"Wala naman akong masamang ibig sabihin ba't parang nagagalit ka?" tanong ni Alondra kay Joaquin
"Hindi ako galit." sagot ni Joaquin
Tumango si Alondra, umupo s'ya sa tabi ni Joaquin
"Ano bang napag-usapan n'yo ni Lora? Parang kanina ka pa wala sa sarili." tanong ni Alondra
"Wala naman" sagot ni Joaquin
"Joaquin, karapatan kong malaman. " saad ni Alondra
Bumuntong hininga si Joaquin saka tinignan si Alondra
"Alondra wag na natin 'yon pag usapan hindi na 'yon mahalaga." saad ni Joaquin
Hindi na umimik si Alondra, ayaw na n'yang makipagtalo.
"Hon?" kinalaunan ay sabi ni Alondra
"Bakit?" tanong ni Joaquin
Hindi na ito sinagot ni Alondra kumandong s'ya kay Joaquin, hinahalikan n'ya ang leeg ni Joaquin pataas sa kanyang labi. Nagsasalitan na sila ng halik ng biglang hindi na tinutugon 'yon ni Joaquin
"Alondra pagod nako, matulog na tayo." sabi ni Joaquin
Tumango si Alondra at umalis na mula sa pagkakakandong nito kay Joaquin. Ngumiti si Alondra ngunit halata sa mukha nito ang pagkadismaya. Dumiretso si Joaquin sa kama nila samantalang si Alondra naman ay bumaba.
Kumuha s'ya ng wine at umupo sa gilid ng pool at doon ito nilagok . Ilang oras din s'yang nagpasakop sa kadiliman at kapayapaan ng gabi.
Nang umakyat s'ya ay naabutan n'yang natutulog na si Joaquin. Tumabi si Alondra sa asawa saka n'ya ito niyakap.
"Wala sanang magbago satin." mahinang bulong nya bago n'ya ipinikit ang kanyang mata.
-
Nagising si Alondra na wala na sa tabi ang kanyang asawa. Bumaba s'ya at naabutan n'yang kumakain sina Alex, Xandra,Jaime at ang kanyang Papa. Lumapit s'ya sa mga ito saka isa isang hinalikan.
"Nasan nga pala ang Daddy at kuya Alexander n'yo?" Tanong n'ya sa mga ito
"Maaga po silang umalis Mommy eh." sagot ni Jaime kay Alondra
"Ah ganon ba? Sige kumain na kayo d'yan para 'di kayo ma-late sa pagpasok. Magbibihis lang ako papasok na rin ako." Alondra
"Sige po" sagot nila
"Pa" tawag ni Alondra kay General
Tumango lang ito sakanya
-
"Hoy!" sigaw ni Mimi
"Ha? Bakit? Ano 'yon?" gulat at sunod sunod na tanong ni Alondra kay Mimi.
"Ano ba nangyayari sayo? Alam mo pwede na kitang sabitan ng kung ano ano d'yan eh, kanina kapa tulala" sabi ni Mimi
"Ah, 'di ko napansin eh" sagot ni Alondra
"Bakit ba anong problema?" tanong ni Mimi
"Alam mo ba feeling ko parang nanlalamig na s'ya sa'kin." kwento ni Alondra
"Lalo na sa kama" dugtong ni Alondra
"Ha?! Alondra ano ka ba?! Alam mo nang NBSB ako. Anong malay ko d'yan?" natatawang sagot ni Mimi
"Hahahah oonga pala, alam mo para makarelate kana sakin humanap ka ng Jowa mo no!" natatawang sagot din ni Alondra
"Alam mo kahit wala akong jowa panay naman ang dilig." sabi ni Mimi kumindat pa ito kay Alondra
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...