Chapter 15. "Canada"

152 7 0
                                    


(Arjay's POV)

"Arjay! Wake Up!" Uncle said.

"Just give me 5 minutes, Tito!" I shouted.

"Be sure you're ready for breakfast after 5 minutes or else, Brent gonna kick your butt!"

"Yeah. Whatever." sabi ko na lang pag-alis nya. Sya nga pala si Tito Arman, ang nag-iisang kapatid ni Mama.

Amethyst ang pangalan ni mama, Arjun si Papa at Arjay ako. Astig di ba?! Lahat kami 'A' ang first letter ng pangalan.

Si Brent naman yung anak ni Tito na ka-edad ko at si Tita Marife yung asawa ni Tito.

Pumasok na ako sa C.R. at nag-toothbrush.

Sya nga pala, ngayong araw kami pupunta sa Montreal, Quebec. May bahay sila Tito doon at doon daw muna kami titira habang nandito ako which is 2 months.

Bumalik na tayo sa katotohanan...

Lumabas na ako ng kwarto, wearing gray sneakers, black pants and plain white shirt.

"Oh bro! Gising ka na pala!" salubong sakin ni Brent.

"Baka nga?!"pamimilosopo ko. Di nya naman na iyon pinansin at sinamahan ako pababa sa living room.

"Good Morning po Uncle, Tita!" bati ko sa dalawa.

They greeted me back.

"Did you prepare your stuffs already? We're gonna have our breakfast at Montreal na lang." sabi ni Tita Marife.

"Oh. Di pa po. Teka lang po ha?" sambit ko sabay takbo pabalik ng kwarto.

Iginayak ko na ang mga gamit ko. Dahil malinis ako sa gamit, tiniklop ko na muna nang maayos ang mga damit ko.

Nang matapos na...

"Nasan na yung papel?" napatanong ako sa sarili ko. Saan ko na nga ba yun nailagay?

Hinanap ko sa drawer kung nasan yung papel na pinagsulatan ko tungkol sa nararamdaman ko para kay Chinchin.

Oh crap. Baka naiwan ko sa kwarto ko sa bahay?

Dali-dali kong inopen ang skype account ko sa phone at tinawagan si Mama.

"Good Morning, Ma!" sabi ko with smile on my face pero mejo kinakabahan.

"Good Morning Baby! Kumusta jan sa Canada? Kumain na ba kayo nila Marife at Kuya Arman? Bat ka nakabihis? San kayo pupunta?" sunod-sunod nyang tanong.

"Ma, isa-isa lang. Ayos lang po kami dito. Sa Montreal na lang daw po kami kakain pagdating namin dun." sagot ko.

"Ah sige Anak. Nami-miss na agad kita!"

"Ma, isang araw pa lang naman po akong wala eh. Ay sya nga pla Ma, may nakita ka po ba jang bond paper sa kwarto ko?"

"Alin Anak? Yun bang may nakalagay na 'Mahal kita Chinchin. Mahalin mo rin sana ako. Sino ba yung lagi mong kasama? Bat ang saya-saya mo pag kasama mo sya?'"

I rolled my eyes.

"Ma, Kelan ka pa po natutong mangialam ng gamit ko?"

"Sorry Anak. Curiosity kills daw eh. Haha."

"Tss. Whatever Ma. Wala na talaga ako sa inyong maitago."

"Kaya Love na love kita Anak eh! Ay sya nga pla, may sinabi sakin si Chinchin nung nasa Airport ka."

Napatikop ang bibig ko. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"Ma, huwag na po natin yung pag-usapan."

"Pero anak...-"

Di ko na hinayaang sabihin nya ang gusto nyang sabihin.

"Ma, tapos na po ang samin ni Chinchin. Masaya na sila ni Calvin. Saka nung huli kaming nag-usap, ayaw na nya sakin... Kinasusuklaman na nya ako."

"Anak hindi mo naiintindihan eh. Hindi tulad ng iniisip mo ang sinabi nya sakin."

"Ma, ENOUGH!" napasigaw ako bigla.

I don't mean it. Nadala lang ako.

Napansin ko ring nabigla siya sa ginawa ko.

"Sorry po. Di ko sinasadya."

"Okay lang Anak. Sorry rin kung nakialam ako sa inyo. Sorry rin kasi nung nagkwento sakin si Chinchin, naawa ako sa kanya at binigay ko rin sa kanya yung papel na hinahanap mo. Binigay ko yun para patunayan sa kanya na mali ang inaakala nya. At ikaw, mali rin ang inaakala mo tungkol sa sinabi nya sakin. Kailangan nyong magka-usap."

Di na lang ako nagsalita.

"Bro! Bilisan mo na at pupunta na tayo!" sigaw ni Brent galing sa labas ng kwarto ko.

"Sige Anak. Aalis na pala kayo. Mag-iingat kayo jan ha? Makikisabi na rin kay Marife na tatawag ako sa kanya mamaya. Bye! I Love You Baby!"

"I Love You Too, Ma!"

I ended the call.

Binilisan ko na rin ang paggayak ng gamit ko at siniguradong wala akong maiiwan.

Bumaba na ako at pumunta sa living room kung saan naghihintay sila Tita na parang inip na inip.

"Sorry po." sabi ko.

"Okay lang Arjay. Tara na!"

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse nila.

Uncle Arman drove as fast as a running cheetah dahil hindi naman dito masyadong nata-traffic.

Nang makarating na kami sa Montreal, nakita ko ang mga naglalakihang buildings at magagandang architectural buildings. Ang elegante ring manamit ng mga taong naglalakad sa sidewalk.

May araw akong nakikita pero grabe ang lamig.

8:41 am pa lang pla.

Biglang huminto ang kotse. Napansin ko ring tulog na si Brent na nasa kaliwang side ko. Sina Uncle at Tita ang nasa driver's seat at kami dito sa sunod na upuan.

"Hi Jenny!" narinig ko, (kahit mahina) nang bumaba si Tita Marife sa kotse at nakipag beso-beso sa isang babae. Hindi ko makita ang mukha nya dahil dark na masyado yung salamin ng kotse at nakatalikod sya samin.

May sinabi pa si Tita sa kanya na di ko naman masyadong narinig.

Kumatok sa salamin ng kotse yung babae at nagsenyas sakin kung pwedeng tumabi.

Di naman ako nag-dalawang isip dahil kilala sya nila Tita at siya mismo ang nagpapapasok sa babae.

I nodded. Binuksan ko nang dahan dahan ang pinto para di sya matamaan dahil napakalapit nya sa pinto.

Pagkapasok nya, nginitian nya ako.

WOW! JUST WOW! Sobrang ganda nya lalo na nang ngumiti sya. She has tantalizing gray eyes and pointed nose which made her face prettier. Bumagay rin sa kanya ang braces nya na color pink.

I didn't smile back. Di ko alam kung bakit di ako makangiti sa kanya pero ang alam ko, nastar-struck ako.

Medyo may katabaan sya kung kaya't napadasig ako para naman di sya mahirapan.

"Hi! Jenny's my name. I'm So Pretty, Aren't I?"

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon