(Arjay's POV)
Pagkapasok ko sa School, sinalubong kaagad ako ni Chinchin. Ngunit may napansin ako sa kanya.
Umiyak ba sya? Bakit? Anong nangyari?
"Good Morning, Arjay!" sabi nya.
"Good Morning!" ginulo ko ang buhok nya.
Nakita kami nina Calvin at Eunice kung kaya't lumapit sila samin.
"Bii, ano 'to? Halika nga!" hinila ni Eunice si Chinchin.
"Pare kumusta?" tanong sakin ni Calvin.
"Ayos lang, Tol. Pinopormahan mo pa rin ba si Chinchin?"
"Wala namang masama di ba?"
Napakibit balikat na lamang ako.
"Bakit ang bilis? Bakit bati agad kayo?" Narinig kong tanong ni Eunice kay Chinchin.
"Sorry naman. Pati nga ako, nagtataka kung bakit ganun. Hindi ko alam kung paano nangyaring nalimutan ko na marami syang atraso sakin." Sagot ni Chinchin.
"Eh sigurado ka na ba jan? Sigurado ka na bang ibalik yung dati nyong pinagsamahan na parang walang gusot sa pagitan nyong dalawa?"
"Wala naman talagang dahilan kung bakit kami hindi magpapansinan eh. Kung gugustuhin man naming dedmahin ang bawat isa, pwes maghihintay pa siguro kami ng maraming taon para mapag-aralan iyon."
"Hay naku. Tara na nga. Pero wag mo kong susuwayin kapag napansin mong inoobserbahan ko sya. Mahirap na, baka umiyak ka na naman at makapuno ng isang malaking drum."
Lumapit na sila samin at pumasok na kami sa Room namin.
"Arjay," tawag ni Chinchin nang makapasok na kami sa Classroom.
"Oh bakit? Teka lang Chinchin, may napansin ako sayo. At sa tingin ko, may hindi ka sakin sinasabi. Ano bang nangyari?"
Mejo naglungkot ang mukha nya at nabasa-basa ang mata na parang maluluha.
"Wala. Puyat lang ako kagabi. Hindi ko kasi akalain na magiging ganito tayo ngayon at wala nang problema," sabi nya. "Basta lagi mong tandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo, lagi mo lang akong kasama kahit ano pang mangyari."
"Ha? Naguguluhan no ko Chinchin. Ano bang gusto mong sabihin? Bakit ganyan ka ngayon?"
"Eh kasi..." sabi nya habang kagat ang kanyang daliri.
"Eh kasi ano? Pwede mong sabihin sakin lahat. Magkaibigan tayo at handa akong pakinggan lahat ng problema mo."
"Wala. Hindi naman 'to masyadong mabigat at personal na bagay na to. Saka kaya ko na to. Huwag kang mag-alala. Wala pa ring magbabago."
Hindi na lang ako nagsalita oa at niyakap siya.
Dumating na rin si Sir at nagsimula nang magleksyon.
---
(Chinchin's POV)
Sana naman kayanin ko to. Sana naman hindi masira kung anong meron samin ngayon ni Arjay, at sana naman magbago na ang isip ni Mama at huwag nang intindihin ang nakaraan ni Papa.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito ako ngayon, may malaking problema kasi ako.
Kahapon, kinausap ako ni Mama.
Sinabi nya na may mga bagay raw syang natuklasan at nalaman tungkol sa nakaraan ni Papa. Hindi lamang tungkol sa nakaraan ni Papa kundi pati sa Papa ni Arjay at sa isa pang babae.
*Flashback*
"May pumuntang babae dito kahapon, Anak. Nagpakilala siya bilang Dianne, anak raw sya ni Mrs. Amanda na naging mistress ng Papa mo. Sinabi nya lahat ng nangyari sa kanya at sa kanyang mama simula nang hiniwalayan at iniwan sila ng Papa mo. Last 11 years raw, naaksidente si Mrs. Amanda, Car Accident. Nagka-banggaan raw sila ng isang kilala at sikat na mayamang may-ari ng isang company.
At nadiscover ko rin, 11 years ago, bago mamatay sa heart disease ang Papa mo, may sinabi sya... Natatandaan ko na may sinabi syang 'Si Amanda, naaksidente. Kupkupin mo si Dianne at ituring mong anak. Patawarin mo ako, aking asawa.' Hindi ko matandaan kung ano yung eksakto niyang sinabi basta parang ganun rin ang meaning. Pero narealize ko, siguro inatake sa puso ang Papa mo nang malaman nyang namatay si Amanda. At nang tinanong ko naman si Dianne kung sino ang nakabanggaan ng kotse ni Amanda, sabi nya natatandaan nya raw na si Mr. Flores iyon."Nabigla ako sa lahat ng sinabi ni mama. Nabigla ako sa mga natuklasan nyang bagay.
Totoo ba?
So ibig sabihin, namatay rin ang Papa ni Arjay, 11 years ago dahil sa Car Accident at si Mrs. Amanda ang naka-salpukan ng kotse nya? Same date. Same year, same place. Namatay si Papa, Namatay ang Papa ni Arjay kasabay ng pagkamatay ng Mama ni Dianne na kapatid ko sa Ama.
Kailangan kong tanungin si Arjay sa susunod na araw kung anong alam nya sa pagkamatay ng kanyang Papa.
"Anak, tinanggap ko lahat. Handa akong kupkupin ang anak ni Amanda ngunit hindi ko kayang tanggapin na ang Ama ni Arjay ang dahilan ng pagkamatay ni Amanda at ng pagkamatay ng Papa mo. Simula ngayon, matuto ka nang lumayo kay Arjay. Huwag kang magkakamaling isabi kahit kanino ang sinabi ko sayo. Magbibilang na lamang tayo ng limang araw at aalis na tayo. Pupunta na tayo sa Japan, malapit kina Kuya Epoy mo at doon na tayo mamumuhay kasama si Dianne... Malayo kay Arjay."
"Pero Ma, wala pong kinalaman rito si Arjay. Hindi rin po gugustuhin ni Papa na may madamay na iba. Aksidente lang po ang lahat, walang sino man ang naghangad na mangyari iyon. "
"Ang nangyari ay nangyari, Anak. Hindi na natin maibabalik ang buhay ng mga nasawi. At lalong hindi ako papayag na makalapit sayo ang Anak ng taong may kasalanan ng lahat."
"Bakit nyo po ba to ginagawa, Ma? Bakit bigla kayong nagbago? Agad-agad po kayong nagco-conclude! Ma! Post Hoc po ito! False Cause! Mali ang naiisip mong dahilan ng pagkamatay ni Papa!"
"Wala ka nang magagawa, Anak. Buo na ang desisyon ko. At wala na rin akong magagawa pa."
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...