CHAPTER 20

170 15 0
                                    

JOAQUIN'S POV

"Hello? Joaquin?" sagot ni Mimi sa tawag.

"Hello Mimi, pwede ko bang malaman kung ano ang mga schedule ni Alondra for this day?" Tanong ko

"Meron s'yang meeting kay Mr. Christian Hernandez pagkatapos ay meron s'yang appointment sa isang kliyente"

"Ah okay. Pwede bang ikaw nalang pumunta sa mga 'yon? Kasi gusto kong ipasyal sila ng mga bata eh."

"Ahm ung isa pwedeng ako ung pumunta pero ung meeting n'ya with Mr. Hernandez hindi pwede eh. Special request kasi ni Christian 'yon na si Alondra mismo."

"Hays" buntong hininga ko

"Bakit may problema ba?"

"Ah wala wala Mimi, nandyan naba ung ugok na 'yon?" tanong ko ulit

"Ahm sino?"

"Ung Christian Hernandez kako nandyan naba?" ulit ko

"Wala pa eh si Alondra pa lang. Kapapasok lang n'ya"

"Ah okay. Wag mong sasabihin na pupunta kami ng mga bata d'yan ah"

"Okay" saka binaba na ang tawag

-
ALONDRA'S POV

At the Office...

Nag-iisip ako ng malalim kung sasama ba 'ko sakanila o hindi. Masama pa rin kasi loob ko kay Joaquin

Pero on second thought kay Joaquin lang masama loob ko hindi sa mga bata. Unfair naman siguro kung hindi ako sasama sakanila dahil masama loob ko sa Daddy nila.

Hay sasama na nga ko sakanila. Kahit kelan hindi ko talaga matitiis ang mga anak ko.

"Mimi!" sigaw ko kay Mimi sa labas ng office

"Y-yes ma-maam Alondra?" pormal na sagot ni Mimi sakin.

"Pwede bang ikaw nalang pumunta sa lahat ng appointments ko today?"

"Ahm yes po, pero ung meeting mo kay Tantan hindi pwedeng ako. Ikaw daw mismo gusto n'yang makausap"

"Ay aalis ako! Gawan mo ng paraan please!"

"Ang alin Alondra?" rinig kong tanong ni Tantan sa likuran ko

"I'm sorry late ako. Traffic eh so san tayo magmemeeting?" tanong n'ya ulit

"Ah Tantan sorry hindi ako pwede ngayon eh"

"Bakit san ka pupunta? Bakit hindi ka pwede?" Tantan

"Dahil sasama s'ya samin" sabat ni Joaquin.

Gulat akong napatingin sakanya.  Kasunod n'ya sina Jaime, Alex at Xandra

Lumapit sakin si Joaquin at hinapit ang bewang ko saka ako hinalikan sa labi, hindi naman ako nakaiwas dahil nakatingin ang mga bata.

"San kayo pupunta?" tanong ni Tantan

"Wala ka na don pare" sabi ni Joaquin. Hinawakan naman n'ya ang kamay ko.

Binitawan ko 'yon at ako naman ang nagsalita

"Sa Baguio papasyal lang namin ang mga bata. Si Mimi na muna makikipag meeting sa'yo. Pasensya kana" paliwanag ko kay Tantan

"Ah sige. Okay lang 'yon. I understand next time nalang. 'eto na pala mga anak mo?"  tanong n'ya saka nilingon ang mga bata sa likuran n'ya

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon