Chapter 21. "Homebound"

122 6 0
                                    


(Arjay's POV)
"Arjay!!! Gising na! Sabi mo may pasok ka sa school, sasama ako."

"Mamaya, 8:30 pa naman first subject namin."

"Eh kahit na. Matagal ka pang maligo, bumangon ka na jan at bilisan mo na!"

"Tumigil ka nga Jenny. Mamaya lang sabi," sabi ko sabay hila ng kumot na kinuha nya sakin.

"Okay. Ikaw bahala, basta wala akong kasalanan sa kung ano ma'ng mangyayari."

"Oo na. Lumabas ka lang sa kwarto ko."

Hindi na sya sumagot. Nagtaklob na ulit ako ng kumot at nagpatuloy sa pagtulog.

Hindi pa naman siguro ako male-late. Kadadating pa lang naman pati namin kagabi, 10:30.

Bahala na.

Nakatulog na ako for an hour nang biglang tumunog ang cellphone ko.
I ignored it.

May tumunog ulit.
I ignored it again. XD

Nang tumunog ulit ito sa ikatlong beses, nainis na ako at bumangon sa kama upang kuhain ang cellphone ko sa drawer.

"Hi! Nabalitaan ko na nakarating ka na daw dito sa Pilipinas. Kumusta? Pumasok ka na ha. 8:30 am ang first sub, don't forget. :)"
-ito ang laman ng message from unregistered number.

Teka. Sino kaya 'to? Anonymouslover? Loko? O Chinchin?

Teka.

Chinchin?

Bakit naman magiging si Chinchin ito?

Tsk. Di bale na, anong oras na nga ba?

8:27 am.

Shit!

Kailangan ko nang magmadali para di malate at magalitan ng terror teacher namin.

Nagmadali na ako sa pagbangon.

"Ma! I'm in a hurry. I'll just eat lunch at school." Sigaw ko habang inaayos ang gamit ko sa school.

Malapit lang naman ang kitchen namin dito sa room ko kaya narinig nya naman ang sigaw ko.

"Okay, Anak. Ako na ang bahalang mag-ayos ng gamit mo jan. Tulong na kami nitong pinsan mong si Jenny."

"Ah Tita, masama po ako kay Arjay sa school nila. Gusto kong gumala."

"So iiwanan mo ko dito? Aba magaling. Hehe. Sige na, sama na. Basta bilhan nyo ko mamaya ng pizza pag uwi nyo ha?"

"Sige po," sagot ni Jenny.

"Oh Mama you heard that from Jenny. Sya ang manlilibre ng pasalubong sa'yo. Haha," sabat ko sa usapan.

"Anong ako? Syempre hati tayo sa bayad!"

"Sige ba, basta wag kang sumama sa school."

"Hehe, sabi ko nga. Ako na bahala sa Pizza. Sama ako ha."

"Okay. Bilisan mo na."

Habang nilalagay ko ang laptop ko sa bag, tumunog na naman ang cellphone ko.

Binuksan ko ang drawer pero wala, sa ilalim ng kama, wala.

"Nasan na ang cellphone ko?!" Napasigaw ako.

The Torpe Lovers (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon