Ang tanga ko. Sobrang tanga. Binugbog ko ang lalaking mahalaga sa babaeng aking minamahal. Hinayaan kong lamunin ng halimaw ang isip ko. Hindi ko inintindi ang sinabi ni Chinchin. Nagpadala ako sa sobrang selos at inggit.
Tama nga sila....
Nasa huli ang pagsisisi.
"I Hate You, Arjay! I hate you the most! Akala ko mabait ka! Nakakainis ka!"
Paulit-ulit kong naririnig. Nagre-replay sa ulo ko yung nangyari 5 days ago. Ang tanga ko talaga. Dahil sa ginawa ko nung limang araw na ang nakalipas, kinasusuklaman ako ngayon ni Chinchin. Ayaw nya na sakin. Di ko nga alam kung kaibigan pa rin nya ako. Syete.
8 am sharp at the Conference Hall. Whole Day practice. Be there on time. Hindi pwedeng ma-late. I'm on my way.
Send to: many
I texted them.
Nag-commute na lang ako papunta sa school. Tulog pa kasi mga drivers sa bahay.
---------
[@ Conference Hall]
"Good Morning, Arjay!" bati nila. Lahat sila nagbati sakin maliban kay Chinchin.
Tumango na lang ako bilang pag- Good Morning sa kanila.
"I received your email, Jovi. The script is good, mejo marami lang akong binago para ma-highlight yung problema sa kwento. So guys, sabi ng mga teachers, Tagalog ang gagamitin nating language sa play, saka ipapasa rin natin yung script sa board of judges. Na-print ko na rin yun.. Clyde, ipamigay mo na sa kanila," sabi ko.
Nang naipamigay na yung script, sinabi ko na ang role na gagampanan ng bawat isa.
"Ako ang gaganap bilang Marco, Christine as Ana, Eunice as Ronnah, Calvin as Julio , my rival on Christine's Heart..I mean Ana's heart, Clyde as Diego, may gusto kay Eunice, Jovi as Mr. Ronaldo, the father of Ana and Rosa, and Sophia as the Mother. Dun sa mga walang role na gagampanan, you're assigned to do the props and costumes. It's for our grades, so we should do our very best. At sya nga pala, buong oras ngayong umaga eh kakabisahin lang natin yung script at mamayang hapon tayo magsisimula ng practice."
They all nodded. Nagsi-upuan na ang lahat at nagbasa ng script.
Tiningnan ko si Chinchin. Mukhang wala sya sa mood magbasa. Bahala sya.
"Arjay, bakit mo pa ako pinagawa ng script kagabi? Eh samantalang hindi rin naman pala yun ang gagamitin natin sa play," sabi ni Jovi pagkalapit nya sakin.
"Sorry, Bro. Ang dami kasi naming eksena ni Chinchin dun sa gawa mo... Maganda rin naman yung gawa ko ah."
"Maganda nga, unfair naman sakin kasi pinagpuyatan ko pang gawin yung script kagabi, hindi rin naman pala yun ang gagamitin. Tsk."
"WAAAAHHHH!!!! ANG GANDA NG SCRIPT!!" ,biglang sumigaw si Sophia.
Dahil dun, nagulat kaming lahat. I gave Jovi my pagbigyan-mo-na-ako-sa-script look. He nodded.
Kung nagtataka kayo kung bakit binago at hindi ko sinunod ang script na gawa ni Jovi, ganito kasi yun.
Kami dapat ni Chinchin ang maraming eksena sa play, eh alam nyo namang nag-iba na ang tingin ko sa kanya simula nung iba na rin ang tingin nya sakin. Kaya ang ginawa ko, gumawa ako ng bagong script, at dun sa script na yun, konti lang ang eksena naming dalawa pero mas pinapakita dun ang sigalot sa kwento.
Tumingin ako sa mga kaklase ko. Mukha namang nagustuhan nila yung script kasi halos lahat sila ay nakangiti habang nagbabasa maliban lang talaga kay Chinchin.
