***
Friday.
(A/N: same time po ito nung sa Chapter 3. The time when Arjay got inside their classroom)
Nang pumasok na 'ko sa classroom, wala pa ang adviser namin. Wala pa rin si Chinchin. Kahit kelan talaga ang bagal gumayak ng mga babae. Tsk.
"Oh, Arjay. Buksan mo na yung letter mo, nasa may upuan mo yun. May admirer ka na pare! Haha," Clyde said.
Teka, Clyde nga ba pangalan nun? ay ewan ko na. Basta sya yung nakaka-vibes ko na.
"Gag*! Matagal na'kong may admirer. 'Di na nga mabilang eh," I boasted.
"Hangin mo pre, maiwan na kita!" sabi nya.
Pumunta na ako sa respective seat ko at nakita ko nga yung letter.
It is from -anonymouslover_12.
Taena. Papahirapan pa ako nitong taong ito. Sana nilagay n'ya na mismo pangalan n'ya para naman pansinin ko s'ya.
I just picked the letter and put it in my bag. Mamaya ko na lang babasahin pag uwian.
So, I sat on my seat then heard Chin's angelic voice. F*ck. Bakit boses pa lang n'ya eh ang bilis na ng heartbeat ko?
Tumingin ako sa direksyon kung saan s'ya nakatayo at napansin n'ya rin naman ako.
Pumunta s'ya sa pwesto ko at umupo sa katabi ko. Dun kasi ang respective seat n'ya.
"Ikaw ha. Napansin ko kanina 'yung tingin mo sa'kin. May something about that look eh," she said.
'Di ko muna s'ya pinansin at tumingin sa katabi ko. Si Eunice pala. Hinila ko 'yung jacket n'ya at kinindatan. That's my way para 'di magalit ang babae k4pag may ginagawa akong mali.
"Ang hangin,chinchin. Mag-jacket ka rin nga," sabi ko.
Yabang netong babaeng ito. Tama naman sinabi n'ya pero 'di n'ya dapat isabi pa sa'kin.
"Che! Epal mo talaga. May crush ka lang sa'kin eh," sabi n'ya.
"Binabaligtad mo na ang sitwasyon, chin. Alam ko namang may gusto ka sa'kin. Ipagpatuloy mo lang 'yan dahil gwapo ang hinahangaan mo ;)" I said.
She turned her back and wore a jacket. She got that from Calvin who is her seatmate. Tsk. Gaya Gaya.
"Ang hangin nga noh?!" sabi n'ya.
Sasagot na sana ako kaso lang eh dumating na si Sir. Ang Adviser naming mabait. So, as usual, biglang nanahimik ang buong klase at binalik ko na ang jacket kay Eunice. Ganun rin si Chin.
"Good Morning, Class. I will just announce some important matters. First, is that I will be absent for 2 days because of a seminar for math teachers. Second, during that 2 days, you should all familiarize your classmates' name and be friends with each and everyone. And Lastly, don't make our classroom look messy. No body contacts on my table, ok?" He announced.
We all laughed because of his last statement, No body contacts. Uso daw kasi yan ngayon. Haha :D
"Ok sir!" we all shouted in chorus.
Sir just smiled then said, "Good. Class dismissed."
We shouted 'hurray!'. 4th year na kami pero talo namin ang mga 1st year students sa pagiging childish.
Nagsilabasan na rin ang lahat. Sinundan ko si Chinchin kung sa'n s'ya papunta.
Sabi na nga ba eh. Sa cafeteria na naman.
"Chinchin my Labs! Tataba kna nyan! Di ka na sexy :3" sabi ko sabay akbay sa kanya.
Oh-oh. Wrong Move, Arjay. Tanga!
"At least maganda ako. At saka, crush mo pa rin naman ako kahit mataba ako 'di ba?" tanong n'ya.
"Kain na nga lang tayo. Gutom lang yan."
She hit my shoulder then held my hand. Ang dami kasing tao sa cafeteria kaya hinila n'ya 'ko mauna lang sa iba. Baliktad Arjay! Dapat ikaw ang humihila sa kanya.
Hinayaan ko na lang yun kasi nga 'Just go with the flow daw' basta nag-eenjoy ako.
When she found a vacant table, we went there and sat. At dahil dun, binitawan na rin nya ang kamay ko. >_
"Ano'ng gusto mong orderin?" I asked her.
"Ahm, kuyang waiter, isang slice nga ng pizza, 10 php ng spaghetti at coke-in-can. Salamat!" sabi n'ya.
Dahil nasa mood naman akong sumakay sa trip nya, pinanindigan ko na lang ang pagiging waiter.
"Okay, Mam. Your order will be served within a minute," I said.
Nakipagsiksikan ako sa naka-pila para lang maka-order. Dahil siguro nagwapuhan sa'kin 'yung mga babae, pinauna na nila ako. Iba na talaga pag gwapo. ✌✌✌
Pangatlo na ako sa pila, nasa pinaka-una si Eunice. Tingin s'ya ng tingin sa direksyon ko. I got my phone from my pocket then used it as a mirror. Gwapo pa rin nman ako ah?! 'Di na ba s'ya nasanay?!
When she got her order, she again looked at me then smiled, so I did in return. okay... WEIRD
Pagkatapos kong mag-order, pumunta na 'ko sa table namin ni Chin. I saw her holding a letter.
Teka?, parang 'yun yung letter para sa'kin ah?!
I hurriedly got that from her and asked,
"Bakit nasa'yo 'to?"
"Nakausli kasi sa bag mo. Eh parang mahuhulog kaya kinuha ko na. Don't worry, 'di ko naman binasa maliban sa name ng sender," sagot n'ya.
Parang may lungkot sa tono ng pananalita nya. Bakit kaya?
"Kilala mo ba kung sino yung anonymouslover_12?" I asked.
"Kain na tayo," She said.
Kinuha na n'ya ang pagkain n'ya at nagsimulang kumain. 'Di man lng n'ya sinagot ang tanong ko.
Kumain na lang din ako.
Ang pangit pala 'pag ganitong tahimik, ang awkward ng feeling. Bakit kaya ganun ang reaction n'ya?
Galit ba s'ya, nagseselos o ano?
Sino ba talaga yung anonymouslover na 'yun?
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Teen FictionMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...