ALONDRA'S POV:
Ngayong araw ko na susundan si Alexander. Bumaba na ako at naghain. Mauuna akong lalabas kay Alexander dahil ang paalam ko kay Joaquin ay mag a-out of town ako.
Ilang minuto ng nakapark ang kotse ko rito sa gilid ng Mansion. Napakatagal lumabas ni Alexander.
Makalipas pa ang ilang minuto ay finally natanaw ko ng palabas na nga si Alexander kaya inumpisahan ko ng paandarin ang kotse ko.
Ilang oras ang nakalipas..
Nakarating na kami sa Quezon pero ang pinagtatakhan ko ay bakit bumaba na s'ya agad sa may parang tagong lugar at hindi sa kampo. Nang unti-unti s'yang makalayo ay bumaba na ako ng kotse ko. Nakita ko namang pumasok s'ya sa isang maliit na eskinita kaya sinundan ko s'ya. Nakita kong may lalaking yumakap sakanya pero hindi ko kita ang mukha. Kaya mas lalo akong lumapit sa kinaroroonan nila pero nabigla ako ng may humatak sa kamay ko...
"Alondra anong ginagawa mo rito? Hindi ba ang sabi mo may aasikasuhin ka sa negosyo?"
Nagulat ako ng malaman kong kay Joaquin galing ang boses na 'yon
"A-ah hon sinusundan ko kasi si.." sabay tingin ko ulit sa kinaroroonan ni Alexander pero laking gulat ko ng wala na sila don
"Sino? At bakit ka nandito rin sa Quezon? Sinong sinusundan mo rito?" tanong ulit sa kin ni Joaquin this name may halong inis na
"Ah teka lang Joaquin magpapaliwag ako"
"Alondra niloloko mo ba ako?! Alam mo ang ayoko sa lahat ay ang niloloko ako! Kahapon ka pa hindi mapakali kaya nag-alala ako sayo kaya sinundan kita kanina akala ko naman ay may pupuntahan kang importante para sa negosyo tapos ngayon makikita kita rito? Sa tagong lugar na ito?" Joaquin
"Hindi kita niloloko, hindi ko magagawa sa'yo yon! Alam mo 'yan!"
"Tama na! Halika na umuwi na tayo ng Manila!" Joaquin
Alam kong galit na s'ya pero hindi ko naman masabi kung bakit ako nandito ngayon wala pa akong lakas ng loob para sabihin sakanya. Natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon n'ya at isa pa hindi ko pa sure kung buhay o patay na ang isa pa naming anak.
-
Habang nabyahe kami pauwing Manila ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi na ako nakatiis kaya ako na ang nagbasag sa katahimikan.
"Hon sorry na, sorry kung nag sinungaling ako sa'yo. Ang totoo n-nyan ano ahm" putol ko sasasabihin ko, hindi ko alam kung anong ipapalusot ko
"Ano Alondra? ano nga ba ang totoo?" Joaquin
"Hon" sabay himas ko sa braso n'ya
"S-sinundan k-ko kasi s-si Alexander ahm t-tapos, ah oo tama! sinundan ko si Alexander para siguraduhing safe s'yang makakapunta ng kampo. Kaya lang hindi ko na s'ya naabutan nasa kampo na pala s'ya" palusot ko sakanya
"Eh bakit ka nasa tagong lugar na 'yon?" Joaquin
"Naligaw lang ako, hindi ko alam kung pa'no ako napadpad don" palusot ko pa ulit
"Hon sorry na, promise hindi na mauulit. Gusto ko lang naman siguraduhing safe ang anak natin"
"Basta siguraduhing mong hindi na mauulit. Ayokong nakikipag-away sa'yo. Joaquin
"Yes Joaquin"
-
Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Nagpaalam na rin si Joaquin na babalik na ng kampo. Mag-isa na naman ako sa bahay dahil pumasok ang mga bata at ayaw ko munang pumasok sa Shop dahil hanggang ngayon ay ayaw ko pa ring makita ang pagmumukha ni Mimi. Hindi pa rin ako mapalagay sa nakita ko kanina. Sino ung lalaking niyakap ni Alexander kanina?
-
Hindi na ako mapakali kaya nagdecide na akong tawagan si Alexander
Ilang rings muna ang narinig ko bago nya nasagot ang tawag ko
"Hello Mommy? bakit po?"
"Ah anak kamusta byahe?"
"Ah okay lang po Mommy, medyo nakakapagod kayo po ba d'yan?" Alexander
"Okay lang kami rito wag mo kami alalahanin, Ah oonga pala anak may tanong sana ako sayo"
"Ano po 'yon Mommy?" Alexander
"Hindi ba mula bata ka lagi kang nagsasabi sakin ng totoo, lahat sinasabi mo sa'kin, lahat ng sikreto mo diba?"
"Opo naman Mommy, bakit po ba?"
"A-ah e-eh ganto kasi anak, m-may tinatago kaba sa'kin? May hindi ba 'ko nalalaman?"
"Wala naman po Mommy, ah oonga pala Mommy pinapatawag na ako. May meeting daw po kami. Babye i love you!" sabi ni Alexander saka binaba ang telepono.
Hindi pa rin ako kumbinsido na wala s'yang tinatago sa'kin. Alam kong hindi ako matatamihik hangga't 'di ko nalalaman kung bakit nawala ang isa ko pang anak at kung buhay pa nga ba ito.
-
Umalis ako ng bahay at pumunta ako sa isang Ospital.
"Ah Good afternoon po Dok, may tatanong lang po sana ako"
"Go ahead Ma'am"
"Ahm ganto po kasi kunwari po pagkapanganak ng baby hindi na po ito humihinga posible pa kayang mabuhay uli?"
"Ah yes po Ma'am, marami na pong case na ganon na kung saan pagkapanganak ng bata ay makikita mong hindi humihinga pero pagkaraan po ng ilang minuto ay maririnig n'yo na po itong umiiyak" Doc
"So ang ibig n'yo pong sabihin ay pwede pa pong mabuhay ang bata kahit ilang minuto na s'yang patay?"
"Yes po Ma'am. Possible po. Ah magpapaalam na po ako marami pa po akong pasyente"
"Ahm sige po Doc salamat po"
Naiwan naman akong nakatulala pa rin. Posible nga, posibleng buhay pa ang anak ko. Nabuhayan ako sa nalaman ko sa Doctor. Ngayon sigurado na ako na maaring buhay pa ang anak ko. At sigurado akong yun din ang taong nakita ni Alexander sa Quezon.
-
Nakauwi na ulit ako ng bahay nagtataka naman ako kung bakit nag-iimpake si Joaquin
"Hon san ka pupunta?" kabado kong tanong sakanya
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...