CHAPTER 5

226 13 0
                                    


  "Ha?!" ulit ko

Para akong nabingi sa narinig ko, may anak pa ako?

"Teka Mimi tama ba narinig ko may kakambal nga si Alexander? May isa pa akong anak? Pano nangyari yon? Ha?! Nasan ung isa pang bata?! Ung isa ko pang anak?!"

"Alondra huminahon ka, hayaan mo akong magpaliwanag"

Hinayaan ko s'yang magpaliwanag pero hindi pa rin ina-absorb ng utak ko ang mga nangyayari

  "Nang manganak ka sabi ng Doktor dalawa ang anak mo. Kaya nagtaka ako pero naalala kong hindi ka pala nag pa-ultrasound. Excited akong magising ka para sabihin sa'yong kambal ang anak mo. Pero pagkalabas na pagkalabas ng isang bata hindi na s'ya humihinga, si Alexander lang ang nabuhay. Agad kong pinakuha sa isang nurse 'yung isang bata para madala na agad sa morgue dahil alam ko pag-gising mo mag-wawala ka. Naisip ko nung namatay ang nanay mo nakita kita non hindi kumakain, hindi natutulog kaya sobra akong nag-alala sa magiging reaksyon mo at ayokong mangyari ulit sayo 'yon"

"Ang bata? Ang isang bata saan mo s'ya nilibing?" Naiiyak kong sabi sakanya. All this time may isa pa palang akong anak, ni hindi ko man lang nahawakan at nakita

"Yun nga ang problema Alondra. Pagkapunta ko sa morgue wala na ung bata tinanong ko sa mga nandoon kung nasaan ung bata walang nakakalam. Hindi ko alam ang  gagawin ko non, maniwala ka Alondra hinanap ko ung bata para mabigyan ko ng maayos na libing pero hindi ko talaga nakita. Alondra patawarin mo ako, mabuti ang intensyon ko kaya ko nagawa yon. Alondra patawarin mo ko" naiiyak na pagmamakaawa n'ya sakin.

Ngunit hindi ako nakinig. Hindi ko matanggap na tinago n'ya sakin na meron pa pala akong anak.

"Kahit na! Hindi mo dapat tinago sa'kin 'yon! Karapatan kong malaman ang totoo! Ako ang ina! Wala kang karapatang mag desisyon! Lumayas ka muna sa harap ko! please Mimi! baka kung ano pang magawa ko sa'yo!"

Pagka-alis ni Mimi ay saka ko binuhos lahat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang nalaman na may anak ako, totoo pala ang sinasabi ni Alexander na may kakambal s'ya pero ang sabi ni Mimi ay patay na ang isa ko pang anak. Kung gayon sino ang nakita ni Alexander sa Quezon?

  Napaisip ako sa isipang 'yon, posibleng buhay ang kakambal ni Alexander, posibleng buhay pa ang anak ko. Nabuhayan ako sa iniisip kong 'yon. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Kailangan ko malaman ang totoo kailangan kong mahanap ang isa ko pang anak buhay man s'ya o patay.

   Lumabas na ako sa office ko sa Jewelry Shop nakita ko naman si Mimi na nasa labas at mukhang hinihintay ako. May sasabihin sana s'ya pero hindi ko s'ya pinansin at agad ko s'yang nilagpasan.

  Nakauwi na ako sa bahay gayundin sina Joaquin at ang mga bata. Kasalukuyan silang naghahapunan binati nila ako at niyayang kumain pero hindi ako sumagot tinitigan ko ng mabuti si Alexander at saka lumabas muna para magpahangin. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mimi at hindi ko rin alam kung sasabihin ko kina Papa at Joaquin ang nalaman ko, baka hindi sila maniwala lalo na si Joaquin. Pero nabuo na ang desisyon ko sasabihin ko kay Joaquin ang mga nalaman ko. Natigil ako sa pagtitig sa buwan ng naramdaman kong yumakap si Joaquin mula sa likuran ko.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon