THIRD PERSON'S POV:
Kinabukasan..
"Good morning Hon!" bati ni Alondra sa asawa
"Good morning" bati rin ni Joaquin
"Oh bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Alondra, nagtataka s'ya kung bakit naka kunot ang noo ni Joaquin
"Kanina ka pa ba gising?" tanong n'ya ulit.
Nanatiling walang kibo si Joaquin
"Joaquin? Ano na naman bang problema mo?"
"A-ah wala naisip ko lang. Wala ka na bang tinatago sa'kin? Sabihin mo na. Alam mo naman ang ayoko sa lahat ung niloloko ako hindi ba?" sabi ni Joaquin
Napabuntong hininga si Alondra. Hindi n'ya alam kung aaminin na n'yang may kakambal si Alexander at kasama nito si Lora. Natatakot s'ya. Baka bigla nalang magbago si Joaquin sakanya.
"Ano? Alondra? May tinatago ka pa ba?"
"A-ah Hon. Wala na" sabi n'ya ng 'di tinitignan si Joaquin sa mata
"a-ah oonga pala bakit ka umuwi? Hindi ba sa opening ka palang nung negosyo ka uuwi?" pag iiba na n'ya ng usapan.
Nakita n'yang napabuntong hinga si Joaquin. Alam na n'ya kung para san 'yon. Hindi na naman s'ya makakapunta
"I'm sorry." hinging paumanhin ni Joaquin
"Hays Alam kona. Ano panga bang bago? Palagi nalang ganto" malungkot na sabi ni Alondra
Akma s'yang tatayo sa kama ng niyakap s'ya ni Joaquin
"Sanay ka naman na diba? May trabaho kasi ako nung araw na 'yon. Hindi ko talaga kayang pumunta. Si Alexander nalang ang papupuntahin ko." sabi ni Joaquin habang nakayakap s'ya kay Alondra
"Hindi porket sanay na ako hindi na masakit. Isa 'yon sa milestone sa buhay ko. Importante para sa'kin 'yon tapos hindi ka makakarating?" saad ni Alondra. Naiiyak na naman s'ya pakiramdam n'ya nanglilimos pa rin s'ya ng oras ni Joaquin.
"Alam ko. I'm sorry. Kaya ako nandito ngayon para bumawi. Babawi ako sa'yo ngayon."
Napabuntong hininga si Alondra. Kumalas s'ya sa pagkakayakap at tinitigan si Joaquin
"Sa lahat ng importanteng ganap ko sa buhay wala ka. Sa lahat ng tagumpay ko wala ka, para sa'yo saka sa mga bata pa naman ang lahat ng tagumpay ko kaya gusto ko nandon kayo." Alondra
"Alam kong lahat ng ginagawa mo ay para samin. Kaya pasensya ka na talaga kung hindi na naman ako makakarating."
"Palagi nalang ba tayong ganto?" tanong ni Alondra
"Palagi mo namang iintindihin hindi ba?"
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakaintindi. Nakakapagod na kasi at nakakasawa."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Joaquin
Pero hindi na 'yon sinagot ni Alondra. Dire diretso s'yang pumasok sa banyo.
Kumatok pa si Joaquin sa banyo pero hindi na n'ya pinagbuksan.
-
Sa banyo..
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...