(Arjay's POV)Sumakay na ako sa Mustang na binili para sakin ni Mama papunta sa Company Building. Ipapakilala daw sa akin ng Boss ko yung bagong Architect na makakatulong ko sa pagdesign ng nasabing building.
"Good Morning Sir!" bati sakin ng mga officemates ko pagpasok ko sa Company Building. Karamihan sa kanila ay mga Japanese pero magagaling namang mag-English.
Tumatango na lamang ako sa lahat ng bumabati.
Pang-boss ang dating ko dito, pero ang totoo'y baguhan pa lamang ako at marami lang nakakakilala sa akin dahil siguro sa charm ko. XD
Sumakay na ako sa Elevator. I pressed button '31' kung saan matatagpuan ang office ni Boss.
Nang makarating na ako sa office, agad niya akong pinapasok at saka pinaupo.
"Mr. Architect Arjay Flores, the Mall we're talking about called me a while ago. Mr. Furuoka, the head of the company told me that they need two Architects who both have the ability and skills to organize all of the things or to design a simple but beautiful and eco-friendly building. And so I told him that you, together with the New but Professional Architect can do what their company say so."
"Sir, I'm so thankful for this opportunity. Thank you for trusting and choosing me for this. Btw, Can I know who's the New Architect I will be with in doing this project?"
He just smiled then looked at the door. Napatingin na rin ako sa nilalang na papasok sa office. Nang bumukas na ang pinto, pumasok ang isang babaeng gulo-gulo at sabog ang buhok na nakaharang sa mukha kaya't hindi ko masyadong makita ang itsura.
Natawa ako nang makita kong hawak-hawak nya ang wedge na pang-kaliwang paa. Siguro'y nasira o kaya nama'y nahihirapan sa paglakad.
Biglang tumawag si Dianne sa Cellphone ko kung kaya't nag-excuse ako kay Boss at sa babae.
Lumabas akong madali sa office at kinausap si Dianne.
Habang kausap ko sya, naririnig ko pa rin ang usapan ng dalawa sa loob.
"Good Morning, Mr. Woodley! I'm so sorry for being late. I was stuck in traffic," narinig kong sinabi niya na hindi man lang humihinto sa bawat pangungusap.
Dahil nacu nacu-curious ako sa babaeng makakatulong ko,
"Mamaya ka na tumawag, Dianne. May meeting pa ako, bye! Love you!"
Bago ko muling buksan ang pinto, bigla kong naalala ang isang pag-uusap.
"Basta lagi mong tandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo, lagi mo lang akong kasama kahit ano pang mangyari."
Naalala ko na naman si Chinchin. Siguro sinabi nya sakin iyon nung huli kaming nagkita dahil nga iiwan nya ako. Pero bakit nya naman ako iiwan?
Hay..Tinawag na ako ni Boss kaya't nabigla akong pumasok sa office. Ngayon, nakatalikod na ang bagong Architect.
"Ms. New Architect, this is the guy we're talking about. Meet Mr. Architect Arjay Flores," sabi ni Boss.
Natigilan ako sa paglalakad papalapit sa kanila nang humarap na sa akin ang nasabing babae.
Paanong...? Bakit nandito siya?
Nahulog ang hawak kong cellphone at tila ba nabulag ang aking mga mata. Hindi ko makita ang paligid namin. Siya lamang ang tanging nakikita ng aking mga mata.
Nang makalapit na siya sa akin, bigla niya akong niyakap.
"Arjay," sabi nya habang yakap-yakap pa rin ako.
"Chinchin," napayakap na rin ako sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinalikan ko na siya. She responded in my kiss.
"Oopps! Seems like the Boss need to go out of his own office," sabi ni Boss.
Natigilan naman kami ni Chinchin at napangiti. Mejo nahihiya na rin ako dahil sa nangyari.
Napakagat na lamang ako sa labi ko, ganun rin si Chinchin.
"I knew it!" Mr. Woodley laughed. "My step-son told me to pair you up."
Biglang tumunog ang pinto, bilang senyales na may papasok.
Naunang pumasok ang isang babaeng mukhang British at sumunod ang kahawak-kamay nya...
"Calvin?!" napasigaw kaming dalawa ni Chinchin.
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...