"Iwan n'yo na kami." sabi ni Rosa kina Isagani at Krista"Pero Ka Rosa-" pigil ni Krista
"Ako nang bahala." sagot ni Ka Rosa, nakatitig lang si Alondra sakanya.
Pagkaalis ng dalawa ay inalis ni Ka Rosa ang takip n'ya sa mukha. Nagtaka si Rosa bakit hindi man lang nagulat si Alondra pagkakita ng mukha n'ya.
"Hindi mo na ba ako natatandaan?" tanong ni Rosa
"Kilalang kilala kita Lora." seryosong sagot ni Alondra
"Eh bakit hindi ka man lang nagulat?" tanong ni Lora
"Dahil matagal ko ng alam na rebelde ka."
"Pa'no mo nalaman?" tanong pabalik ni Lora
"Nakita kita sa isang kainan, ewan ko pero may nakapagsabi sakin na mga rebelde ung nagtatrabaho don, nagulat ako dahil ang sabi ni Papa pinatay ka ng mga rebelde noon." paliwanag ni Alondra
Hindi naman makatingin si Lora.
"Hindi ka pa daw ba kumakain?" pag-iiba ni Lora ng usapan
"Bakit ganyan ka? Bakit parang hindi ka galit? Alam kong alam mo na asawa ako ni Joaquin." takang tanong ni Alondra
"Hindi 'to ang panahon para magalit ako sa'yo. Nanganganib ang buhay mo."
"Hindi ba 'to ang plano n'yo? ang dukutin ako? pero alam mo naman na hindi ako ipagpapalit ni Papa sa rebeldeng nakuha nila. Alam mo ring mas mahalaga ang pagiging sundalo n'ya." malungkot na sabi ni Alondra
"Hindi ko alam 'to, huli na ng nalaman kong may dinukot sila. Kumain kana muna gagawa kami ng paraan ni Inay para iligtas ka."
"Lora... patawarin moko sa lahat, sa lahat ng kasalanan ko." hinging tawad ni Alondra
"Wag nating pag-usapan ngayon 'yan. Kumain kana muna, saka wag mokong tawaging Lora dito, hindi nila alam na kilala kita, Rosa ang tawag nila sa'kin."
Hinawakan ni Alondra ang kamay ni Rosa
"Oh bakit parang malungkot ka pa rin? Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ni Lora
"Wag mo na ako tulungan, mapapahamak lang kayo." seryosong sabi ni Alondra
"Bakit?"
"Ang sabi sa'kin nung babae kanina pag niligtas n'yo ko kayo naman ang papatayin. Kaya Lora.. makinig ka... okay lang ako. Hindi mo na kailangang iligtas ako, kabayaran ko na siguro to sa lahat ng pang aaway ko sa'yo noon, pero... kung hindi man ako mailigtas nila Papa, mangako ka sa'kin... na kapag nakita mo si Joaquin at ang mga anak ko pakisabi mahal na mahal ko sila.. sila ang buhay ko.." naiiyak na sabi ni Alondra
"Ano kaba! Ililigtas kita! Kapatid pa rin kita, kahit anong mangyari ate mo pa rin ako! Wag ka nang umiyak d'yan makikita mo pa mga anak mo! at makikita mo pa.... si Joaquin" naiiyak din na sabi ni Lora
Umiling lang si Alondra , hinawakan naman ni Lora ang pisngi ni Alondra
"Makinig ka, mamayang gabi itatakas kita, itatakas ka namin. Wag kang mawalan ng pag-asa. Makakawala ka dito, makikita mo pa sila. Naiintindihan mo?" sabi ni Lora
"Pero paano ka? Paano kayo? Mapapahamak kayo oras na makawala ako dito." nag aalalang tanong ni Alondra
"Hindi, wag mokong aalahanin. Malulusutan din namin to." sagot ni Lora
Tumango na si Alondra
"Kumain kana. Pupuntahan kita mamayang gabi. Pangako." sabi ni Lora saka umalis na.
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...