Lumabas na ang tunay na ugali nya. Niloko nya lang siguro ako sa buong 1 taon naming pagsasama. She even shouted me her worst line,'I Hate You'. Akala ko sya ang tanging babaeng mamahalin ko. Akala ko sya na ang makakasama ko habang buhay. Mabuti na lang at hindi ko pa sa kanya naisasabi ang dating matagal ko ng gustong sabihin... Sa tingin ko, hanggang kaibigan na nga lang kami. Yun lang. Hindi siguro talaga kami ang naka-tadhana para sa isa't-isa.
Titigil na ako. Hindi na ako magkakagusto sa kanya. Ayaw ko na. Ayaw ko na muling masaktan. Marami pa namang babae jan di ba? Ikaw? OO! IKAW NGA na nagbabasa nito! Malay mo maging tayo. Pero hindi eh, pare-pareho lang siguro ang mga babae.
Nagsimula ng mag-practice ang mga kaklase ko kahit hindi pa naman hapon. Sabi ko kasi mamaya na mapractice, eh mga nagmamadali siguro kaya nagsisimula na.
Kanya-kanyang practice muna ang ginawa namin. Mabilis rin nilang nakabisa ang mga lines nila dahil madali lang naman yung kabisahin.
"Guys, tama na muna. It's already 11:30 , bumalik na lang kayo mamayang 12:45 para makapag-practice na tayo ng maayos," sabi ko.
Lahat sila sumang-ayon at niligpit na nila ang kani-kanilang gamit.
Nagkatagpo ang mga mata namin ni Chinchin. Parang ang lungkot nya. Tumagal iyon ng halos 1 minuto at ako na ang umiwas ng tingin.
Hindi ko pa rin kayang harapin ang taong kinasusuklaman ako. Hindi pa.
----------
12:45 pm.
Nandito na kaming lahat sa Conference Hall. At mukha namang ready na ang lahat para mag-practice..
"Sya nga pala, si Coren na lang ang Narrator. Nalimutan kong sabihin kanina. Anyway, simula na tayo ng practice," sambit ko.
Agad silang naghanda at inayos ko naman ang mga pwesto namin.
Dahil mahaba at mahirap i-explain ang laman ng script, yung summary na lang isasabi ko sa inyo.
Si Marco ay isang estudyante sa sikat na paaralan. Nagmamahalan sila ng kaklase nyang si Ana simula pa lamang nung 1st year college , ngayong 4th year na sila, nagkakalabuan na ang dalawa. Marami na silang hindi napagka-kasunduan. Puro na lang away ang nangyayari sa kanilang relasyon. At ang dahilan ng away ay ang kapatid ni Ana na si Ronnah, ang babaeng obsessed kay Marco. Samantalang si Diego naman ay ang step brother ni Marco na may gusto kay Ronnah.
In short, si Clyde ay may gusto kay Ronnah na may gusto naman kay Marco samantalang si Marco at Ana ay nagmamahalan ngunit umaayaw na si Ana dahil may gusto ang kapatid nya dito.
Magulo ba? Sorry ha.
Mauunawaan nyo rin yan kapag nagpe-perform na kami.
------------------------------------------------
(Chinchin's POV)Bakit ganun sya? Bakit nag-iba na sya? Di man lang nya ako kinausap o pinansin kanina.
I didn't mean the words "I Hate You!"
Kung mababawi ko lang sana yun...
------------------------------------------------
VOTE, COMMENT, SHARE ! :)
BINABASA MO ANG
The Torpe Lovers (Under Revision)
Novela JuvenilMagkaibigan. Pareho ng nararamdaman ngunit natatakot masaktan. Pano nga ba sasabihin ni Arjay sa kanyang kaibigan na si Chinchin ang linyang "Mahal Kita" kung natatakot syang ma-reject? Pano nga ba aamin si Chinchin kay Arjay kung sa tingin nya ay m...