga ba?"
"Haha," he laughed. "Ewan ko na rin. Hindi ko na maalala at ayaw ko nang alamin pa."
I smiled.
"So, anong nangyari sayo sa Canada?"
"Marami. Kung saan-saan kami pumunta, kung saan saan namasyal."
"At may nakilala ka kaagad na babae."
"Tsss. So, anong masama dun? Kasalanan ko ba na gwapo ako't lapitin ng babae?"
"Wow. Kapal. Hiyang hiya daw sayo si Bailey May."
"Oh sino naman yun?"
"Yung Filipino-British na gwapo at magaling kumanta," I said. "Eh samantalang ikaw, feeling gwapo na, di pa marunong kumanta."
"Makakasama ba ako sa isang sikat na Band dito sa school kung hindi ako magaling kumanta?"
"Kaibigan mo sila kaya ka nila sinali."
"No, hindi dahil dun. Saka isa pa, gwapo ako. Kaya mo nga ako hinahangaan at umiyak ka pa noong umalis ako, di ba?"
Nakaramdam ako ng pagkahiya.
Shemay. Bat nya pa kasi kailangang ipamukha sakin kung gaano ako ka-obsessed sa kanya."Naks. Feeler ka na masyado Arjay ha. Kaya ako nun umiyak dahil hindi pa kita nasusuntok tapos papunta ka na sa Canada. Hindi pa ko nakakaganti sa lahat ng ginawa mo," sabi ko at lumapit sa kanya. "Pasuntok nga."
Sinuntok ko sya sa braso ngunit hinawakan nya naman ang kamay ko.
"And this is why I. LOVE. YOU." sinabi nya ang bawat salita na pahinto-hinto.
"And I Love Myself, Too."
He kissed my hand.
Natulala ako sa kanya.
"Why did you do that?"
"Like what I've said, I Love You. I want you to be my girl, my everything and so I wanna make you happy."
"Can you tell me why? Can you tell me why do you want me to be your girl?"
"Because you are Christine Shoaf. You are my Chinchin, my only Chinchin."
Hindi na ako nakasalita na parang pinagdikit ng mighty bond ang aking mga labi.
"So ano na? Kayo na ba ni Calvin?"
"Ha? H- Hindi ah. Magkaibigan lang kami," nabigla ako sa tanong nya kaya't nabigla rin ako sa pagsagot. "Ikaw nga jan ang may Girlfriend na tapos nanlalandi pa," bulong ko.
"Ano? Ano ulit ang sinabi mo?"
"Wala. Sabi ko ang ganda ko talaga."
"Kung nagtataka ka dun sa babaeng nakita mo kanina, si Jenny yun. Pinsan ko."
"PINSAN MO?" napasigaw ang tanong ko.
Napatawa sya bigla. "Oo, bakit? Akala mo gf ko na? Selos ka naman kaagad. Haha."
I bit my lower lip.
Nakakahiya talaga. :3
"Ms. Christine Shoaf, noong una, pinilit kong makuntento na hanggang kaibigan lang ang maibibigay mo sakin. Pinilit ko lahat at pinigilan ko ang sarili ko na mahalin ka ng todo dahil natakot ako na baka masaktang muli. Ngunit matapos lahat ng pangyayari... Matapos lahat ng pagsubok, mas lalo kong narealize na Mahal Nga Talaga Kita at hindi kita kayang kalimutan. Naghihintay lamang ako ng tamang panahon para patunayan sayo na mahal kita... Na sobrang mahal kita bilang pangalawang babae sa buhay ko, Sunod kay Mama."
"Mahal Rin Naman-"
He kissed me. He kissed me directly on my lips.
WTF. 0___0
"Alam ko na yun, Alam ko na Mahal Mo rin Ako."
"A-" Magsasalita pa ulit sana ako nang hinalikan na naman nya ako sa labi.
"Huwag ka nang magsalita. Hindi mo alam kung gaano ako ngayon kasaya... Kung gaano ako kasayang kasama ka."
May tumulong luha mula sa aking mga mata.
"Oh, Bakit ka umiiyak?"
Napayakap na lamang ako sa kanya.
Hinaplos nya ang buhok ko at niyakap rin.
"Arjay, patawarin mo ko kung ilang beses na kitang nasaktan noon. Patawarin mo ko sa lahat ng nagawa ko at sa lahat ng gulong naidulot ko sayo. Ngayong nandito ka, ngayong magkasama tayo, wala akong ibang hinihiling kundi maging matibay tayo, ang ating relasyon."
Bigla syang bumitaw sa pagkakayakap at hinarap ako.
"Ano ulit sinabi mo? Yung huling sinabi mo?"
Napangiti na lamang ako saka pinunasan ang aking luha.
"Bawal nang ulitin. Mahal Talent Fee ko.
"Haha. Di bale, narinig ko naman. So tayo na?"
"Wala akong sinabing tayo na."
"Eh ano'ng tinutukoy mong relasyon?"
"Friendship."
He pouted.
"We'll start with being friends again then we'll see if magwowork iyon at kung pwede nang maging tayo."
Napangiti na lamang sya dahilan kung bakit Napangiti rin ako.
"Chinchin, may naghahanap daw sayo sabi ni Eunice. Nanjan si Mama mo," sabi ni Calvin habang hinihingal na tumatakbo papalapit sa amin.
-----------
(A/N: Be Ready. Brace yourselves! )
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...